CHAPTER 8: Truth

76 5 0
                                    

Beelzebub's POV


Agad akong nagpunta sa lugar kung nasan ang nakalagay ang katawan ni Michael. Totoo nga ang sinabi nya, wala na dito ang bangkay ni Michael. Sinuri ko mabuti ang pinaglagyan sa kanya. Puting pulbos na lang ang nakita ko dun sa lugar kung san siya nagalagak. Agad kong tinanong ang isa sa mga nagbabantay sa kanya.


"Panong nawala ang bangkay nya?" tanong ko sa isa sa mga nagbantay sa kanya. Walang expresyon ko siyang tiningnan na lalon nyang ikinasindak.


"H-hindi ko p-po alam. Bigla na lang m-may liwanag na l-lumabas mula sa silid." nauutal nyang sabi. "T-tapos bigla nalang nawala." dagdag pa nya.


Agad akong napatingin sa mga kasama nyang bantay at lahat sila'y nanginginig sa takot. Tinalikuran ko sila at hinarap si Belphagor. Nakatingin naman si Belphagor sa akin.


"Sabi mo may tagasunod si Lucifer na nagbabantay rito hindi ba?" tanong ko sa kanya. Tumango naman siya bilang pagtugon. Tinanong ko ulit siya kung kilala ba nya ito. Sumagot naman si Asmodeus sa tanong ko.


"Sa pagkakaalam ko, Azazel ang pangalan nya." sagot ni Asmodeus. Tumingin ulit ako sa mga nagbantay at tinanong ang isa sa kanila. "Yung kasama nyong nagbantay dito, Azazel daw ang pangalan. Nasan siya?" tanong ko sa kanila


"Pupunta daw siya kay Lucifer para mag-ulat." sabi nung isa pang tagapagbantay sa akin. Agad naman akong umalis sa lugar para puntahan si Lucifer.




Azazel's POV


Nakatayo ako ngayon sa harap ng kulungan ni Lucifer. Gusto ko sanang iulat sa kanya ang nangyaring pagkawala ng katawan ni Michael.


"Azazel, napadalaw ka" sabi sa akin ng isang anino na biglang sumulpot sa kung saan. Si Master Lucifer pala to. Agad naman ako'y yumuko para magbigay-pugay.


"Narito po ako para iulat sa inyo ang isang masamang balita" sagot ko sa kanya


"At ano naman ang balitang 'yon" tanong nya sa akin.


Dahan-dahan akong tumayo at tumingin sa kanya. "Nawawala po ang katawan ni Michael." sabi ko. Base sa ekspresyon nya, mukhang hindi siya nagulat sa kanyang narinig. Inaasahan kaya niya yung nangyari kanina?


"Batid ko ang iniisip mo. Oo, alam ko ang nangyari. Naramdaman ko, pero di na mahalaga yun." sagot nya sa akin. Nagtaka ako sa sinabi nya. Okay lang sa kanya na mawala ang nag-iisang tropeyo nya? Maya-maya pa'y nakita ko si Beelzebub na papunta sa amin. Kasama niya sila Asmodeus at Belphagor.


"Lucifer" tawag ni Beelzebub sa kanya. "Anong nangyayari? Bat naglaho bigla ang katawan ni Michael?" dagdag pa nito.


Nginitian lang siya ni Master at sinagot. "Kinuha ng Diyos ang katawan nya."

Crowned GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon