CHAPTER 26: Confuse

62 8 5
                                    



Angelo's POV


Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Bahagya akong tumingin sa paligid para malaman kung nasan ako. Teka, nasa classroom ba ko? Kinusot ko ang aking mga mata para mawala ang panlalabo nito, pagkatapos ay agad na tumingin ulit sa paligid. Mukhang nasa room nga ko. Teka, ano bang nangyari? Sa pagkakaalam ko, nasa labas ako kasama si...


"Gising ka na pala." Agad akong napatingin sa katabi ko. Si Mariel. Teka, magkasama kami kanina sa labas di ba?


"Teka, anong nangyari kanina?" agad kong tanong sa kanya. Nagtataka naman siyang tumingin sa kin.


"Anong ibig mong sabihin sa kung anong nangyari? " Medyo naguluhan ako sa aking narinig. Teka, di ba nya naaalala yung nangyari kanina?


"Wala ba talagang nangyari kanina?" pagtatanong ko ulit sa kanya.


"Wala naman." agad nyang sagot sa kin. "Pagkatapos nating kumain sa food court ay agad rin tayong umakyat pabalik ng room. Di nga kita maintindihan nun eh. Medyo galit ka pa eh kasi tumanggi ako na bumalik kaagad. Tapos pagdating natin dito sa room eh agad ka namang umupo ang natulog dyan sa arm chair. Iniisip ko na baka puyat ka lang kaya ganun." Natulog lang ako? Ang weird naman ata nun. Ibig sabihin ba nun eh panaginip lang ang nangyari kanina. Tiningnan ko ng mabuti ang mga mata ni Mariel. Kinilatis ko ng mabuti kung nagsisinungaling ba siya o hindi. Hindi kasi ako makapaniwala na panaginip lang ang lahat. Ang mga bagay na nakita ko.


"Ahh., uummm, Angelo..." naiilang na tawag ni Mariel sa pangalan ko. Agad ko naman siyang binitawan pagkatapos non. Medyo nadala ata ako ng mga iniisip ko. Hindi ko namalayan ang ginawa kong pagtitig sa kanya pati na rin ang paghawak ko sa balikat nya. "Sorry."


"Okay lang." agad nyang sabi sa kin. "Buti pa'y kopyahin mo na lang yung nasa blackboard." Agad naman akong napatingin sa board. Nakita ko ang sari-saring assignment at project na nakasulat. "Nasa notebook ko rin yung iba pa." Agad nya ibinigay sa kin ang isang grey na notebook.


"Teka, bat ang dami at nyan? At math pa halos lahat?" Agad akong napatigil at tumingin dun sa blackboard. Math. Teka, si...


"Di ko rin alam. Inilagay lang yan dyan ng isa sa mga student assistant galing faculty room. Sabi nya, yan daw ang magiging assignment natin habang wala pang pumapalit na teacher sa Math." Pumapalit na teacher?


"Teka, eh yung Azazel, di ba.."


"Nagresign na raw siya. Ewan ko. Sabi nila, emergency raw. Kinailangan nyang umuwi sa kanila. Malayo raw. Hindi na nila ibinigay ang iba pang detalye." Nagresign? Ibig sabihin wala na siya rito. Di kaya coincidence lang? Maari kayang yung nangyari kanina ang naging dahilan? Grabe, nakakabobo na to ah. "Okay ka lang ba?" agad na tanong sa kin ni Mariel. Agad akong nagthumbs-up sa kanya. "Okay lang." sagot ko rin sa kanya.

Crowned GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon