Chapter 70: Happy Trip Part 2

5.3K 161 5
                                    

Preii's POV
Kung kanina bago kami umalis sa bahay, puro kami tawanan at kwentuhan. Pero nung tumagal na ay tumahimik na lang bigla, mga tulog na eh! Si Rex naman nananahimik lang dito sa tabi ko, siguro inaantok na rin to, baka masyadong eksayted din sa outing namin ngayon. Haha!

"I love you daw sabi ni eddy." Sabi ni Rex

Ha? Sino si Eddy?

Tinaas ko naman yung kanang kilay ko na sinasabing 'ha?'

"Sinong Eddy?" Takang tanong ko

"Eddy ako." Sabi niya sabay kindat

Iniba ko naman ang tingin ko at kinagat yung labi ko dahil pinipigilan kong tumawa, haha pero shet kinikilig ako haha.

"Ewan ko sayo, Rex." Sabi ko na parang walang epekto at tumingin nalang ng diretso sa harap

Nanahimik siya ng saglit tapos nagsalita na naman ulit.

"Preii, chinese ka ba?"

Bat naman niya tinatanong? Wala naman akong lahing iba eh, singkit lang talaga mata ko.

"Bakit mo---" Hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko ng unahan niya ako

"Kasi I'll SIOMAI love to you and I HOPIA love me too." Sabi niya sabay ngiti ng malaki

Napairap nalang ako sa kanya, akala ko tumigil na haha pero takte kinikilig na naman ako!!!

"Ang korni mo ha!" Sigaw ko sa kanya pero deep inside kinikilig talaga ako

"Ang hirap kaya mag isip ng pick up line! Lalo na kapag ikaw lang ang laman ng isipan ko." Sabi niya sabay taas baba ng kilay

Dapat hindi ako ngingiti pero takte tong labi ko hindi nakisama, haha! Napangiti tuloy ako sa harap niya.

"Preii, Berry ka ba?" Tanong niya

Dapat i-isnobin ko nalang ng nagpout siya, kaya no choice ako kundi sumagot ng bakit, atsaka gusto ko rin naman haha!

"Oh, bakit?" Kunwaring inis na tanong ko

"Kasi I love you BERRY much." Sabi niya sabay mabilisang hinalikan ako sa pisngi

Sinamaan ko naman siya ng tingin tapos binigyan lang niya ako ng malawak na ngiti, loko talaga to haha!

"Sana baso ka nalang." Sabi niya

Baso? Bat naman ako naging baso?

"Bakit?" Takang tanong ko

"Para 8 times a day kitang nahahawakan at... Nahahalikan." Sabi niya at mabilisan na naman akong hinalikan sa labi

"Rex!" Mahinang sigaw ko dahil natutulog sila Ali

"Ang cheesy tol ah." Sabi ni Jake habang nakapikit

Nagulat naman ako dahil gising pala tong mokong na to!

"Gulong ka ba?" Tanong niya

Bat naman ako naging gulong? Parang negatibo to ah..

"Oh bakit?" Medyo inis kong tanong

"Kasi WHEEL you marry me?" Tanong niya

Doon naman na talaga sumabog ang nalulutong ketchup sa pisngi ko, ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko at pamumula.

"Preii, last na to." Sabi niya sabay hawak sa baba ko

"Tae ka ba?" Tanong niya

Luma na tong pick up line niya, pustahan, ang sasabihin niya, hindi kasi kita kayang paglaruan eh.

The Campus Heartthrobs Meets The Campus NerdsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon