Chapter 26: Unexpected Decision

7K 242 8
                                    

Chapter 26: Unexpected Decision

(A/N: Chapter 26 na! Whoooo whooo! Whooo whoooo! Parteh parteh! Haha! Chos! Sana maenjoy niyo ito! Love you guys!)

Preii's POV

Antagal naman nung head namin?

Ano na rin kayang nangyayari sa labas? Hayst, gusto ko makita.

"Yanna, labas kaya tayo." Pagtatanong ko

"Wag na, antayin nalang natin dito." – Alyanna

"Oo nga. Atsaka baka gulo na naman yung nasa labas. Dito na lang tayo para iwas gulo." – Alessandra

Maya maya nung tumahimik kami, may mga naririnig kaming mga padyak na paa. Patungo dito sa gym. Parang marami sila. Andito na ata yung head.

Umayos ako ng upo at inaabangan na nakatingin sa pintuan ng gym.

Pumasok lahat ng estudyante sa loob ng gym.

Ano to? Anong nangyayari?

Umupo lahat ng mga estudyante sa bleachers. Asaan na yung head namin?

Maya maya pumasok sila Rexell, Jake, Terrence, Marlon at Peter.

Anong ginagawa nila dito?

Pumunta sila sa may gitna ng gym.

Nakaupo kasi kami sa pinakagitna ng bleachers kaya magkatapat lang kami. Nginitian naman ako ni Rex, kaya nginitian ko rin siya.

Sumunod na pumasok sila Kevin, Dims, Zorenz, Dave at Jillo.

Pumunta rin sila sa gitna kung nasaan sila Rex.

At ang panghuli... babae. Ang ganda naman niya. Ang puti, mukhang mayaman... sa pananamit palang halatang halata mo na.

Pumunta sa gitna yung babae kung nasaan sila Kevin.

"Well, yung iba ay hindi nakakakilala sa akin... lalo na tong limang babae na nasa harap ko." Sabi niya at tumingin sa aming lima nila Yanna

Napalunok naman ako nung nagtagpo yung mata namin. Sino siya? Siya na ba yung head namin? Mukhang mataray...

"Ako si Franchesca... Felicidario." Sabi niya

Nanlaki naman yung mata ko. Myghash. Naaalala ko siya!

*flashback*

"Hmm. Teka. Ay oo. Yung anak ko. What? May ginawa na naman siyang kalokohan?!" Sigaw ni Mrs. Felicidario

Kinuha naman ni Mrs. Felicidario yung telepono na nasa gilid niya.

Hinawakan ko naman yung kamay niya na parang sinasabi na wag na po.

"Bakit, ija? Isusumbong ko siya sa ate niya." – Mrs. Felicidario

"Wag na po, Mam. Kami na lang po ang bahala. You need to rest, mukhang stress na stress na po kayo dahil sa anak niyo." Sabi ko

*end of flashback*

Siya yung ate ni Rex... na dapat pagsusumbungan ng mama niya.

"Kapatid ko ang bastardong binata na to na nasa gilid ko." Sabi niya at inilahad pa ang kamay sa harap ni Rex

Tumingin naman sa ibang direksiyon si Rex. Mukhang naiinis, na nahihiya na ewan si Rex.

"Mukhang marami parin ata siyang napagtritripan sa loob ng AU. Tama ba?" Tanong niya at tumingin sa mga estudyante

Tanging hangin lang at malakas na boses ni Ate Franchesca ang naririnig sa loob ng gym.

"Hmm. Well, mukhang ayaw niyo sumagot dahil mukhang natatakot kayo dito? Didiretsyuhin ko na kayo nang malaman niyo kung bakit ako napadpad dito." Sabi niya at naglagay ng lipstick sa bibig

The Campus Heartthrobs Meets The Campus NerdsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon