Chapter 22: The Badboy's Turn

8.9K 266 34
                                    

Chapter 22: The Badboy's Turn

(A/N: It's badboy's turn! Syempre, hindi daw sila magpapahuli! Haha! Ipagcompare niyo na sila Kevin at Rex. Sila Dims at Jake. Sila Zorenz at Terrence. Sila Dave at Marlon. At sila Jillo at Peter. Haha! Hope you enjoy! Love you all, readers! WAIT! Idededicate ko po ito kay KindaAwesome! Try to read her oneshot story, ako po ang gumawa nun. Try to read, it. Maganda. Fantasy siya, ilagay niyo na rin sa library niyo, then ifollow niyo na rin siya. That's my chingu (friend) ang totoo niyang pangalan ay Fiannah Zeanne Palizada. Para sayo to, KindaAwesome!)

Preii's POV

Umalis na ako sa kwartong yun, kung saan ako dinala ni Rex.

Hindi pwede, hindi talaga pwede. Kahit may posibleng magkaayos kami, buong buhay ko bago ako magpatuloy sa pangtritrip sa akin ni Rex, sinumpa ko na siya. At kahit gwapo siya o gaano man maging mabait sa akin. Hindi parin pwede, kaya kahit may isang kaonti akong tibok na galing sa kanya pinipigilan ko... kasi hindi talaga pwede.

Habang naglalakad ako may umakbay bigla sa akin.

"Oh, saan ka dinala ni Rex? Ikaw ah, iniwan mo na ako. Mas gusto mo palang kasama yon." Nagtatampong sabi niya

"Hayst nako, nagtampo na siya oh. Wala lang, basta may sinabi lang siya sa akin." Sabi ko

Inaakbayan niya ako... pero bakit di ko magawang tanggalin? Hayst! Preii, ano bang nangyayari sayo?!

"Ah... akala ko mas mahal mo na siya eh." Sabi niya

"Hayst nako, Kevin. Di ko siya mahal at di rin kita mahal, wala akong mahal! Atsaka may nakakalimutan ka! Akala ko ba ililibre mo ako? Baka naman pasikat mo lang yon kanina sa room? Hayst nako, Kevin." Sabi ko

"Oo eto na nga diba. Hindi ako kuripot noh... lalo na pagdating sayo." Sabi niya sabay kindat

"Ewww! Wag mo nga akong makindat-kindatan! Nakakadiri!" Sigaw ko at pinalo palo siya sa dibdib habang nakaakbay parin siya sa akin

Nakapunta na kami sa cafeteria, medyo marami ding tao.

"Babe, saan tayo uupo?" Tanong niya ng nakangiti

"Kevin, tumigil ka nga! Nakakatindig balahibo!" Sabi ko sa kanya

"Edi NERD! Nerd na panget saan tayo uupo?" Tanong niya

"Ewan ko sayo!" Sigaw ko sa kanya at inirapan siya

"Nako oh, tampo na. Haha! Joke ko lang yon syempre, ang ganda mo kaya, lalo na kapag walang salamin." Sabi niya

Hindi na siya nakaakbay sa akin. Nakakairita din noh. Naaalibadbaran ako.

"Bakit nakita mo na ba akong hindi nakasalamin?" Tanong ko sa kanya

"Hindi pa." Sabi niya

"Oh, hindi pa pala eh! Ang lakas mong magcompliment, hindi mo pa pala nakikita. Haha!" Sabi ko sa kanya

"Hmp! Upo na nga tayo! Gusto ko sa sulok tayo. Ayokong may nakakaabala ng date natin." Sabi niya at ngumiti

"Ewan ko sayo! Date ka diyan? Kahit magyaya ka man, di ako papayag! Haha! Kaya wag ka ng mangarap!" Sigaw ko sa kanya

Nagpout naman siya, hinila ko na lang siya sa gusto niyang place.

"Ako na magoorder." Sabi niya

"Sige." Sabi ko

Lumayo naman na siya at tumingin na lang ako sa paligid.

Maya maya, di parin dumadating si Kevin.

Antagal naman nun? Andami atang inorder, hayst nako.

Habang naghihintay ako, may biglang humila sa akin.

The Campus Heartthrobs Meets The Campus NerdsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon