118

64 3 0
                                    

Messenger

Solana Ambielle Vela

May 1, 5:21 AM (PST)

Brent:

Hello, my Sol :)

I just want to say I miss you, as always. And I couldn't do anything about it since you're too far.

I hope you're okay.

Hindi ko alam kung may kasalanan ba ako sa yo kaya hindi mo ko kinakausap o hindi ka nagre-reply sa akin, o kaya naman sadyang gusto mo lang space sa mga panahong 'to. Pero kung may kasalanan ako, please tell me. I'll make it up to you, magso-sorry ako sa actions ko, Sol. Gagawin ko lahat, just don't put space between us.

Iintayin kita kung paano mo ako inintay ng dalawang taon. Hindi ko alam kung paano mo na-survive 'yung dalawang taon na nag-iintay sa akin samantalang ako wala pang isang linggo parang mamamatay na ako.

Nandito lang ako palagi, Sol 💛

Kapag gusto mo nang umuwi at sawa ka na diyan sa Siargao, nandito lang ako. Puwedeng-puwede mo akong uwian, mahal... At, iintayin kitang uwian mo ako.

Huwag kang mag-alala, kahit malayo ka, ikaw lang palagi. Walang hihigit sa yo. Mas gugustuhin kong hintayin ka kaysa maghanap ng bago.

Mahal kita, Sol. Mahal na mahal.

Hahayaan kitang magpakalayo-layo basta't ingatan mo lang ang sarili mo. Iisa ka lang, hindi ko kakayaning mawala ka pa.

We're Falling Back (Calgary's Lovestruck Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon