Prologue

170 7 0
                                    



Bago pa ganap na mamuno ang mga tao sa sanlibutan, naganap na ang isang digmaan sa pagitan ng Diyos at ng mga rebeldeng anghel. Pinamunuan ni Lucifer ang nasabing pag-aaklas. Maraming anghel ang nasawi, at marami rin nagsakripisyo. Hindi nagustuhan ng iilan ang paninira nila Lucifer sa dignidad ng Diyos. Ang dahilang ito ang nag-udyok para maisilang ang pitong mandirigma mula sa ikalawa sa pinakamamabang lebel sa langit. Sa pamumuno ni Michael, buong tapang nilang hinarap ang mga kalaban kahit alam nilang mas malakas ang mga ito kaysa sa kanila. Labis itong ikinamangha ng Diyos dahilan para bigyan silang pito nang natatatanging kapangyarihan angkop sa kanila. Dahil dito'y nagawa nila Michael at ng iba pa na matalo sina Lucifer at ang kanyang hukbo.



Sa mismong araw kung kailan natalo sina Lucifer ay inihayag ng Diyos ang kanilang kaparusahan. Ipinatapon nya ang lahat ng mga kumalaban sa Kanya sa impyerno at isinumpa na hindi na makakabalik sa kalangitan kahit kailan. Sa kaso ni Lucifer, ikinulong niya ito sa isang kulungan at inilagay sa pinakamalalim na bahagi ng impyerno.



Lingid sa kaalaman ng karamihan, ay bahagyang humina ang kapangyarihan ng Diyos matapos ang naganap na laban, dahilan para hindi Nya mapatibay ang nasabing kulungan. Alam nila Michael ang nangyari at labis nila itong ikinabahala, kaya naman, bilang solusyon sa nasabing problema, gumawa ang Diyos ng isang kwintas na nagtataglay ng malakas na kapangyarihan, sapat para selyuhan ang nasabing kulungan ni Lucifer.



Mula noo'y naging payapa na ang lahat, at itinuon nalang ng mga anghel ang kanilang mga sarili sa paggabay sa mga tao at sa iba pa nilang tungkulin. Naniniwala silang pagkatapos ng mga nangyari ay wala na silang dapat ikabahala pa, maliban sa mga demonyo na siyang mortal na kalaban ng Diyos sa kasalukuyan. Ang hindi nila alam . . .



bilang na ang masasayang araw nila. . .






" Malapit na. Konti na lang. Sa aking paglabas, sisiguraduhin kong gaganti ako sa inyo, kay Michael at lalong- lalo na sa'yo, Diyos na walang pangalan. Sisirain ko ang lahat ng mahalaga sa'yo, at sisimulan ko 'yon sa pinakamamahal mong linikha. Ang mga TAO. " - Lucifer

Crowned GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon