Chapter 33: Stay

5.9K 224 4
                                    


Chapter 33: Stay

(A/N: Maguupdate na naman ako readers! Mahabang update na naman to, malakas kayo sakin eh. Mahal ko kayo! Saranghae! Maghintay hintay lang kayo sa susunod na update ko ah! Thank you po, sana po nagagandahan kayo sa story ko at yung flow. Comment po kayo kung may panget ah, sorry po readers sa mga typos, at grammars ah, pasensya po, pagpasensyahan niyo ang babaeng tulad ko haha XD well, sorry din about sa basketball game ng heartthrobs at badboys, medyo may mali haha XD well simulan na natin ito!)

Rex's POV

Nasa locker room ako, kakatapos ko lang maligo. Wala na sila Jake dahil pinauna ko na sila. Pikon si Kevin, napakapikon. Wala akong pake sa kanya, kahit maghalumpasay pa siya sa sahig, wala akong pake, kahit anong mangyari hinding hindi niya makukuha sa akin si Preii, akin lang siya. Desperado na kung desperado dahil ganito ko kamahal si Preii, hindi ko nga alam kung paano umabot sa salitang mahal ang pagtingin ko kay Preii, ang masakit lang ay kapag hindi tulad nung sa akin ang nararamdaman niya para sa akin.

Gago kasi si Kevin eh. Ganito kasi yung nangyari.

*Flashback*

Yung huling nasa amin na yung bola, don na kami nagkakainitan ni Kevin. Naiinis na ako sa kanya nun at gustong gusto na siya sapakin pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong makagawa ng ikagagalit ni Preii at ni ate.

"Rex, pag nanalo kami dito, can you please back off? Akin si Preii, get out of my way." – Kevin

"Kapag nanalo ka. Ang tanong, mananalo ka nga ba?" Sarkastikong tanong ko sa kanya

"Makikita natin mamaya, basta kung sino ang matalo. Kailangan layuan si Preii, naiintindihan mo ba? Atsaka alam ko namang pagtitripan mo lang ang feelings niya, wag mo ng itanggi Rex, kilala kita." Sabi ni Kevin at nagfocus na sa referry

Napakunot at nagdilim ang paningin ko sa sinabi ni Kevin, walang hiya to. Mahal ko si Preii, hinding-hindi ko siya lolokohin.

Nung magsimula na ang laban, kapag papalapit sa akin si Kevin ay tinititigan ko ito ng masama. Malaking ngiti naman ang iginaganti nito sa akin.

Nung pangalawang paglapit niya na sa akin ang mas kinainisan ko.

"Alam mo Kevin, kahit na manalo man kayo dito, wala ka paring pag-asa kay Preii. Ayaw niya sa mga taong bastardo, ayaw niya sa taong tulad mo." Sabi ko sa kanya

Halatang naiinis na si Kevin, pero nagfocus parin siya sa laro.

Hawak na ni Marlon ang bola, at nagkatabi na naman kami.

"Kahit anong mangyari, tandaan mo Kevin, talunan ka parin. Talo ka parin sa sports, sa yaman, sa laban at sa baba---" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla akong sapakin nito

Gumanti naman ako ng sapak at nilakasan ito, nababanas na ako sa kanya. Dumura naman siya ng dugo at hinila yung kwelyo ko.

Tinitigan niya ako sa mata at tinitigan ko rin siya sa mata, halata sa mga mata niya na gustong-gusto niya akong patayin sa bugbog, pero di ako nagpaawat at tinumbasan ang tinging iyon.

Nang sumigaw si ate, doon lang kami natauhan.

"Foul! At 3 seconds violation! Tumigil na kayo! Para kayong bata! Magsibalik sa kanya-kanyang classrooms!" Sigaw ni ate

Hawak hawak parin ni Kevin yung kwelyo ko. Nanginginig na ito sa galit, at pati kamao nitong nakayukom ay nanginginig na din. Pabagsak naman akong binitawan ni Kevin at kinuha yung bola na nasa sahig.

The Campus Heartthrobs Meets The Campus NerdsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon