CHAPTER 15: Mislead

79 7 2
                                    



Angelo's POV


Klase namin ngayon sa math. Ang totoo'y wala naman talaga kaming klase ngayon. Wala na kasi si Sir Butch. Ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa nangyari sa kanya. Hindi ako makapaniwala na tumalon siya sa building.  Sabi nung ilan may  kinalaman daw sa asawa nya yung pagsusuicide nya. Yung iba naman sinasabi na may topak siya o kaya nama'y nagdadrugs kaya nya ginawa ang bagay na yun. Syempre hindi ko sila pinaniwalaan. Bakit pa, sigurado naman akong kuro-kuro lang nila ang mga yan. Pero ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang sinabi nang isa ko pang kaklase, si Clara. Pulis kasi ang papa nya. Sabi nya, may fingerprints daw na nakuha dun sa kamay at wrist ni Sir Butch. Posible daw na foul play ang insidente. Iniisip ko naman yung sinabi nya. Ibig sabihin, maaring pinatay o napatay si Sir Butch ng taong yun. Pero sino naman ang gagawa nun? Masyadong mahigpit ang security dito, at mukha namang walang matinong tao mula dito sa loob ang gagawa ng bagay na yun. Maya-maya pa'y biglang dumating ang isang student assistant sa classroom namin. Nagtataka naman na tiningnan siya ng lahat.


"Mr. Angelo Reyes." tawag nung student assistant sa pangalan ko. Agad naman silang napatingin sa kin. "Huh?" sabi ko sa kanila.


"Pinapapunta ka sa Principal's Office." sabi sa kin nung student assistant sabay alis dun sa pintuan. Principal's Office? May kasalanan ba kong nagawa? Agad akong tumayo at lumabas ng classroom namin. Tinahak ko ang daanan papunta sa Principal's Office. Iniisip ko pa rin ang dahilan kung bakit ako pinpapunta dun. Di kaya may kinalaman dun s panggugulpi sa kin sa likod ng school? Marahil ay yun nga. Nang makarating nako sa pinto ng opisina'y agad akong pumasok sa loob. Nakita ko ang principal na seryosong nakikipag-usap sa isang babae. Pamilyar sa kin yung kausap nya. Bukod dun ay may kasama pa silang dalawang pulis. Agad namang tumingin sa kin yung principal pati na rin yung mga pulis. Lumingon naman sa kin yung kausap nung principal at nagulat ako ng malaman ko kung sino yun.


"Mama?" sabi ko sa kanya. Hindi naman umimik si mama, sa halip ay yumuko siya at hindi tumingin sa kin. Nagtataka naman ako sa ikinikilos nya. Agad na nagsalita yung principal sa kin


"Mr. Reyes, may idea ka ba kung bakit kita pinatawag dito?" tanong ng principal namin, si Ms. Santiago. Umiling naman ako bilang pagtugon. Parang may mali. Hindi ko maintindihan pero parang  may iniisip sila sa kin na hind maganda.


"Kung ganon, sasabihin ko sa'yo para kahit paano'y may idea ka sa kung ano talaga ang nangyayari dito." sabi ni Ms. Santiago sa kin. Huminga muna siya ng malalim bago itinuloy ang sasabihin nya. " Mr. Reyes, hindi ka na maaring mag-aral dito sa Valiente University." Nagulat naman ako sa sinabi nya. Teka, bakit? Anong ginawa ko?


"Sandali lang ma'am. Hindi ko maintindihan. Bakit nyo ko pinapaalis dito sa school?" tanong ko sa kanya. Tumingin naman si Ms. Santiago dun sa isa sa mga pulis. Tumingin naman ito sa kin at agad na nagsalita.


"Nakita namin ang fingerprints mo sa kamay ni Mr. Regilio bago siya mamatay. Bukod dun ay nakita namin sa CCTV na hinahabol mo siya papunta dun sa likod ng administration building, sa likod ng school mismo.  Ikaw ngayon ang primary suspect namin sa pagkamatay nya. " mahabang sabi nung pulis sa kin.


Nakatulala akong tumingin dun sa pulis. Hindi. Imposible to. Wala akong pinatay. Tumingin naman ako kay mama na hanggang ngayon ay nakayuko pa rin at hindi umiimik. Hindi ako makapaniwala na nangyayari to. W-wala akong dahilan para gawin yun. Imposibleng ako yun. Tumingin naman ako sa principal na seryoso pa ring nakatingin sa kin. Ang mga tingin na yun. Tinitingnan nya ko na para akong isang kriminal.

Crowned GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon