CHAPTER 9: Heirarchy

85 5 0
                                    

Jessica's POV


Ako si Jessica Lee, 17 years old. Pinanganak sa South Korea. Niligtas ako ni Master Lucia sa isang gubat sa Kyungkido habang hinahabol ako ng mga halimaw. Ngayon, isa na ko sa mga nahirang na guardian. Kasalukuyan kaming nasa library at hinihintay ang pagdating ni Master. May importante daw siyang sasabihin sa amin. Tiningnan ko ang mga kasamahan ko. May iba't-iba silang ginagawa. Yung iba nagkukwentuhan, habang yung iba naman nagbabasa, gaya ni Eva na nagbabasa ng English-Filipino dictionary.


"Eva, mukhang nawiwili ka nang magbasa ng librong yan ah." sabi sa kanya ni Leo. Siya ang taong napili ni Archangel Juhudiel. Galing siyang Spain sabi ni Master. Kagaya ni Natasha, mas nauna pa itong naging bihasa sa lingwaheng Filipino kaysa kay Eva. Inirapan naman siya ni Eva dahil sa sinabi nito. Ito talagang si Eva, ang tagal matuto. Kung tutuusin madali lang naman pag-aralan ang Filipino. Sa ngayon kahit papaano'y nag-iimprove na rin si Eva sa pagsasalita ng tagalog, di tulad nung nakaraan na para siyang sosyalera na ewan.


"Manahimik ka nga." may diin na sagot ni Eva. "Iniisip ko pa rin kung bakit kailangan nating magtagalog. Ba't di nalang english, tutal marami namang nag-iienglish sa buong mundo." sabi pa nya.


"Eh nasa Pilipinas tayo eh" sagot ko naman sa kanya. "Tsaka isa pa, yun ang gusto ni Master. Sabi daw kasi nya, masarap daw pakinggan ang lingwaheng Pinoy. Yun rin daw ang kadalasang ginagamit sa langit" sabi ko pa.


"Seryoso, sinabi nya yun? Parang hindi naman kapani-paniwala." sagot pa nya sa akin. Kahit nga ako hindi rin naniwala nung una. Maya-maya pa'y dumating na si Master. Agad naman kaming tumayo para batiin siya. Nginitian niya naman kami bilang pagtugon. Mukhang okay na siya. Nung mga nakaraang araw kasi naging matamlay siya. May kinalaman yata sa nangyari nung nakaraang araw. Narinig kasi namin na pinapagalitan ni Archangel Gabriel si Master. May sinasabi pa siya tungkol sa kwintas. Pagkatapos nun naging matamlay na siya. Hindi na kami nagtanong dahil usapang matatatanda yun. Isa pa hindi rin naman niya sasabihin sa amin yung nangyari. Inilapag nya kaagad yung mga librong dala nya. Kung hindi ako nagkakamali, yan yung mga librong dala ni Archangel Gabriel nung nakaraang araw.


"Jessica" tawag ni Master sa pangalan ko. Ibinigay nya sa akin yung isang libro. Tiningnan ko naman ito ng mabuti. Hindi ito makapal, pero hindi rin ito ganun kanipis. Sakto lang kumbaga. Binigyan nya rin yung iba ng libro. Sinubukan namang buksan ni Carlos yung librong bigay sa kanya, pero nakapagtatakang hindi nya to mabuksan. Sinubukan ko ring buksan yung sa kin ngunit ganun rin. Hindi ko rin ito mabuksan. Agad kaming napatingin kay Master. Nakangiti pa rin siyang nakatingin sa amin.


"Master, ano ba to?" tanong ni Natasha sa kanya. "Bat ayaw mabuksan?" tanong pa nito.


"Oo nga. Di kaya nilagyan to nang pandikit?" tanong rin ni Carlos sa kanya.


Agad naman kaming sinagot ni Master. "Talagang hindi nyo mabubuksan yan. Hindi pa sapat ang kakayahan nyo para mabuksan ang librong yan." sabi nya.


"Eh kung ganon po, bakit nyo pa po binigay sa min?" tanong ni Yuki sa kanya.


"Para itago" sagot nya sa amin.


" Itago? Bakit naman?" tanong ulit ni Eva.

Crowned GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon