CHAPTER 13: Discovery

68 7 2
                                    



Leviathan's POV


Patungo ako ngayon Cocytus kung nasaan ang kulungan ni Lucifer. Gusto kong malaman ang buong detalye tungkol sa balitang sinabi sa kin ni Satan. Nakakairita ang ginawang hakbang ng kanilang Diyos.  Masyado nya kaming minamaliit. Nang makarating na ko'y siniguro ko muna na walang ibang nilalang bukod sa amin. Ayokong malaman nilang babae ako. Sapat na na tatlo lang sila na nakakaalam. Agad kong binaba ang hood na nakatakip sa ulo ko. Lumakad ako sa patungo sa mismong kulungan nya. Nakita ko naman ang isang anino na lumabas sa mismong kulungan.


"Akalain mo't binisita mo pa ko. Di ko inaasahan to, lalong-lalo na sa isang kagaya mo." tanong nya sa kin. Napa-tss naman ako sa sinabi nya.


"Hindi ako nagpunta dito para lang makipagbiruan sa'yo. May gusto lang akong malaman." sabi ko sa kanya. Nginitian nya naman ako.


"Gusto ko sanang magpasalamat sa ginawa mong pagtulong sa mga plano ko. Kung hindi dahil sa'yo, hindi namin magagawang patayin si Michael. Sayang nga lang at hindi mo rin nagawa ang bagay na yun kay Gabriel." sabi nya sa kin. Nainis naman ako sa sinabi nya.


"Wag mo nang ipaalala sa kin ang bagay na yun." sabi ko sa kanya. Kung hindi lang dahil sa lintik na Nature's Vibrance na yun, napaslang ko na sana si Gabriel. Nasobrahan kasi ako sa inilabas na kapangyarihan kaya naman nawasak ang katawang ginagamit ko. Buti na lang at may nakita akong tao sa lugar na yun. Pwedeng mapigilan ang epekto ng Nature's Vibrance sa pamamagitan ng pagsanib sa tao. Ang kaso, limitado lang ang para sa mga kagaya kong epesyal ang kapangyarihan na mailalabas ko.  Pero okay na rin yun, kahit papano'y nakakligtas ako. Wala man kaming proteksyon na gaya sa mga anghel, may sarili naman kaming pamamaraan para makaiwas sa Nature's Vibrance. At ang pagsanib ang  isa sa mga paraang yun.



"Ano bang sadya mo't naparito ka, ha Leviathan?" Agad naman akong napatingin sa kanya.


"Gusto kong malaman ang tungkol sa mga hakbang na ginawa ng ating mga kalaban. Alam mo ang tinutukoy ko." sabi ko sa kanya. Tumingin siya sa kin ng seryoso, saka ako tinalikuran.


"Ang totoo'y hindi pa ko sigurado sa balitang iyon. Marahil ay nagkamali lang ang tauhan ko." sabi niya sa kin. Agad na nagkunot ang noo ko.


"Hindi ako tanga, Lucifer. Wag mo kong gawing tanga." mariin kong sabi sa kanya. Lumingon naman siya sa kin at ngumiti.


"Alam ko Leviathan. Pero totoo ang sinabi ko sa'yo kanina. Wala pang kasiguraduhan na totoo ang balitang yun. Wala pa kong nakikitang  katibayan." sabi ni Lucifer sa kin. "Pero kung sakaling totoo ang bagay na yun, hindi yun magiging problema. Mga tao lang sila. Wala silang binatbat laban sa 'tin." dagdag pa nya. Agad ko siyang tinalikuran at umalis sa lugar. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanya o hindi. Di bale, ako na mismo ang aalam sa tunay na nangyayari.




Angelo's POV

Crowned GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon