CHAPTER 22: Uprise

62 7 1
                                    



Third Person POV



Kasalukuyang may inihahanda si Lucifer sa Lake Cocytus, malapit mismo sa kanyang kulungan.Maya-maya pa'y dumating si Leviathan dala ang isang magandang balita para sa kanila.


"Lucifer" tawag ni Leviathan sa kanya. Agad namang lumingon si Lucifer sa kanya.


"Nakabalik ka na pala. Kumusta?" Napansin ni Lucifer ang abot-tengang ngiti sa mukha ni Leviathan.. "Kung ganon, tagumpay pala ang ekspiremento." sabi ulit nito sa kanya.


"Oo. Nagagawa na rin ng mga Arch Vile ko na gamitin ang mismong itinuro mo sa min. Wala na tayong problema." ngiting-ngiti na sabi ni Leviathan sa kanya. Hindi naman umimik si Lucifer. Ipinagtaka naman to ni Leviathan kaya nagtanong ito. "Oy, anong balak mo?"


"Anong balak?"sabi ni Lucifer sa kanya.


"Balak. Alam mo na.. Teka, wala kang balak?"


"Anong ibig mong sabihin?" Mukhang nairita naman si Leviathan sa pagiging slow ni Lucifer kaya naman agad nya tong sinigawan.


" ANO? WALA KANG BALAK? Ano ka ba naman Lucifer. Hindi na tayo tinatablan ng Nature's Vibrance. Nakakalusot na tayo sa restrictions na ginawa nung Diyos na yun. At wala ng mga anghel na nag-iikot-ikot sa entrada at sa mundo ng mga mortal. Wala ka ba talagang balak gawin ha?"


Tumingin naman si Lucifer sa kanya. "Hindi pa pwede. Hindi ngayon." sabi nito.


"Talaga bang papatulan mo ang mga kabataang 'yon? Ano ka ba naman Lucifer. Wag mo na nga silang pag-aksayahan ng oras at atensyon." naiinis na sabi ni Leviathan sa kanya. Nginitian lang siya ni Lucifer na mas lalong ikinainis nito.


"Mabuti pa ay umupo ka na muna." sabi ni Lucifer sa kanya. Agad namang nagkunot ng noo si Leviathan. Nakita kasi niya na hawak ni Lucifer ang isang vision orb.


"Ano nga ba yang gagawin mo?" pagtatanong nito sa kanya. Sinagot rin naman agad siya ni Lucifer.


"May panonoorin tayo. Darating na rin yung iba kaya umupo ka na."



Jessica's POV


Kasalukuyan kaming naglalakad patungo sa aming building. Maaga kaming nakarating sa school, mga 6 ng umaga, kaya naman wala pa masyadong tao.

"Yuki, naisip ko lang.." sabi ni Leo sa kanya. Agad kaming napatingin kina Leo. "Di ba napapalibutan tayo ng Nature's Vibrance? Bat kaya hindi apektado yung mga nakalaban natin nung isang araw? Di ba dapat kapit papano'y nanghihina sila, lalong-lalo na yung Arch Vile na yun?"

Crowned GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon