Chapter 75: I Trust Him

4.4K 144 11
                                    

Preii's POV
Pagkagising ko sa umaga, nainis agad ako ng maalala ko kung ano ngayon. Lunes na at ngayon magkasama sila ni Phoebe. Pero napawi lahat yon ng mabasa ko yung text sakin ng mahal ko.

From: Mahal KO
Good morning, mahal kong maganda! Totoo yan, walang halong biro! Kumain ka ng breakfast mo ah, atsaka nakatulog ka ba kagabi ng maayos? Sunduin pala kita ngayon sa bahay niyo, miss na kita agad kahit ilang oras lang tayong hindi nagkasama. Gala sana tayo kahapon kaso alam kong pagod ka na kaya hindi na ako nag yaya. Goodmorning ulit, mahal na mahal kita! Love you!

"Hoy, Preii! Nakakatakot ka, ngumingiti ka bigla diyan! Bat ka ba ngumingiti?" Nagulat naman ako kay Yanna kaya agad akong napatingin sa kanya at naibato ko yung cellphone ko

"Ohmy! Shettt!" Sigaw ko ng malakas at aligagang tumayo

"Waaaaah! Yaaannaaa! Nasira na yung cellphone ko! Ikaw kasi eh, ginulat mo ko!" Sigaw ko habang sinusuri yung itsura nung cellphone ko

"Aba, naging kasalanan ko pa. Gusto ko lang ipaalam sayo na, oras na teh! At andiyan na yung manunundo mo!" Sigaw niya

Umalis na rin siya sa kwarto ko habang ako iniiyakan yung cellphone ko. Waaaaah!

Pagkatapos kong humagulgol sa cellphone ko ay naligo na ako. Kailangan ko atang magblack ngayon, patay na yung cellphone ko!

Nakablack ako na dress nung bumaba ako tapos tinatawanan ako nila Ali. Natatawa ba sila dahil sa damit kong itim? Napatingin naman ako sa likod ko, ay loka talaga tong si Lian! Haha, kaya pala tawang tawa yung dalawa eh! Nakayuko siya habang may hawak hawak na kandila sa likod ko! Haha!

"Kain na tayo!" Sigaw ni Yanna

Lumapit naman sakin si Rex at hinalikan ako ng mabilisan sa labi. "Balita ko, mahal nasira yung cellphone mo ah." Sabi niya

"Ah, oo haha nabato ko eh. Teka magpalit lang ako ng uniform." Sabi ko at umakyat sa kwarto para magpalit, kinuha ko rin yung isa kong extra cellphone

After ko magpalit ng damit ay sumabay na akong kumain sa kanila. Nang natapos na kami makapag ayos, aalis na dapat kami ni Rex ng mapansin ko yung sunod sunod na kotse na nasa harap ng bahay namin. Sila Peter na inaantay sila Lian, haha sila na nga pala. Pero si Marlon, wala.

"Si Marlon?" Tanong ko

"Ah, maagang pumasok. Nasa dorm yon." Sabi ni Rex at niyaya na akong pumasok sa loob ng kotse niya

Pinagbuksan pa niya ako at agad ng pinaandar yung sasakyan. Nakasunod rin yung mga sasakyan nila Jake sa amin.

Maya maya ay sabay sabay kaming bumaba sa sasakyan at sabay sabay kaming pumasok sa loob ng school.

Pagpasok ko ay agad akong nainis dahil may babaeng kumapit agad kay Rex. "Rex, let's start na. Naipadala ko na rin yung permission sa mga teachers natin. Paheram na muna... Siya ah?" Pagtatanong niya sa akin at agad na hinila palayo sakin si Rex

"Mahal, text text nalang ah!" Sigaw niya habang lumalayo na siya

Hinatid naman na kami nila Terrence sa room, edi sila Yanna na yung may mga goodbye kiss. Kaya agad akong pumasok sa loob ng classroom.

Umupo na ako sa bangko at hinimas naman ako sa likod ni Lian. "Preii, itext mo nalang siya. Matatapos din yang pagsasama nila." Sabi niya at dumating na rin yung teacher namin

Nung break time ay nakita ko sila Rex at Phoebe na naglalakad sa labas ng cafeteria, nakikita ko sila dahil de-salamin yung pader ng cafeteria namin. Di naman ako napansin ni Rex at tanging si Phoebe lang ang napansing nakatingin ako sa kanila. Nginitian naman niya ako ng matamis at agad ng itinuon ang atensiyon kay Rex.

Naiinis na naman ako pero kailangan kong magtimpi.

Kaya habang kumakain ako ng chicken, inis ko tong hinihiwa hanggang sa tumalsik na sa sahig.

"Preii, oh dahan dahan lang." Sabi ni Yanna

Napairap nalang ako sa ere. Napatingin naman ako sa cellphone kong tumunog.

From: Mahal KO
Mahal, sabay tayong maglunch ah? Miss na kita, kumain ka na ba?

Nagtext naman ako sa kanya ng smiley face at oo. Kinilig naman ako kahit papano at nawala ang inis na nararamdaman ko. Bumalik na kami sa classroom at inip na inip ng matapos tong klase namin. Makakasama ko na siya mamaya!!!

Pagkabell na pagkabell ay agad akong tumayo. "Yanna, kayo muna yung maglunch ah? Kasabay ko si Rex eh." Sabi ko

"Oh sige, ayos yan. Enjoy!" Sabi niya

Sabay sabay na kaming lumabas ng classroom at nakita ko naman si Rex nakatayo sa tapat ng classroom.

"San tayo ngayon?" Sabi ko sabay halik sa pisngi niya

"Saan mo ba gusto?" Tanong ni Rex

"Preii, sige mauna na kam---" Hindi na natapos magpaalam si Ali ng may biglang sumigaw

"Rex! May bago na namang pinapagawa si mama mo, pag usapan nalang natin to ngayon. Sabay na tayo maglunch." Sabi ni Phoebe at agad na kumapit sa braso ni Rex

Gusto ko nga siyang sabunutan ngayon sa pinag gagagawa niya eh.

Yung mukha naman ni Rex ay parang may sasabihin na hindi niya masabi.

"A-ah, e-eh kas---" Hindi ko na pinatapos si Rex dahil agad ko na siyang inunahan

"Okay lang, Rex." Sabi ko at ngumiti ng pilit

"Sigurado ka?" Pagtatanong niya

Tumango naman ako, agad ng hinila ni Phoebe si Rex palayo sa akin. Kumaway pa nga yung walanghiyang babaeng yon, argh! Nakakainis talaga.

"Okay lang DAW. Parang hindi naman." Sabi ni Ali na nasa gilid ko

"Wag ka na kasing magpanggap na okay lang sayo, sabihin mo kaya sa kanya." Sabi ni Yanna

"Hindi ko masabi, Yanna. Yun kasi ang gusto niya eh, ang maging may ari ng AU." Sabi ko

"Bahala ka, desisyon mo yan Preii." Sabi ni Lian

Sumabay na akong kumain sa kanila. Malungkot naman akong kumakain ngayon. Hayst buhay, tama ba tong ginagawa ko?

Bumalik na rin kami sa classroom, wala naman ako sa sarili kong nakikinig sa teacher ko. Iniisip ko kung ano yung mga ginagawa nila, HINDI! Alam kong hindi maaakit ni Phoebe si Rex! Mahal niya ako at may tiwala ako sa kanya!

Nung break time ay nakita ko si Phoebe at Rex na nasa garden. Mukhang tinuturuan ata ni Phoebe si Rex na magtanim. Napansin naman ako ni Phoebe kaya nginitian niya ako.

"Ang init!" Sabi ni Phoebe at dahan dahang tinatanggal yung blazer niya

Hindi sila nakauniform ni Rex kaya nakacivillian lang sila. Nakaputing sando nalang ngayon si Phoebe.

Kitang kita ko naman na napalunok si Rex habang nakatingin sa braso at leeg ni Phoebe. Sa tingin niyo, sino ang may mali? Parehas sila! Dahil si Phoebe na nang aakit, tapos si Rex na naaakit eh may girlfriend na nga! Argh!

Napatingin naman sa pwesto ko si Phoebe at nginitian ako ng mala demonyong ngiti. Tsk, hinding hindi mo makukuha si Rex sa akin, Phoebe. May tiwala ako sa lalaking mahal ko.

(A/N: Anong masasabi niyo, readers? Mahuhulog ba ulit si Rex sa patibong ni Phoebe o ang puso ni Rex ay patuloy parin kay Preii? Comment downnn!!!)

The Campus Heartthrobs Meets The Campus NerdsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon