CHAPTER 12: Suspicion

65 4 0
                                    

Leviathan's POV



Kasalukuyan kong hinahanap ang pinto na magdadala sakin sa mismong trono ni Satan. Medyo naliligaw na ko. Nasan na ba kasi yung bantay dito? Maya-maya pa'y nakita ko ang isang malaking pinto, crimson red ang kulay at may gintong hawakan. Ang pinto ay maihahalintulad sa karaniwang pinto na makikita sa mga sinaunang palasyo. Tinulak ko ito ng konti at kusang gumalaw ang mga pintuan. Agad akong pumasok at nakita ko siyang kaupo sa kanyang trono. Mukhang inip na inip na siya.


"Ba't ang tagal mo?" seryosong tanong nya sa kin.


"Kung may balak kang sindakin ako, nagsasayang ka lang ng oras." tugon ko naman sa kanya. Akala ba nya matatakot ako sa kanya? Hindi nya yata nagustuhan ang sinabi ko kaya naman inatake nya ko bigla. Nagpalabas siya ng kakaibang apoy. Kakaiba yun dahil ang kulay nung apoy ay pinaghalong itim at pula. Agad nya yon itinapon sa kin. Hindi naman ako umalis sa kin kinatatayuan, bagkus ay kinontra ko ang atake nya. Nagpalabas rin ako ng tubig sa kamay inasinta ang atake nya. Sumabog ito dahilan para balutin ng hamog ang paligid. Nang maglaon ay nawala na ang hamog. Nakita ko naman siyang nakaupo  pa rin sa kanyang trono. Mukhang kumalma na siya. Agad naman akong naghanap ng mauupuan dito sa silid kung nasan kami ngayon. Mabuti na lang at may nakahandang upuan para sa kin, kung hindi, paaalisin ko siya sa kinauupuan nya ngayon.


"Ano bang kailangan mo't pinapunta mo pa ko dito ha..." tumigil ako para umupo, saka ulit ako tumingin sa kanya. "Satan?" pagpapatuloy ko.


"Gusto ko lang magpasalamat sa tulong na ginawa mo para sa min."sabi nya sa kin. Magpasalamat? Bago yun ah. Tumawa naman ako sa sinabi nya.

"HAHAHA.. Ayos ah. Di ko akalain na ang tinatawag nilang "The Devil" eh marunong magpasalamat. Mamamatay ka na ba?" tanong ko sa kanya na may halong panglalait. Hindi naman siya nagalit sa sinabi ko, bagkus ay nginitian pa nya ko. Ano bang problema ng 'sang to?


"Alam mo na ba ang balita?" tanong nya sakin. Balita?


"Wala akong alam. Kung ano man yun, sabihin mo nalang sa kin. Wala akong panahon para manghula at mas lalong wala akong balak magpakadalubhasa sa bagay na yun." sabi ko sa kanya. Masyado nya kong binibitin at ayoko ng ganun.


"Alam mo, mas bagay ka maging representante ng Wrath kaysa Envy. Mas mainit ang ulo mo kaysa sa kin." sabi nya naman sa kin habang nakangiti. Kung makapagsalita siya parang hindi uminit ang ulo nya kanina ah.


"Sasabihin mo ba o hindi?" sabi ko sa kanya. Hindi naman siya umimik, kaya naman tumayo na ko't nagsimula nang maglakad paalis. Nang malapit na ko sa pintuan ay bigla siyang nagsalita.


"Ihanda mo ang sarili mo Leviathan. Isang digmaan ang magaganap." sabi nya sa kin. Digmaan? Humarap naman ako sa kanya.


"Digmaan? Kagaya ba ng digmaang naganap ilang milyong taon na ang nakakaraan?" tanong ko sa kanya.


"Hindi mga anghel ang kakalabanin natin Leviathan, kundi mga tao." sabi nya sa kin. Mga tao?

Crowned GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon