Jake's pov
"Ma, ano ba to? Sino yung babaeng ang lakas ng loob na pahiyain ako sa loob ng cafeteria?" Sigaw ni Rex sa mama niya na kausap niya sa cellphone
"Bro, chill ka lang." Pigil ni Terrence sa kanya
"Hindi eh---ma, ano? Sabihin mo sakin yung information nung babaeng 'yun gusto ko malaman!" Bulyaw ni Rex
Pinatay na niya yung linya at binato yung cellphone tsaka padabog na umupo sa couch.
"Bro, wag ka ng mainis dyan. Hayaan mo nalang yun, aalamin naman na ni tita eh." Sabi ko sa kanya at umupo sa tabi niya
Hi, ako nga pala si Jake Marquez, ang pinakaclose at pinakamatagal na kaibigan ni Rex. Andito kami ngayon sa dorm namin na part din ng AU, walang ninuman ang nakakapasok dito ng basta basta kasi ipinagbabawal namin.
Medyo dulo to at itong floor na to mahahanap yung dorm namin and lockers. Minsan dito kami, minsan doon sa hotel nila Marlon, sa five star hotel. Kami nga pala ang may ari ng Vision Beach Resort kung saan top 10 na may pinakamagandang surroundings at pinakasikat. Ang main resort namin ay doon sa may subic then marami nadin kaming branch.
"Sir Rex, andito na po siya." Sabi ng isang estudyante dito sa AU at kasama na nila yung lalaki kanina na nagserve ng pagkain namin
Tumayo si Rex at hinawakan ito sa kwelyo, "Sino yung babaeng yun? Sabihin mo!" Sigaw na sabi ni Rex at inalog alog ito
"Hi-hindi ko sya kilala, kusa nalang sya lumapit nagulat din ako." Sagot nito
"Talaga? Nagulat? Aba'y gago ka pala eh!" Bulyaw ni Rex at sinapak yung lalaki, "Kapag hindi mo nalaman kung anong pangalan niya at kung anong year niya, ikaw ang malilintikan sakin, alis!" Sigaw nito atsaka binitawan ang lalaki kaya napaupo ito sa sahig
Umalis naman na sila, "Once na malaman ko lang kung sino yung babaeng yun, malalagot sya sakin." Sabi ni Rex atsaka nag smirk
Nako, mukhang may binabalak na naman tong si Rex ah? Kawawa naman yung babaeng kung saka sakali, bully pa naman si Rex. Well, actually badboys ang tawag samin, sampu kaming myembro nun pero yung lima ayun wala na nagkahiwalay hiwalay na kaya kaming lima nalang nila Rex ang natira.
BINABASA MO ANG
The Campus Heartthrobs Meets The Campus Nerds
Teen FictionThis is about the two groups, the 'nerds' and the 'heartthrobs.' This story is suit for the millenials, they can relate in the story. This story is a rom-com, LOVE is the most powerful emotion that a person can feel. So this is the question, would L...