Chapter 18: The Bad Boys

7.9K 289 10
                                    

Chapter 18: The Bad Boys

(A/N: Idededicate ko po itong chapter na to kay ly_vkook, tinulungan niya akong maghanap ng Korean para sa bagong dating na badboys. Salamat Ly Marie! Readers, enjoy!)

Preii's POV

Nandito kami ngayon sa gym, pinaglilinis kami ng nanay ni Rex eh. Ewan ko ba kung bakit kami yung pinaglilinis, andami daming kalat!

"Bakit ba kasi tayo sumusunod doon kay Mrs. Felicidario?" Reklamo ni Rose

"Oo nga. Tsk. Kainis. Akala ko naman mabait yun, katulad din pala siya ng anak niyang demonyo." - Alessandra

"Hayst nako, maglinis na lang kayo, andami niyo pang reklamo. Buti nga itong gym lang pinalinis eh, hindi buong AU." - Alyanna

"Eh, andami namang kalat dito Yanna. Grabe, akala mo may naganap na concert. Andaming basura at putik. Tsk. Samantalang, nilinis mo na to Yanna diba?" - Lian

"Ewan ko nga ba bakit naging madumi ulit? Eh kahapon iniwan natin to ng malinis nung nagcheerdance tayo." - Alyanna

"Pero bakit sa sulat lang tayo inutusan ni Mrs. Felicidario? Eh pwede naman niya tayong kausapin sa personal." Sabi ko

"Oo nga, yun nga pinagtataka ko eh." - Alessandra

"Tapos ang pangit pa ng sulat. Ganun ba sulat ni Mrs. Felicidario?" - Rose

"Bakit sa akin ka nagtatanong? Nakita ko na ba yung sulat ni Mrs. Felicidario?" - Lian

"Bakit? Ikaw ba tinatanong ko?" - Rose

"Tama na nga, tumahimik na kayong dalawa. Mag-aaway pa eh." Saway ni Yanna sa dalawa

"Tapos wala pang pirma, diba Yanna?" Sabi ko

"Hayst tama na, maglinis na lang tayo ng makatapos na. " - Alyanna

Hayst nako, andami namang janitors dito sa AU. Bakit kami pa pinapalinis ni Mrs. Felicidario? Wala naman kaming ginawang masama ah? Umagang-umaga pagpasok namin sa AU, isang estudyante ang tumambad sa amin na may dalang sobre.

Dear Nerds,

Linisin niyo ang gym. Ngayon na, wala ng pahinga hinga. Alam kong nilakad niyo lang ang kantong to, pero wala akong pake doon. Ang kailangan niyong gawin ay malinis yon, naiintindihan niyo ba Nerds?

- Mrs. Felicidario

Oh diba, taray ni Mrs. Felicidario, pati sa message binubully kami.

Speaking of bully.

"Hello, Nerds. Musta ang paglilinis? Masaya ba?" - Rexell

"Try mo kaya kaming tulungan ng malaman mo." Sabi ko sabay umirap

"Alam niyo kung mang-aasar lang kayo, pwede ba lumayo layo kaya at baka mapakain ko sa inyo itong buong walis." - Alessandra

"Relax, Ali. Masyado namang mainit yung ulo mo. Meron ka noh?" - Jake

"Umayos nga kayo, umalis na kayo." - Alyanna

*boogsh!*

Napatingin kaming lahat sa pintuan ng gym. Binagsak kasi yung pinto ng gym at pumasok yung lima kahapon. Sila Kevin.

"Well guys, labas muna, may kakausapin lang kami." Sabi ni Kevin sabay smirk at tumingin kay Rex

Nagsitunguan naman lahat ng estudyante at lumabas.

Napairap na lang ako, kasama rin pala kaming lalabas. Aish! Gusto ko ng matapos tong paglilinis na to!

Dahil sa badtrip ko binagsak ko ng malakas yung mop na hawak ko at naglakad.

The Campus Heartthrobs Meets The Campus NerdsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon