Chapter 73: Happy Trip Part 5

4.5K 151 5
                                    

Preii's POV
Lahat na sila umalis, naiwan na kami dito nila Zhyrah at Rex.

"Baka kailangan ko na ring umalis dito, baka langgamin pa ako sa makikita ko." Mapang asar na sabi ni Zhyrah at umahon na sa dagat

Loko talaga yung babaeng yon, haha!

"Preii, alam mo bang gumawa ng plano yung tatlo para kila Ali, tatanungin na nila kung pwede na ba silang mag level up sa relasyon nila." Sabi ni Rex

Natuwa naman ako kaso nalungkot na rin ako dahil napatingin ako kay Marlon na nakahiga sa upuan na pang swimming pool. Rose, bakit kasi ganon? Nawalan ka tuloy ng mga kaibigan, ng kapatid at ng taong minamahal. Alam kong minahal ni Rose si Marlon at nahulog talaga siya ng tuluyan, pero hindi ko alam na sa hinaba haba ng pagkakaibigan namin, ganon lang pala.

Zhyrah's POV
Iniwan ko yung dalawang mag-couple para masolo nila ang isa't isa. Habang naglalakad ako naiisip ko si Ate ngayon, nalungkot naman ako dahil parang kasalanan ko kaya nawala sa kanya yung mga kaibigan niya at si Marlon. Pero kasi mali na ang ginagawa ni ate eh, hindi naman ako maghihiganti dahil sa panglolokong ginawa niya sa akin at sa pag agaw niya ng taong mahal ko, mapapatawad ko naman siya kasi ate ko siya, mahal ko siya kahit na ganon ang nangyari.

Habang naglalakad ako ay di ko namalayan nakabunggo na pala ako. Dapat ay susungitan ko pero nalaman kong nasa mali ako, bakit kasi hindi ako tumitingin sa daan diba? Eh may kasalanan din siya noh, kung tumitingin siya sa daan, bakit niya pa ako bubungguin diba? Pero hayaan mo na, hindi ko na palalakihin yung gulo.

"Sorry." Seryosong sabi ko

"Ay, miss sorry." Sabi niya

Napatingin naman ako sa kanya at mygoodness. S-si Michael. Alam kong siya to, dahil nung iniimbestigahan ni Shany noon yung ate ko, kumuha din siya ng secret investigator para kuhanan ng litrato si Michael. Agad naman akong yumuko. Makikilala niya ako! Anong sasabihin ko? Galit siya sakin dahil pinikot siya ng ate ko.

"Hmm sorry miss ah, natakot ba kita?" Tanong niya

Nagtaka naman ako, hindi na ba niya ako nakikilala? Napaisip naman akong naka-zhyrah pala ako.

"A-ah, hindi." Utal na sabi ko

"Anyway, ako nga pala si Michael, Mic nalang." Sabi niya sabay lahad ng kamay

Gusto kong umiyak, gusto ko siyang yakapin ng mahigpit. Miss na miss ko siya! Yung boses niya, yung pangalan niyang Mic!

"A-ah, ako nga pala si Z-zhyrah." Sabi ko sabay lahad din ng kamay

Nagshake hands naman kami, "Wow, Zhyrah. Nice name." Sabi niya sabay ngiti

Namiss ko rin ang ngiti niya, matatamis niyang ngiti na talagang nakakaakit.

Natawa naman ako, "Ang ganda ng ngiti mo." Sabi niya sabay ngiti rin

Pero parang nagulat siya dahil nasabi niya yon kaya agad niyang iniba yung topic.

"Mag-isa ka lang?" Tanong niya

"Hindi, kasama ko yung mga kaibigan ko. Gusto ko lang maglakad lakad. Eh ikaw?" Sabi ko

Bakit ngayon, nagsasalita ako ng mahaba sa kanya? Eh kila Preii nga, isang beses lang ako magsalita ng mahaba. Tapos kay Mic, ganon nalang? Mahal ko kasi siya eh.

"Pinapatingin sakin ni Papa kung maganda ba tong resort para sa business party nila." Sabi niya

Hmm, iba na siya ngayon. May business na sila, yumaman na. Tinulungan kaya sila ni mama?

"Diba sabi mo maglalakad lakad ka? Tara samahan na kita." Pag aaya niya

Sasama ba ako? Namimiss ko na kasi siya kaya kahit ngayong araw lang, sasama na ako. Susulitin ko na baka kasi bukas o sa isang araw, may mangyari na naman.

The Campus Heartthrobs Meets The Campus NerdsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon