CHAPTER 1: First Encounter

185 7 0
                                    

Angelo's POV




"Angelo, uwi ka na? Halika, sa internet shop muna tayo. Maaga pa naman eh at tsaka tapos na rin naman ang exam." sabi ng classmate kong si James.





"Sa susunod na lang bro. Kailangan ko pang umuwi ng maaga sa amin." pagtanggi ko sa kanya. Sa totoo lang, wala talaga ako sa mood. Ayoko munang maglaro ng computer games. Napagod ako sa exam kaya mas kakailanganin ko ang pahinga kaysa dun. Isa pa, 5 pm na. Matatagalan pa ko sa pag-uwi dahil dalawang biyahe pa ang kakailanganin ko para makarating sa amin.





"Ah ganon ba? Eh di sige. Mauna na ko. Maglalaro pa ko ng Call of Duty 3." sabi ni James sabay takbo doon sa internet shop na madalas naming puntahan. Kahit kailan adik talaga ang isang to. Di titigil hangga't di natatapos ang campaign story ng laro.





Sumakay na ako ng jeep papuntang Colosseum. Di siya ganon kalayo mula sa school namin. Kung sisipagin ka, pwede mong lakarin. Ang kaso dahil tinatamad ako at may pamasahe naman ako papunta ron, sumakay na lang ako. Para saan pa, nagmamadali na rin naman ako. Gabi na at gusto ko na talagang magpahinga.





Mula sa Colosseum ay sumakay ulit ako ng jeep papuntang Estancia. Bumaba ako sa harap ng isang mall. Mula dito'y kakailanganin ko pang maglakad papunta sa mismong bahay namin. May mga single na pampasaherong motor naman na nakaabang dito na kung tawagin nila ay "habal-habal" na pwede mong sakyan. Ang kaso nasanay na kong maglakad mula dito papasok kaya minabuti ko nalang gawin ang nakasanayan ko.







Sementado ang daan papunta sa amin. Muluwag, kasya ang dalawang sasakyan na magkasabay. Para ka nga lang nasa probinsya pag dumaan ka dito, dahil siguro sa mga puno at malawak na damuhan na nakapaligid sa mismong kalsada. Malamig ang ihip ng hangin. Ngayon ko lang napansin, mag-aalas otso na pala. Akala ko 7 pa lang. Mukhang natagalan ako sa pagbiyahe. Kadalasan, isa hanggang dalawang oras lang ang biyahe ko. Marahil dahil sa traffic kaya natagalan ako. Kailangan ko nang magmadali. Baka pagalitan pa ko ni mama dahil sa ginabi na ko ng uwi.





---------------------------------------------------------------------





Habang naglalakad ay bigla nalang akong nakaramdam ng kakaiba sa paligid. Parang may kung anong nakakatakot. Teka, nakakatakot? Bakit naman? Dala ng gabi? Imposible. Dahil ba sa mag-isa nalang akong naglalakad sa malawak at mahabang daan na ito? Lalong imposible. Nagagawa ko ngang pumunta sa internet shop at umuwi ng 12 ng hating gabi kapag weekends eh. Hating gabi yun, at walang katao-tao sa kalsada. Pero sa di malamang dahilan, kinakabahan ako. Para bang may nakamasid sa akin, o meron nga ba? Di ko mawari. Guni-guni ko lang siguro.

Crowned GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon