Chapter 41: Aly-Ence (ALYANNA + TERRENCE)

5.8K 222 9
                                    

Chapter 41:  Aly-Ence (ALYANNA + TERRENCE)

Alyanna's POV
Maya-maya ay nakarating na kami sa restaurant. Isang simpleng restaurant lang siya, pero napakaganda. Naka-appropriate yung mga tables and chairs. Merong pang couple date, merong pang magbabarkada, at pang-pamilya.

"Nagustuhan mo?" Bulong sa akin ni Terrence

Tumango naman ako. Inilahad naman niya yung kamay niya sakin, hinawakan ko naman yon atsaka sabay kaming pumasok sa restaurant na yon.

Nakita namin sila Rex, Jake, Rose at Lian na nakaupo na doon sa pang-grupo.

"Ano, girls? Nagustuhan niyo ba?" – Marlon

"Oo, baka mamaya mahal dito ah!" – Rose

"Hindi, kaya sa budget to noh!" – Peter

"Atsaka, kasya man o hindi, treat parin namin tong mga lalaki, sa kanya-kanya nilang minamahal." Sabi ni Jake sabay kindat kay Ali

Asus, ang sabihin niya, isa siyang HOKAGE!

"Wifey, anong gusto mong kainin?" – Terrence

"Yung hindi nakakalason." Sabi ko

"Wifey naman, yung maayos naman." – Terrence

"Yung mabubusog ako." Sabi ko

"Eh pano kapag yung inorder ko, di mo gusto, pero mabubusog ka. Pano yon?" Malungkot na sabi niya

"Kasalanan ko pa ba yon?" Pagtatanong ko

"Bat ang sungit mo?" Lalong lumungkot naman yung tono niya

Haha, ang kyut niya! Ang tangkad tangkad niya, tapos ganyan pala siya magtampo! Haha!
"Baka meron, pre!" Nang-aasar na sabi ni Jake

Siniko naman siya ni Ali, kaya napa-aray siya.

"Hubby." Sabi ko atsaka tinaas yung baba niya

Tinitigan ko naman siya sa mata.

"Joke lang hubby, wag ka ng magtampo. Haha, kahit ano hubby. Di naman ako mapili sa pagkain eh." Sabi ko

"Ayiee! Nakakalanggam naman!" – Alessandra

Nagliwanag naman yung mukha ni Terrence atsaka ako inakbayan.

"Miss!" Tawag ni Terrence sa waitress

Sinabi naman na nila yung mga order nila, pati yung order namin ni Rence.

"Ahh! Nakakaantok!" Hikab na sabi ni Jake atsaka dahan-dahang ipinapatong sa balikat ni Ali

"Hmm!" Pagbabawal ni Ali na pinalo si Jake sa braso atsaka pinanlisikan ng mata

"Chill, chill! Naghihikab lang eh." Dismayadong sabi ni Jake

"Pwes, kung maghihikab ka man, please wag kang tumabi sakin? Panira ka ng araw!" Sigaw ni Ali

"Ay nako, kakaamin lang kanina, LQ agad? Baka mamaya bukas mauwi na sa kasalan yan ah?" Pang-aasar ni Rex

Tinitigan naman siya ni Ali ng masama.

"Haha, hayaan niyo na si babe. Ganyan talaga yan, nagselos kasi kanina eh." Sabi ni Jake atsaka inakbayan si Ali

"Ang kapal ha! Di ako nagseselos! Wala akong pake kung bumalik ka man doon sa babaeng nagtitipid sa tela!" Sigaw ni Ali atsaka umirap

"Hayst nako, Ali. Masanay ka na kay Jake, chick magnet yan eh. Lapitin talaga yan." – Peter

"Lapitin ng ano? Ng aso?" Pilosopong sabi ni Ali atsaka kinurot yung braso ni Jake

The Campus Heartthrobs Meets The Campus NerdsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon