Chapter 24: The Date Part 2

7K 279 22
                                    

Chapter 24: The Date Part 2

(A/N: Ipagpatuloy na natin ang date na naputol! Nagdeath threat pa si Kevin, haha! Aalis na nga lang, nagdeath threat pa! Haha! Anyway, medyo sinisipag na akong magsulat. Noon po kasi ay tamad akong author, sumipag lang po ako dahil sa inyo readers! Kayo ang lakas ko. Kapag nakikita kong may mga nagcocomment, nagbabasa at naglalagay sa library nila, lalo akong sinisipag lalo na maganda na ang mga manyayari. Enjoy niyo lang readers! Sana magandahan kayo! Love you lots!)

Kevin's POV

Asan na sila?! Bakit hindi ko sila makita!!!

Kanina pa ako nandirito sa AU, pero wala akong makita ni anino nilang dalawa!

"Oh, Kevin! Akala ko ba hindi ka papasok?" Natatawang tanong ni Dims

"I changed my mind." Sabi ko habang tumitingin sa mga estudyanteng lumalapit sa direksiyon namin

Baka naglalakad sila dito diba?

"Baka naman may hinahanap." Sabi ni Zorenz

"W-wala ah! Tinitignan ko lang yung mga itsura nung mga estudyante kung masaya ba silang nakatulog." Pagtatanggi ko

Nakakahiya kung malaman nilang pumasok akodahil ini-spy ko sila Kier at Preii. Kanina nga ayaw kong pumasok, tapos ngayon napapasok ako ng wala sa oras.

"Asus, alam kong narinig mo kami kanina sa kwarto mo! Haha!" Sabi ni Dave at nakipag-appear pa kay Jillo

"Haha! Sige na, sasabihin ko na! Naiiyak ka na sa inis eh! Haha! Nasa mall area sila! NAGKAKASIYAHAN!" Sabi ni Jillo

Gago tong si Jillo ah? Naiiyak na daw ako sa inis! Upakan ko to eh! Kung hindi lang ako nagmamadali.

Pagkasabi na pagkasabi ni Jillo nun, pumaharurot na ako papunta sa mall area.

Humanda ka talaga Kier! Masyado kang mabilis! Ginulo mo yung araw na dumadamoves ako kay Preii! Kaya ngayon... ako naman ang manggugulo sa inyo!

Dim's POV

Well, mukhang kilala niyo na ako. Ako lang naman si Dims Welter. Kami ang may-ari ng mga bagong computers and gadgets. Hi-tech lahat ng meron kami, actually kompanya yung pinagmamay-arian namin, Hi-tech Free Zone Company. Katulad nga ng pagkakadescribe sa akin ni Kevin, malalaman at malalaman ko kung nasaan man kayo.

"Tol, haha! Mga loko loko kayo!" Sabi ni Jillo na kanina pa tawa ng tawa

Nakahawak na nga sa tiyan eh! Mamamatay na ata to! Dumalaw po kayo sa burol neto ah? Mamamatay na sa kakatawa!

"Hahaha! Oo nga, mageeskandalo pa yon! Haha!" Sabi ni Dave

Dumalaw na rin po kayo sa burol ni Dave. Mamamatay na rin po yan.

"Hayaan niyo siya, malalaman na natin kung totoo bang may nararamdaman na siya para kay Preii." – Zorenz

"Tama. Sa inaakto palang niya kanina, mahahalata mo na. Paano pa kaya mamaya, diba? Sabi ko

Hindi talaga si Preii ang kadate ni Kier. Sinabi lang namin na kadate ni Kier si Preii para pumunta si Kevin sa AU, at malaman na namin kung totoo ba talaga na unti-unti ng nahuhulog si Kevin sa kanya. Ganyan din kasi ang ikinikilos niya, simula nung mahulog siya kay...Dianne.

Maganda ngayon yung kadate ni Kier, kaso hindi ko nga lang alam yung pangalan. Haha!

Kevin's POV

Yari ka sa akin Kier kapag nahagilap ko ang pagmumukha mo dito!

Nandito na ako sa mall area, at andaming mga estudyanteng nasa galaan.


Sa sobrang pagkainis ko, nanghatak ako ng estudyante. Eh sa nakakabadtrip eh! Ang panget naman! Ang arte arte pa!

The Campus Heartthrobs Meets The Campus NerdsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon