CHAPTER 2: The Dream

146 7 1
                                    

Angelo's POV




"Ayos ka lang ba?" tanong nya sa kin. Bigla siyang lumingon at agad kong napansin ang ganda sa kanyang mukha. Matangos ang kanyang ilong at medyo pink ang kanyang labi. Maputi rin siya. Kapansin-pansin rin ang kanyang mga mata. Kulay asul ito. Kahit maganda at maamo ang kanyang mukha, mababakas mo ang katapangan sa kanya na kagaya sa isang mandirigma.



"Ayos ka lang ba?" tanong nya ulit sa akin. Mukhang nag-aalala siya. Tumango naman ako bilang pagtugon.



"Lumayo ka muna dito kung ganon." sabi nya at bigla siyang lumingon sa kanyang likuran. Agad akong napatingin sa kanyang likuran at napansin ko ang unti-unting pagtayo ng mga halimaw kanina. Mukhang bumagsak sila dahil sa biglang pagbaba nya mula sa itaas. Agad ko naman nakuha ang kanyang iniutos at nagmadaling tumayo at dumistansya sa kanila.



Maya-maya pa ay biglang sumugod ang isa sa mga halimaw. Hinagisan nito ang babae ng isang bolang apoy, ngunit bago pa iyon tumama sa kanya ang mabilis siyang nawala at bigla na lang sumulpot sa likuran ng umatakeng halimaw. Gamit ang kanyang scythe ay pinutol nito ang ulo ng nasabing halimaw, at agad na naging abo. Nagalit naman ang dalawa pang halimaw at akma nang susugod ng biglang may lumabas na nakakasilaw na liwanag mula sa kanang kamay ng babae. Naglabas ito nang dalawang magkahiwalay na krus at sabay na tinamaan ang dalawang halimaw. Kagaya sa nangyari dun sa unang halimaw ay naging abo rin ang dalawa.



Napanganga ako sa aking nasaksihan. Hindi ako makapaniwalang nagawa nyang matalo ang mga yun ng ganun-ganon lang. Ni wala ngang kaeffort-effort. Agad ko naman napansin ang paglapit niya sa akin. Bahagya akong napaatras. Alam kong hindi siya nakakatakot pero mas mabuti nang maging handa. Nakatayo siya sa harapan ko nang bigla siyang magsalita




"Nakikita mo ko?" Huh? Ano daw? "Nakikita mo ba ko?" Teka, anong klaseng tanong yan? "A-ah eh, opo, nakikita ko po kayo." sagot ko sa kanya. Nagbago ang expresyon ng mukha nya. Parang nagulat siya. Bakit ba? Nagtataka siya? Ako nga dapat magtaka eh. Tanungin ba naman ako kung nakikita ko ba daw siya. Di ba halatang nakikita ko siya?




Agad naman siyang napalingon sa kanyang paligid. Parang naging alerto siya bigla. Lumingon siya sa akin. "Lucia" Huh? "Lucia ang pangalan ko" Lucia? Kung ganon yun pala ang pangalan nya. Bigla siyang may iniabot sa akin. Isang kwintas na may krus. Kulay silver ito. Maganda at mukhang mamahalin. Teka, bakit naman nya ko bibigyan ng ganito? Tatanungin ko na sana siya ng bigla siyang nawala sa harapan ko. Teka nasan na yun? Tiningnan ko ulit ang kwintas

"Ano naman ang gagawin ko sa isang to?"



---------------------------------------------------------------------



Crowned GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon