Chapter 71: Happy Trip Part 3

4.3K 167 9
                                    

Shany's POV
Walanghiya talaga tong bartender na to, makikipaglandian lang pala eh! Eh bakit siya pa yung pinatrabaho dito kung ganyan lang din pala gagawin niya?!

Tumayo naman ako at humarap sa kanya, mukhang hindi parin niya ako napapansin kaya tinabig ko yung hawak nung mga babae sa kanya at hinawakan yung bartender sa kwelyo.

"Hoy! Pagsilbihan mo ko---Jairon?!" Gulat na sigaw ko

Si Jairon! Bakit andito siya?!

"Girls, alis muna kayo." Malanding sabi niya sa dalawang babae

"Pero, Jairon! We want more!" Malanding sabi nung isang babae

"Sorry, babe. May gusto atang makipag make out sakin ngayon... At mukhang hindi na siya makapaghintay." Nakangiting sabi niya sa akin

Ako ba yung sinasabihan niya?! Hah! Ang kapal lang ha!

Umalis naman na yung dalawa at nagsalumbaba sa stool habang nakatingin sakin. "Are you ready?" Malanding sabi niya sabay smirk

"Ready? Oo---ready na akong sapakin ka! Hoy, may atraso ka pa sa kaibigan ko kaya ayus-ayusin mo yung ugali mo!" Sigaw ko sa kanya

Umalis naman siya sa pag salumbaba at nagcrossed arms namang tumingin sakin. "Ah, si Zhyrah? Kasalanan niya yon, feeling siga eh." Nakasmirk na sabi niya

"Ang kapal talaga ng mukha mo noh?! Ikaw kaya ang feeling siga doon! Anong akala mo, ikinagwapo mo na yon? Ikina-astig mo na yon?" Mataray na sigaw ko sa kanya

Ako yung tipo ng babaeng hindi umuuwing hindi nakakaganti at nandito ako para iganti si Zhyrah atsaka sa pag-ja-judge niya sakin, ano akala niya sakin? Tulad nung dalawang babae niya kanina?!

"Hindi, dahil astig talaga ako at talagang... Gwapo ako." Nung sinabi niya yung word na 'gwapo ako' ay mabilisan niyang inilapit yung mukha niya sakin

Pinalo ko naman ng malakas yung ulo niya "Wow talaga ha! Ang kapal mo! At nagagawa mo pang makipaglandian sa oras ng trabaho mo ha?!" Sigaw ko sa kanya

Kaya pala di ko na siya nakikita sa school, may trabaho na siya ngayon. Mahirap lang ba sila? Eh diba anak siya ng politiko?

"Bakit babe, nagseselos ka ba?" Mapang asar na tanong niya sa akin

"Hindi ako nagseselos noh! Sinasabi ko lang yung karapatan ko bilang customer mo! Eh baka gusto mong isumbong kita si manager mo?!" Pananakot ko sa kanya

"Hah, edi gawin mo." Matapang na sabi niya

"Ah nagmamatapang ka pa ah! Tignan natin kung bigla ka nalang mapapaalis sa trabaho mo!" Sigaw ko sa mukha niya

Inilibot ko naman ang mata ko at naghanap ng mapagsusumbungan, sorry ka nalang Jairon at siguradong mapapaalis ka na sa trabaho mong yan. May nakita naman akong isang babae na may kinakausap na mga house keeping.

"Miss, ikaw ba yung manager dito?" Tanong ko

"Oh yes, my name is Anna Talumpati, mam may I help you?" Tanong niya

"Meron kasi kayong trabahador dito na nakikipaglandian sa mga ibang customers niya habang oras ng trabaho!" Sigaw ko

"Asaan po yun, mam? Nang maipadala namin sa second owner ng resort na to. Yung unang owner po kasi ay pinapamanage to sa pangalawang owner." Sabi niya

"Ayun oh!" Sabi ko sabay turo kay Jairon na nakangisi lang sakin

Huli ka boy, lagot ka na!

"A-ah, mam. Sorry po, pero hindi po natin siya maidadala sa second owner nito eh." Sabi niya

"At bakit?! Mali ang ginagawa niya!" Sigaw ko

"Hindi po talaga, mam eh." Sabi niya

"May problema ba dito?" Nakangising sabi ni Jairon na sumingit na sa usapan namin

"Oo, ikaw! At bakit ang lakas ng kapit mo sa manager mo? Siguro isa rin siya sa mga babae mo no---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita yung manager

"Sir, sorry po kung napagsasalitaan po kayo ng masama." Sabi nung manager sabay yumuko

"Si-sir?" Takang tanong ko

Bakit sir ang tawag nung manager Anna kay Jairon?

"Siya po yung second owner ng resort na to." Sabi niya na ikinalaglag ng panga ko

Se-second o-owner siya nito? Napatingin naman ako kay Jairon na nakasmirk.

Aalis na sana ako ng hilahin niya ako at binulungan "Got you babe, haha!"

Umalis ako sa hawak niya at bumalik na kila Preii, my goodness! Nakakainis siya! Tsk, napahiya pa tuloy ako argh!

Lian's POV
Naliligo na kami dito sa beach nang lumapit sakin si Peter. "Lian, tara sa pool tayo." Sabi niya at hinawakan ako sa braso

Tumango naman ako at sabay kaming umahon sa beach. "Preii, magpo-pool lang kami ah?" Paalam ko

"Sige!" Sigaw niya

Naglakad na kami papunta sa area na puro pools. Andaming pool dito, ang ganda! May iba't ibang slides at mga effects ng pool, tulad na lang nung wave pool.

"Slide tayo, Lian!" Sabi niya

Slide? Ayoko, napatingin naman ako sa lahat ng slides, grabe ang taas, tapos yung babagsakan mo nasa 6 ft di ko keri to.

"Ayoko, ikaw nalang, antayin nalang kitang makababa sa pool." Sabi ko

"Wag kang matakot, andito naman ako eh." Sabi niya sabay hawak sa pulso ko

Nakaramdam naman ako ng tiwala sa hawak niyang yon kaya tumango na ako, umakyat kami sa hagdan para makapunta sa tuktok ng slide. Nung nasa tuktok na kami tumingin ako sa baba at mygosh! Nakakalula!!!

"Wag kang matakot, kasama mo naman ako eh. Basta magtiwala ka lang sa akin." Sabi niya sabay ngiti

Tumango naman ako, sabay kaming mag-i-slide, habang nakaupo kaming dalawa sa slide at nagre-ready, hinawakan niya ako sa kamay. "Wag na wag mong bibitawan yung kamay ko, wag ka ring matatakot, sumigaw ka lang at mag enjoy." Sabi niya sabay nagpadulas na kaming dalawa

"Waaaaahh!" Sigaw naming dalawa at sumalubong na sa amin ang magandang kulay ng pool

Pagkalublob namin ay agad na hinila ni Peter yung kamay ko para hindi ako malunod. "Ano? Masaya ba?" Nakangiting sabi ni Peter

"Oo." Sabi ko habang humihingal pa

"Lian, tignan mo yung kamay mo." Sabi niya

Itinaas ko naman yung kamay ko na nakalublob sa pool at nakita ko yung isa kong daliri na may nakasuot na singsing na napakaganda, kumikinang ng sobra.

Hinawakan niya yung dalawang kamay ko at hinalikan yon, "Lian, will you be my girlfriend?" Tanong niya

"Yes." Nakangiting sabi ko

Bigla naman niya akong hinila pababa at hinalikan ako sa ilalim ng pool... Para walang makakitang iba.

Haha, I really love you, Peter.

(A/N: Kinilig ba kayo? Comment niyo kung saan kayo kinilig! At anong masasabi niyo sa pagkapahiya ni Shany at sa kakapalan ng mukha ni Jairon? Comment na din!)

Yung singsing na binigay ni Peter nasa media! Ang ganda hahaha!

The Campus Heartthrobs Meets The Campus NerdsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon