Chapter 76: Sebastian is his?

4.3K 140 14
                                    

Preii's POV
Lumipas ang ilang araw, magda-dalawang linggo ng magkasama lagi sila Rex at Phoebe sa AU. Magdadalawang linggo ko na ring nakikitang lagi akong pinapaselos ni Phoebe at mag-i-isang linggo ng nauubusan ng time sa akin si Rex dahil sa dami ng pwedeng gawin at plano nila para sa AU.

Kung noon ay nasusundo pa ako ni Rex sa umaga, ngayon ay hindi na. Kung noon ay lagi siyang may goodmorning texts at goodnight texts, ngayon ay wala na. Noon ay lagi kaming nagkakasalubong sa hallway pero ngayon ni hindi ko na siya makasalubong. Ni hindi na nga niya ako natatawagan, kung bibisitahin naman niya ako after ng school ay saglit lang siya dahil ang lagi niyang sinasabi, "Mahal, pagod ako." "Mahal, inaantok na ako." iniintindi ko nalang siya dahil talagang mahirap ang sitwasyon namin ngayon, iniintindi ko nalang siya dahil alam kong malapit na ring matapos ang pagsasama nila.

Minsan nga kapag tatawagan ko siya ay busy yung line, hindi niya sinasagot, minsan nasasagot niya pero agad kong naririnig ang boses ni Phoebe na may kailangan na naman silang gawin.

Gusto ko na nga lang sugurin si Rex doon eh at pagsasampalin yung pagmumukha ni Phoebe pero hindi ko magawa dahil sigurado akong ititigil ni Rex yon. Konting tiis nalang naman, matatapos na yon at konting tiis nalang akong masasaktan at iiyak tuwing gabi.

Nag aalala na nga sa akin sila Yanna dahil gabi gabi nila akong naririnig na umiiyak at alam nila kung ano ang dahilan. Wala naman silang magawa dahil ang alam nila na kailangan kong mapag isa. Wala na rin si Kevin dahil umalis na naman siya ng pinas, siya na rin kasi ang magiging may ari ng business ng pamilya nila.

Gusto ko lang naman maging success si Rex eh, para lang naman to sa future niya pero bakit kailangan ko pang masaktan habang tumatagal? Diba dapat ay matuwa ako dahil nagagawa na ni Rex ang pangarap niya? Bakit parang nagsisisi ako sa desisyon ko? Bakit? Selfish lang ba ako? Ano ba talagaaa?

Nandito lang ako sa kwarto ko at sila Yanna ay nasa sala. Gusto kong makalimutan ang sakit na nadarama ko, gusto kong makalimutan ang lungkot na nadarama ko, gusto ko ring kalimutan ang mga naiisip ko kapag magkasama sila Rex at Phoebe. Baka nga iba na ang nangyayari sa kanila, baka hindi lang sila umabot sa halikan. Naiinis ako, nababadtrip ako! Parang gusto kong manapak, gusto kong mambugbog. Kaya sinuot ko yung outfit ko bilang Death Rose. Nagdala na rin ako ng extrang damit. Wala akong pake kung sabihin nilang bumalik na ako, ang gusto ko lang ngayon ay mawala tong nadarama ko.

Pagkalabas ko ng kwarto, gulat na napatingin sakin sila Yanna.

"P-prei---Death Rose, pupunta ka sa GD?" May respetong tanong ni Ali

Tinanguan ko lang sila. Sa likod ako dumaan at sinakyan na yung bigbike ko. Walang nakakapunta sa likod ng bahay namin dahil nakatago yung mga bikes namin doon para hindi kami mahanap. Pinaharurot ko ang big bike ko papunta sa GD.

Gusto kong magalit kay Rex kaso hindi ko rin magawa, mababaliw na ata ako dahil wala talaga akong magawa. Mas lalong ko pang binilisan ang pagmamaneho ko hanggang sa nakapunta na ako sa GD.

Marami ding tao ngayon, anytime kasi ay pwede kang pumunta dito, lalo na kapag minessage ka mismo ng GW na pumunta dito dahil may gustong makipaglaban sayo. Yung laban namin ng The Wanteds ay hindi sa GD at may karapatan naman kaming mamili ng lugar dahil rank 1 ang The Wanteds.

Pagpasok ko ay busy ang mga taong nanunuod sa naglalaban. Nagbanyo muna ako para umihi, pagkalabas ko ay bigla kong naiatras ang paa ko. Naagaw ng atensiyon ko ang lalaking nakacoat na may necktie, may mga kasama pang bodyguards na pinapayungan siya.

Hinding hindi ko makakalimutan ang pagmumukha niya... Si Sebastian. Andito siya ngayon, ano naman ang ginagawa niya dito? Lider pala siya ng Big Jim kaya paniguradong dapat siyang nandirito. Agad akong nagpalit ng damit as Preii para hindi niya agad ako makilala.

Kaya gustong gusto kaming patayin ng Big Jim ay dahil sa kalakasan namin at dahil na rin sa anak ako ni mama at papa. Ako ang mismong papatay sayo hayop ka. Hinding hindi ako matatakot sayo, ni hindi natatakot ang lider ng 5 Jacks lalo na sa isang tulad mo. Sumakay siya sa limousine niyang itim, sumakay naman ako sa big bike ko. Habang sinusundan ko yung sasakyan nila ay malayo ang distansya ko sa kanila para hindi nila mahalatang sinusundan ko sila.

Habang sinusundan ko sila napakunot ang noo ko. Pamilyar sa akin ang daan na ito. Pamilyar sa akin ang lugar na ito.

Habang tunatagal ko silang sinusundan, huminto ang sasakyan sa isang bahay, ipinark pa nga nila sa loob eh. Ipinark ko ng medyo malayo yung big bike ko sa bahay nila. Hindi maari to, kaano ano niya si... Sebastian?

Naglakad ako papalapit sa bahay na yon, nakita ko namang pumasok si Sebastian at ang mga body guards niya sa loob ng bahay. Totoo ba tong nakikita ko?

Bakit parang may lungkot at galit akong nadarama? Kaano ano niya si Sebastian?! Bakit ganon? Bakit nangyayari to?

Ang tatay ni Sebastian ang walanghiyang pumatay sa magulang ko, si Sebastian ang hayop na nagpautos na patayin ang magulang ko. Si Sebastian ang tarantadong papatay sa akin at si Sebastian ang taong papatayin ko balang araw! Pero tangina, bakit nandito siya sa bahay na to?! Bakit?

Maraming tanong ang nasa isip ko pero agad akong nawala sa pag iisip ng may tumawag ng pangalan ko.

"Mahal! Bat ka nandito?" Tanong ni Rex na lumabas ng pinto nila na mukhang nakita akong nakatayo sa harap ng bahay nila

Binuksan din niya ang gate at hinalikan ako sa labi. Nakita ko ring lumabas si Phoebe at lumapit sa amin.

"Hi, Preii!" Masiglang sabi niya at kumaway pa

Gusto ko siyang irapan ngayon kaso hindi ko magawa at baka maging masama pa ang tingin sakin ni Rex kaya nginitian ko rin si Phoebe.

"Mahal, ano nga palang ginagawa mo dito?" Tanong niya

Gusto kong sabihin na may pumasok kasing lalaki dito na sinusundan ko kanina pa dahil siya ang pumatay sa magulang ko! Pero hindi ko masabi.

"A-ah, napadaan lang ako." Sabi ko

Aalis na ako at sasabihin ko kila Yanna ang nangyari ngayon, na nakita ko si Sebastian na pumasok sa bahay ng boyfriend ko!

"Ah sige, aalis na ak---" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng may lumabas na isang katulong

"Sir, kain na daw po kayo sabi ng mama mo." Sabi ng katulong

Aalis na dapat ako ng hawakan ni Rex yung braso ko. "Dito ka na maglunch, tara." Sabi niya at hinila ako papasok sa bahay nila

Mygoodness! Makakasama ko si Sebastian! At kaano ano niya si Sebastian? Ayokong malaman pero no choice ako, nandito na ako eh.

(A/N: Anong masasabi niyo readers? At comment niyo na rin kung kaano ano ni Rex si Sebastian! Abangan ang susunoddd!)

The Campus Heartthrobs Meets The Campus NerdsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon