CHAPTER 14: The Awakening

89 6 1
                                    



Mariel's POV


Nasa rooftop ako ngayon ng adminstration building. Kasalukuyan kong nakikita ang pambubugbog na ginagawa nung lalaking yun dun sa halimaw. Hindi ako makapaniwala na kaya pala nyang gawin ang bagay na yun gamit lang ang mga kamay nya. Nakikita ko rin mula dito yung bagong estudyante, si Jessica . Kung ganon tama nga ang hinala ko. Hindi siya pangkaraniwan. Ibig sabihin, hindi rin normal yung mga kasama nya . " Mukhang nagiging mas komplikado na ang lahat." sabi ko sa sarili ko. Tiningnan ko ulit yung Angelo. Mukhang wala talaga siyang patawad dun sa halimaw. Pinagsisipa nya lang ito. Iniisip ko tuloy kung san nanggaling ang lakas nya. Hindi nya naman suot yung kwintas kaya bakit siya magkakaroon ng ganyang kalakas na kapangyarihan. Marahil ay naimpluwensyahan na siya nung kwintas. Maya-maya pa'y nakita ko ang paghawak nya sa magkabilang parte ng  bibig nito at hinatak yun sa magkabilang direksyon na para bang nagpupunit lang siya ng papel. Nahati ang katawan nung halimaw pagkatapos ay naging abo. Nakikita ko pa rin ang asul na aura na lumalabas sa kanyang mga kamay, na parang usok na gumagapang papunta sa kanyang mga balikat. Nawala rin naman ito kinalaunan at nawalan na siya ng malay. Tumingin ulit ako dun sa Jessica na ngayon ay may kasama na. Hindi ko to kilala, pero sigurado akong isa siya dun sa mga kasama nya kanina. Agad akong umalis at bumaba sa rooftop ng building. Batid ko kasing alam nila ang pagsunod ko sa kanila kanina. Mahirap na, baka mahuli nanaman nila ako. Nagtungo ako sa classroom namin at agad na kinuha ang bag ko.


"Kailangan kong makuha sa kanya yung kwintas sa lalong madaling panahon, bago pa ko maunahan nung iba." sabi ko sa sarili ko, sabay alis sa aming classroom.





Angelo's POV


Purong kadiliman ang nakikita ko ngayon. Wala ni isang liwanag ang makikita sa paligid. Nasan na ba ko? Pinakiramdaman ko ang mga paa ko. Wala akong maramdaman sa talampakan ko. Parang, nakalutang ako. Maya-maya pa'y napansin ko ang isang bagay. Isang liwanag. Papalapit ito ng papalapit sa kin.


Ilang sandali lang ay nakita ko na lang ang sarili ko na hinihigop ng liwanag na yun. Pagkatapos nun ay nakita ko na lang ang sarili kong napapalibutan ng mga bituin. Bigla ulit nabalot ng liwanag ang paligid. Napunta naman ako ngayon sa isang malawak na lupain. Teka, pamilyar sa kin ang lugar na to. Nakita ko ulit siya, yung lalaki sa panaginip ko. Kung dati'y lagi siyang nakatalikod sa kin, ngayon nakaharap na siya at papalapit pa sa kin. Tumigil naman siya sa harapan ko. Hindi ko pa rin makita ang mukha nya dahil nakayuko siya. Idagdag mo pa ang hood na nakatakip sa ulo nya. Maya-maya pa'y inangat nya ang ulo nya at tiningnan nya ko sa mata. Nagulat naman ako sa aking nakita. I-imposible. .. .


"Ikaw ay... ako?" sabi ko sa kanya, este ako, este sa kanya. Ano ba yan, di ko malaman kung ako ba siya o iba siya o kung.. Agad namang naudlot ang pag-iisip ko ng napansin ko na nawala na siya. Teka. . .


"Nasan na yun?" tanong ko sa sarili ko. Hindi ko na siya makita, sa halip, isang espada na lang ang nakita ko dun sa pwesto nya. Nakatusok ito dun sa lupang kinatatayuan nya kanina. Tiningnan ko naman ng mabuti yung espada. Hindi ito malaki. Mga 700 cm siguro ang haba. 2 inches naman ang lapad. Kakaiba naman ang disenyo ng hawakan nito. Mixture of silver and black kasi ang kulay nung hawakan, isama mo pa yung cross na nasa dulo nung hawakan. Yung cross, katulad na katulad nung cross sa kwintas.  Unti-unti ko namang inilapit ang kamay ko dun sa hawakan. Naramdaman ko kaagad ang kakaibang inerhiya na dumadaloy sa aking mga kamay. . .

Crowned GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon