Chapter 29: The Battle Part 1

5.5K 234 10
                                    

Chapter 29: The Battle Part 1

Pumwesto ang 5 Jacks sa harapan ng Latitude Man, ganito ang lagi naming ginagawa pag may kalaban kami.

Napataas naman ang kilay ko, kilos palang nung pekeng Death Rose talo na ito. Pero nagulat ako ng sipain ni Fake Death Rose yung leader ng Latitude Man. Oh ma men! Don't judge the book by it's cover ika nga.

Napaupo naman sa sahig yung lalaking sinipa ni Death Rose. Ngumisi naman yung lalaki at pinahiran ang dugong nasa bibig nito.

Kanya-kanyang sigaw naman ang mga tao dito sa Danger Zone. Yung iba nagpupustahan pa kung sinong mananalo.

Naalala ko yung Latitude Man, pang top 15 sila. Tsk, matatalo ba nila yang 5 Jacks na nasa harapan nila kahit na mga peke ang mga yan?

Tumingin ako kila Yanna na nakangiti na pinapanood ang naglalaban sa Death Center.

"Psst. Ano? Tara na?" Bulong ko sa kanila

Tumingin muna ulit silang apat ng huling tingin sa Death Center sabay tumango. Tumayo naman kami sa inuupuan namin at umalis sa Death Center.

Papunta kami sa daan ng CR, para magpalit. Wala na kaming halos makitang mga gangster na nagdadaan dahil nasa DC sila lahat. Tsk, kung alam lang nilang kasinungalingan lahat yon.

Nagulat kami at may limang naglalakad na lalaki, mga nakasuot silang lahat sila ng alahas na metal. Sino tong mga to?

"Yeah, fuck you!" Sabi nung lalaking nasa gitna

Mukhang leader ng grupo. Anong grupo naman to? Tsk.

"Yeah, shake your butts, ladies!" Sabi nung nasa tabi niya sabay kinembot ang pwet niya

Tsk, dinaanan lang namin sila.

"Muntanga, haha!" – Rose

"Shh. Wag kang maingay! Baka galawin pa tayo dito! Lagot tayo kay, Preii!" Suway ni Lian

Maya maya nakasalubong namin ang Dark Pentagon.

"Zack?" Tawag ko ng mahina

"Jay---" Naputol yung sasabihin niya dahil tinakpan ko agad yung bibig niya

"Hmmm, hmmm, hmm." Sabi niya habang nakatakip parin ang kamay ko sa bibig niya

Tinanggal ko naman na.

"Ang ingay mo, walang hiya ka!" Sigaw ko sa kanya

"Sorry, peace!" Sabi niya sabay nagpeace sign

"Oh, bat nandito kayo?" – Miguel

Miguel Harris Scott, miyembro ng Dark Pentagon. Close sila ni Ali. Haha! Close super! Haha! At alam mo ba kung pano maglambingan yan? Ay grabe, kikiligin ka! Chos, pero ang sabi nila magkaibigan lang daw sila. Ang lambingan kasi nila sagutan! Haha! Pero loko loko lang yon syempre.

"Kasi tao kami. Eh ikaw? Pano ka nakapasok? Nako, Zack ah. Di niyo binasa yung nakaratula sa labas, 'NO PETS ALLOWED' Eh bat nagdala pa kayo ng aso dito?" – Alessandra

"Wow ah? Aso? Oo aso ako, asong magmamahal sayo!" Sabi ni Miguel sabaya kindat

Yung mukha naman ni Ali parang nandidiri. Pero lumapit sa kanya si Miguel at inakbayan sabay ginulo yung buhok.

Haha! Sweet diba? Haha!

"Magpapalit kami ng damit eh." – Alyanna

"Magpapalit? San? Sa CR? Samahan ko na kayo." Sabi ni Tristan sabay kinuha yung dalang gamit ni Yanna

Tristan Vhon Velasco, miyembro ng Dark Pentagon. Close sila ni Yanna at madalas ginagawa ni Tristan ay kinukuha yung mga gamit na dala ni Yanna. Kahit marami pa ito o gaano kabigat. Sweeettt!

"Hindi okay lang." Sabi ni Yanna pero wala na siyang nagawa dahil nakuha na ni Tristan

"Nalaman niyo na ba nangyari?" – Michael

Michael Hoying, miyembro ng Dark Pentagon. Close naman sila ni Rose, di sila nag-uusap. Tahimik lang silang dalawa, pero alam ni Michael kung paano sila magkaintindihan.

"Oo, sinabi ni Zack kay Preii." – Rose

Lumapit naman si Michael kay Rose.

Binuka naman ni Michael yung dalawang braso niya para makahingi ng yakap kay Rose. Pero bago yumakap si Rose, pinatigil muna ni Michael dahil may kinuha siya sa tenga ni Rose. Isang bulaklak.

Tumawa naman si Rose at pinalo palo si Michael sa braso.

"Bwiset ka, haha!" – Rose

"Anyway, bat wala kayo don?" – Lian

"Alam kasi naming di naman kayo yon eh." – Mark

Mark Velasquez, miyembro ng Dark Pentagon. Close sila ni Lian. Sa pamamagitan ng pagpiggy ride ni Lian sa likod ni Mark.

"Ganon?" Tanong ni Lian

"Lian, sakay!" Sabi ni Mark at sumampa naman si Lian

Close kami sa Dark Pentagon, bestfriends namin sila. Haha! Kaya yung iba napagkakamalaman na boyfriend namin sila. Haha!

"Ano, Zack? Punta na kami ng CR ah? Kailangan na naming magpalit eh." Sabi ko

"Samahan na namin kayo." – Zack

Tumango naman ako, nakita ko pang nakasakay parin si Lian sa likod ni Mark. Haha! Ang kulet.

Maya maya, nakarating na kami ng CR.

"Nga pala, yung kaninang grupo na nakasalubong niyo? Kilala niyo?" Tanong ni Zack

"Hindi eh. Bakit mo natanong?" Tanong ko sa kanya

"Haha! Wala, sige. Pasok na kayo. Bye." – Zack

Kanya kanyang babye naman sa mga bestfriends.

"Ano, palit na?" Tanong ko sa kanila

"Game!" Sigaw nilang apat

Eto na kami, nagbabalik. 5 Jacks.

After namin magpalit ay dumaan kami don sa lugar na ako lang nakakaalam at walang makakakita sa amin sa mga gangster na nakaupo sa Danger Zone.

Laban parin ng 5 Jacks at Latitude Man ang nangyayari. Pero medyo napuruhan na ang Latitude Man. Kahit papaano ay malakas pala tong 5 Jacks.

"Ano ng gagawin mo, Preii?" – Alessandra

"Just watch." Sabi ko

Ang gagawin ko ay magpapakita ako sa Death Center at kikilalanin kung sino yung pekeng 5 Jacks na yon.

Bababa na sana ako para sugurin yung naglalaban ng may sumigaw.

"Death Rose!"

Napatingin ako sa tumawag sa akin.

(A/N: SINO ang tumawag sa KANYA? Abangan sa susunod na chapter! Hulaan niyo muna kung sino, bago ilipat sa susunod na chapter! Comment down, prend!)

The Campus Heartthrobs Meets The Campus NerdsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon