Chapter 54: A Date?

5.2K 182 19
                                    

Preii's POV
"Saan ka ba galing?" Sabay sabay na tanong namin kay Zhyrah

Eh kasi naman nalate siya, oh diba sinong hindi magtataka?

"Naglibot libot lang." Bored na sabi niya

Parang wala siyang pakielam, katatapos lang ng klase namin at tanong kami ng tanong ngayon kay Zhyrah. Tumatagal na kaming kasama sila at medyo napapalapit na rin kami sa kanila, sana magaan din ang loob nila sa amin tulad ng nararamdam namin sa kanila.

Bukas walang pasok at bukas ay ang paglalaban namin sa TheWanteds. Mananalo kaya kami? Antagal na kasi naming tinigil ang paglalaban, nasa gamay parin kaya namin ang galing? Magaling kaya yung The Wanteds?

Umuwi na kami sa bahay namin sa may village, sa Frescoes Village. Minsan lang kami umuwi don sa condo nila Marlon, mas malapit kasi yung school dito sa village na to kaya mas gusto naming dito na muna mamalagi.

"Preii, sigurado ka na ba sa gagawin natin bukas?" Tanong ni Ali

"Oo." Sagot ko na ikinatingin nilang lahat

Bigla kong naalala yung dahilan kung bakit ba kami sumali sa gangster, tutal gangster ang namatay naming magulang ni Yanna, ipagpapatuloy namin ito at maghihiganti sa mga lintek na pumatay sa magulang namin. Once na malapitan ko talaga sila, baka hindi ako magdalawang isip na patayin na rin sila.

*ring ring*

Bago ko sagutin ay pumunta muna ako sa kwarto ko para magkaroon ng peace, nasa sala kasi kami at nanunuod sila.

Mahal KO calling...

Baliw talaga tong si Rex, siya yung nagpalit ng pangalan niya sa contacts ko, parang siguradong sigurado na siya na sasagutin ko na siya ah haha!

Gabi na ah? Bakit tumatawag pa to? Tumingin naman ako sa orasan, 10:30 na.

"Mahal!" Sigaw niya kaya medyo nailayo ko yung cellphone ko sa tenga ko

"Oh bat ka napatawag? Gabi na ah." Sabi ko

"May gusto lang sana akong ipakita sayo. Labas ka sa terrace niyo." Sabi niya

Ano namang pakulo ng lalaking to? Baka naman pinagtritripan ako neto, kahit na nagdadalawang isip ako ay nagawa ko paring lumabas sa terrace, ewan ko ba kung bakit. Parang kusang naglakad yung paa ko na wala mam lang pasintabi sa utak ko.

Agad agad naman akong lumabas ng terrace at pagtingin ko sa baba isang I LOVE PREII na lobo ang umaangat papunta sakin.

Napangiti naman ako, nung nasa tapat ko na yung lobo at may napansin akong nakadikit doon. Isang message. 'Hi gorgeous, get in that car. Love you'

*beep beep*

Napatigin naman ako sa isang itim na kotse na nasa baba ng bahay namin. Nagpalit muna ako dahil naka-pangtulog na kasi ako. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko sila Yanna na bising bisi na nanunuod sa TV. Tawa nga sila ng tawa eh kaya hindi ma nila napansin na lumabas ako. Sasakay ba talaga ako?

Lumabas na ako ng bahay at tinahak ang daan papunta sa kotse. Nakangiti akong buksan ko ito pero napawi dahil nalaman kong wala si Rex sa loob, asaan siya?

*ring ring*

Agad agad ko namang sinagot ang tawag ni Rex at nagsimula na ring umandar ang sasakyan na sinasakyan ko.

"Asaan ka? Akala ko nandito ka." Dismayadong sabi ko

"Namiss mo na ako agad? Ikaw hah." Tumatawang sabi ni Rex

"Hoy lalaki! Gabi na ah at saan mo ako dadalhin?" Mataray na tanong ko

"Itatanan na kita." Bulong na sabi niya

The Campus Heartthrobs Meets The Campus NerdsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon