CHAPTER 7: Lost

87 3 0
                                    

Lucia's POV


Kasalukuyan akong nakaupo sa sahig sa labas ng bahay, tiningnan ang mga bata habang nagsasanay. Traditional Japanese house ang tinitirhan namin ngayon kaya naman sa sahig ako nakaupo. Sa kasalukuyan, lima na ang nahanap ko sa anim na hinirang na guardians. Hinihintay ko pa hanggang sa sandaling ito ang hudyat na nakapili na si Sir Juhudiel. Si Sir Juhudiel na lang kasi ang wala pang napipiling tao. Agad kong tiningnan ang palad ko. Marka pa rin ni Sir Sealtiel ang nandito. Bakit kaya ang tagal makapili ni Sir Juhudiel?


Agad akong napatingin sa harapan. Nakita kong papalapit ang isa sa kanila sa akin.


"Master" sabi ni Jessica, ang napili ni Sir Raphael


"Bakit?" tanong ko sa kanya. Ano kayang problema ng isang to? Nakayuko kasi siya habang yung isang paa niya ay ikot ng ikot.


"Ano po kasi," pagpapatuloy nya. Nakakunot ang noo ko habang hinihintay ang sasabihin nya. "Nagugutom na ko. Pwede po bang kumain muna ako?" nahihiya pa niyang sabi.


"Nagugutom ka nanaman? Di ba kakakain mo lang kanina. Ni hindi pa nga nagti-30 minutes eh." sabi ni Carlos, ang taong napili ni Sir Sealtiel Agad na napatingin sa kanya yung dalawa pang iba.


"Nako, kaya pala kanina ka pa walang gana sa pagsasanay eh. Akala ko may dalaw ka o kung ano" sabi naman ni Natasha. Siya ang taong napili ni Sir Barachiel


Napailing na lang ako sa sinabi ni Jessica. May pagka matakaw kasi ang isang to. Di kaya naimpluwensyahan siya ni Beelzebub?

Tumayo ako at naglakad papasok. Pumayag na lang ako sa sinabi nya sa kondisyong mas pag-iigihan pa niya ang pag-sasanay. Tuwang-tuwa namang nagtatatalon si Jessica sa loob ng bahay. Sumunod na rin sa amin ang iba pa. Maya-maya pa'y nakita ko si Evangeline na kalalabas lang sa library at nakasimangot. Tumingin kami sa kanya at ganun rin siya sa amin.


"O, bat ganyan ang mukha mo?" tanong ni Carlos sa kanya.


"Baka nagugutom rin. Tara ate, kain tayo" sagot naman ni Yuki, ang nahirang na guardian ni Sir Gabriel.


"Why is it so difficult to speak tahgalowg kase" sagot naman ni Evangeline sa kanila. Hanggang ngayon nahihirapan pa rin siyang magsalita ng Filipino. Kahit mas nauna pa siya kay Natasha eh mas mabilis pa itong natuto kaysa sa kanya. Tinawanan naman siya nila Jessica at Carlos dahilan para mas lalong ikinalukot ng mukha niya.


"Okay lang yan ate, patas rin naman eh. At least ikaw madali na sa'yo ilabas ang kapangyarihan mo, di tulad namin na nahihirapan pa." sabi ulit ni Yuki. Siya lang kasi ang wala pang pagsasanay tungkol sa kapangyarihan nya. Di naman nya kailangan yun dahil madali naman nyang napapalabas ang bolang apoy sa kamay nya.


"Yeah, whatever. Anohng.. I mean, what will you do pa la?" tanong nya sa amin. Agad naman sinabi sa kanya ni Jessica ang gagawin namin. Ikinatuwa naman niya ito. Nagugutom na rin daw kasi siya. Nagpresenta naman si Yuki na siya na daw ang magluluto. Tinulungan rin naman siya ng iba kaya madali silang natapos sa pagluluto.

Crowned GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon