CHAPTER 4: Last Orders

80 5 0
                                    

Michael's POV




Nakakainis! Kailangan kong tulungan si Lucia. Wala siyang tyansang manalo kay Asmodeus. Papunta na sana ako sa kanya ng harangan ako ni Beelzebub.



"Oh, tutulungan mo siya? Pasensya na Michael, pero hangga't narito pa ako, hindi mo magagawang tulungan ang kasama mo." sabi sa akin ni Beelzebub. Tama siya, hangga't hindi ko pa siya natatalo, hindi ko magagawang tulungan si Lucia.



"Infestation!" sigaw ni Beelzebub. Nagsilabasan ang libo-libong mga insekto..



"Barrier of the Holy Light" sigaw ko. Hinarangan nito ang mga insektong papalapit sa akin.



"Michael, hindi mo ko matatalo kung puro depensa ka lang. Alam mo naman siguro yun di 'ba?" sabi ni Beelzebub. Tama siya, kung mananatili akong ganito, hindi ko siya matatalo. Hindi ko magagawang tulungan si Lucia.

Unti-unti ko inilapat ang mga kamay ko sa pananggang pumoprotekta sa akin. Maya-maya'y naglabas ito ng nakakasilaw na liwanag. Sinunog nito ang lahat ng insektong nakapaligid sa akin. "Illumina!" sigaw ko. Lumikha ito ng malakas na pagsabog.




"Argh!" sigaw ni Beelzebub. Nakita kong nakatakip ang kanyang mga kamay sa kanyang mga mata. Mukhang nasobrahan siya sa liwanag. Agad ko siyang sinipa sa tiyan dahilan para bumulusok siya pababa.




Agad kong tiningnan si Lucia at nakita kong nakahandusay na siya sa sahig. Nakita ko rin si Asmodeus na may balak na atang tuluyan siya dahilan para mabilis akong lumipad papunta sa kanila. Gamit ang aking espada'y inatake ko agad si Asmodeus . Napaatras naman siya sa ginawa ko.



"Michael?" nagtataka siyang tiningnan ako. Tumingin siya sa kinaroroonan ni Beelzebub. "Grabe, kung ganon napatulog mo siya?" dugtong pa niya.




"Oo, at ikaw naman ang isusunod ko" sabi ko sabay wasiwas sa aking espada. "Heavenly Strike" . Binalot ng dilaw na liwanag ang sandata ko at mabilis na sumugod sa kanya. Pinusisyon naman nya ang kanyang sarili para harangan ang atake ko, pero hindi nito nagawang protektahan ang kanyang sarili.


Nabasag ko ang kanyang espada't nalusaw ito habang siya nama'y tumilapon ng ilang metro mula sa amin.




Agad kong sinuri si Lucia. Wala siyang malay at puro siya pasa sa katawan. Agad ko naman siyang isinandal sa pader at itinapat ang aking palad sa kanyang noo. "Benediction of Light" sambit ko. Nabalot ng dilaw na liwanag si Lucia. Nagagawa nitong ibalik ang nawalang lakas ng isang nilalang, pero hindi ito nagpapagaling ng mga sugat. Unti-unti namang idinilat ni Lucia ang kanyang mga mata.

Crowned GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon