CHAPTER 24: Illusion's Scheme

86 10 5
                                    


A/N: Ito na ang chapter na para sa iyo yoshiro_hoshi hahahahahah.. gaya ng ipinangako ko.



Angelo's POV


"Okay ka lang?" tanong sa kin ni Mariel habang kumakain. Kasalukuyan kaming nasa food court. Maaga pa kaya naman nagdesisyon muna kaming kumain. Agad naman akong tumingin sa kanya.


"Ah... oo, okay lang." Medyo okay na kami ni Mariel ngayon. Hindi na kami yung tipong nagbabangayan palagi. Simula nung pumunta siya sa bahay, naging instant best friend ko na siya. Ang totoo nyan, siya na lang ang nag-iisa kong kaibigan sa ngayon. Nung inanunsyo kasi na babalik na ko, hindi yon ikinatuwa ng iilan sa mga kaklase ko. Kahit yung mga kabarkada ko noon, hindi rin sila natuwa. Iniisip pa rin nila na ako yung kriminal. Ang masaklap pa, si Seb at si Cathleen, nagkatuluyan. Nung mawala daw ako, linigawan raw ni Seb si Cathleen. Sinabi pa nga ni Seb na sayang daw at hindi ko daw makikita ang pag-agaw nya sa babaeng gustong-gusto ko. Medyo sumama ang loob ko dahil dun, di dahil sa nagkatuluyan sila ni Cathleen, kundi dahil sa ginawa nyang pagbabalewala sa pagkakaibigan namin. Napadiin ang kubyertos na ginagamit ko sa fresh lumpia na kinakain ko dahilan para makagawa yun ng ingay. Medyo nabigla ako kaya naman tumingin ako kay Mariel na masama na nakatitig sa kin. Napakamot naman ako sa aking batok.


"May problema ka ba? Sabihin mo kaya sa kin para hindi ako magmukhang ewan dito.." sabi nya sa kin na may halong pagtatampo. Bahagya akong napangiti sa kanyang ikinilos. Ang cute nyang tingnan kapag ganun..


Hmm.. parang may mali.. Teka, wala akong gusto sa kanya.. Cute naman talaga siya eh kahit noon pa. Ay, basta! Wala yun, wala talaga. PROMISE.


"Ah, eh, w-wala. Wala to. Teka, yung lalaking nakasalubong natin kanina, ano ba siya dito?" tanong ko sa kanya. Kilala ko naman talaga ang nilalang na yun. Nung makita ko yung mukha nya, naalala ko na ang lahat-lahat. Hindi naman lahat-lahat. Hanggang dun lang sa part na muntik nya na kong ipalapa sa kanyang alagang aso. Siya ang dahilan kung bakit ako napasama sa school na to. Hindi ko alam kung anong ginawa nya at kung ano ang motibo nya dito. Pero sigurado akong may binabalak siyang masama. Naudlot naman ang pag-iisip kong yun ng bigla nyang sinagot ang tanong ko.


"Akala ko magkakilala na kayo. Nung magkausap kasi kayo kanina parang kilalang-kilala nyo ang isa't –isa. " Umiling naman ako bilang pagtanggi. "Well, siya ang bagong math teacher natin. Siya ang pumalit kay Sir Butch." sabi pa nya.


" Bagong teacher?" tanong ko sa kanya. Tumango naman siya bilang pagtugon. Kung ganon bagong teacher pala ang mukong na yun. Pano kaya siya nakapasok?


" Hindi man lang sila naghinala?" agad kong tanong sa kanya. Nagtataka naman siyang tumingin sa kin.


"Ang weird mo ha. Bakit naman sila maghihinala?


"Ah, wala.. eheheh.. Ah, anong klaseng teacher ba siya?" tanong ko ulit sa kanya. 


"Malalaman mo rin mamaya. Pero kung ako ang tatanungin..." Inilapit nya ang kanyang mukha sa kin. Naamoy ko ang mabango nyang hininga dahil dun.. Maya-maya pa'y nagsalita ulit siya, yung tipong pabulong lang. " Para sa kin, kahina-hinala siya." Agad naman akong dumistansya sa kanya pagkatpos ay tumingin sa malayo. Narinig ko ang sinabi nya pero mas nanaig sa isipan ko ang unti-unting pag-init ng mukha at tenga ko. Nak ng tokwa, ano ba to? Tumingin ulit ako sa kanya at nakita ko na nakayuko siya. Teka, yung mukha nya, namumula. May sakit ba siya?

Crowned GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon