CHAPTER 28: Rich and Laziness

151 8 5
                                    


Jessica's POV


"Angelo! ANGELO!" Pilit kong kinalampag ang gate ng bahay nila Angelo. Kitang-kita ko ang makapal na usok na marahil ay nagmumula sa kanilang sala, base na rin sa pag-aanalyze ko sa structure ng kanilang bahay. Kainis. Nakalock pala tong gate nila.

"Sa pader na lang tayo!" agad na sabi sa min ni ate Eva. Una siyang tumalon sa pader, kasunod si Leo. Sumunod naman ako sa kanila, kasama sina Yuki at Carlos. Huli namang tumawid si Natasha. Nang makalapit kami ay dun ko nakita ang naging pinsala sa nasabing bahay. Kitang-kita ang nawasak na malaking bahagi ng bahay, particular ay yung malaking pader na kung iisipin mo ang posisyon ay ang mismong sala ng bahay nila.

"Si Angelo!" agad na sigaw ni Carlos sa min. Agad ko naman siyang nilapitan para tingnan ng mabuti. Puno ng galos ang kanyang katawan, pero wala namang malalim na sugat o kaya'y bali ang kanyang katawan. Unti-unti rin itong nagkamalay pagkatapos ng ilang segundo. Agad siyang tumayo na balisang-balisa, animo'y may nakalimutan na kung anong importanteng bagay.

"Si mama." Huh? Yung nanay ba nya ang tinutukoy nya? "Ma-may kumuha sa kanya."

"Sinong kumuha sa kanya?"

"Di ko alam, ba-basta la –" agad siyang napatigil sa pagsasalita ng marinig namin ang isang sigaw mula sa likurang bahagi ng kanilang bahay.

"Sa likod!" Patakbo na sana si Angelo ng bigla siyang hawakan ni ate Eva. "Dito ka lang. Kami na ang pupunta."

"Hindi maari. Sasama ako."

"Manatili ka lang s –"

"Hindi nga pwede! Sasam –"

"SHUT UP!" agad namang tumigil si Angelo sa pagsasalita, marahil ay dahil sa sobrang gulat. "Stay here. No buts. Jessica, Natasha, manatili kayo dito. Yuki, puntahan mo kaagad si Master. Kami na lang nila Carlos ang pupunta ron." Agad naman kaming sumang-ayon sa kanya. Hindi naman maintindihan ni Angelo ang nangyayari. Ganun pa man, wala rin siyang nagawa kundi ang sumunod. Medyo nakapagtataka nga at hindi man lang siya nagretaliate o kung ano man. Mabilis namang nagtungo sina ate Eva sa likurang bahagi ng bahay nila Angelo. Sana maging okay lang ang lahat.




Eva's POV


Agad kaming nagtungo sa likurang bahagi ng bahay nila Angelo. Medyo nabigla ako ng malaman ko na malawak pala ang likurang bahagi ng bahay nila. I mean, yung likod-bahay nila. Nakita ko ang isang malaking puno kung san nakaupo sa sanga nito ang isang lalaking nakahood. Kalahati lang ng mukha nito ang nakikita at kitang-kita ko ang pagngisi nito. Katabi nito ang isang walang malay na ginang, ang ina ni Angelo. Agad naman namin inihanda ang aming mga sarili.

"Pakawalan mo siya!" agad kong sigaw sa kanya. Hindi naman ito sumagot, bagkus ay tumawa lang ito ng mahina.

"Sino ka ba ha?" tanong sa kanya ni Carlos. Nakita ko naman ang biglang paglakas ng aura ng nasabing nilalang. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bakit ang pakiramdam ko...



mamatay kami...


Crowned GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon