Chapter 19: Jealous Much?!

7.2K 289 9
                                    

Chapter 19: Jealous Much?

(A/N: Idededicate ko pong itong chapter na to kay @keytt. Tinulungan niya rin akong maghanap ng korean para sa bagong dating na characters. Thank you Keith! May goodnews at badnews ako. Syempre goodnews muna, birthday ko ngayon! April 28! Wohoo! Party party! Ang bad news naman ay onti lang tong chapter na to dahil kailangan kong magising ng maaga bukas kasi ako yung kasama ni mama bumili ng handa ko. Sorry po. Enjoy readers na lang, mahal ko kayo! Gift ko ah!)

Preii's POV

Naniningkit ang mata ko habang hinahanap si Rex, aba pinagod kaming lima. Eh siya lang pala ang gumawa ng letter na yon. Nakakabadtrip. Nakita ko sila ng mga tropa niya na nakaupo sa tables ng cafeteria habang nagtatawanan.

Aba, nagagawa pang tumawa. Tsk, humanda ka.

"Haha, pare! Nakakatawa yon!" - Rexell

Tawa parin ng tawa si Rex kasi hindi niya alam nasa likod niya pala kami. Sila Jake naman natigilan sa pagtawa.

Nakatalikod kasi si Rex, at yung apat naman ay nakaupo sa harap niya, kaya sila Jake lang ang nakakakita sa amin.

"Oh, pare. Anyare? Natigilan kayo sa pagtawa?" Tanong ni Rex

"K-kasi..." - Jake

Susubo na sana si Rex ng cake ng hablutin ko yung cake at nginudngod sa kanya.

"Rex!" Sigaw nilang apat

"What the fuck is your problem?!" Sigaw ni Rex at tumayo

"Problem? Gago ka ba? Ang bobo mo naman pala, ginawa mong kalokohan hindi mo matandaan!" Sigaw ko sa kanya

Napatingin naman ako kila Yanna, at nananahimik lang sila. Alam ko kapag ganyan ang itsura nila, na ako na lang ang bahala.

"So, alam mo na pala? Paano mo nalaman?" - Rexell

"Sinabi namin sa mama mo ang lahat, ano may angal ka?!" Sigaw ko sa kanya

"Hey, dude!"

Napatingin kami sa may pintuan ng cafeteria at pumasok doon sila Kevin.

"What's happening here? Nag-aaway ata kayo?" Tanong ni Kevin

"Wag kang umepal dito, kung ayaw mo ng gulo." Sabi ni Rex

"Oh, relax dude. Anyway, Preii." Sabi ni Kevin

Nanlaki naman ang mata ko. Alam na niya agad yung pangalan ko?!

"Pano mo nalaman yung pangalan ko?" Tanong ko

"Haha, hindi mo na kailangan malaman kung paano ko nalaman yung pangalan mo. I just want to say sorry what happened earlier. Siguro talagang nabadtrip lang ako." Sabi ni Kevin sabay tingin kay Rex

"Ah, okay lang. Basta wag ka na ulit mambabastos ng babae kung ayaw mo masapak ulit." Sabi ko

"Haha, sure. Salamat, Preii. Let's eat, sabay ka sa amin?" Tanong ni Kevin

Tumingin naman ako kila Yanna, parang ayos lang naman sa kanila.

"Sige, tutal di parin naman kami kumakain." Sabi ko

"Yun! Tara na. Bye, Rex. See you around." Sabi ni Kevin at kumaway pa kay Rex

Umupo na lang ng padabog si Rex. Nyare doon? Siguro napahiya siya, haha! Buti nga sa kanya. Buti nga di ko siya nasapak.

Umupo naman na kami kung saan ang pwesto nila Kevin.

"Well, Preii. Eto yung mga tropa ko. Si Dims." Pagpapakilala ni Kevin kay Dims

The Campus Heartthrobs Meets The Campus NerdsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon