CHAPTER 16: Unexpected

73 7 0
                                    

A/N: Dedicated ang chapter na to kay PatrickLawanag.. lakas kasi makasupport.. hahahaha xD



—————————————————————————————-


Jessica's POV


Nakakaawa talaga si Angelo. Siya ngayon ang pinag-uusapan dito sa room namin. Nakakainis lang kasi hinusgahan kaagad nila yung tao eh wala naman silang alam sa kanya. Sa ngayon nasa food court kami at kumakain. Kaming apat lang ang nandito. Wala pa si Yuki, siguro hindi pa sila pinapalabas. Balita ko may bago daw na math teacher. Di kaya strict siya kaya hindi sila makalabas kaagad? Ganon rin kasi si Sir Lino, yung teacher namin sa science. Muntik na nga kami di makalabas ngayon ng dahil sa kanya. Puro kasi tsimisan ang naririnig ko tungkol kay Angelo. Naudlot naman ang pag-iisip kong yon ng bigla akong sitahin ni Natasha. Nagtaas naman ako ng kilay sa kanya. Nginuso nya yung plato ko kaya tumingin ako. Nagulat ako ng makita kong gutay-gutay na yung porkchop.


" Kawawa naman yung karne. Tinorture mo." sabi sa kin ni Leo.


" Mukhang malalim ang iniisip mo ah. Nabubwisit ka siguro dahil sinisi yung boyfriend mo." sabi naman ni Natasha sakin sabay tingin ng nakakaloko. Tiningnan ko naman siya ng masama.


"Che! Di ko siya boyfriend no. At saka naaawa lang ako sa kanya. Hindi nya kasi nagawang ipagtanggol ang sarili nya. Hinusgahan siya kaagad." sabi ko sa kanila. Agad na pumasok ang isang ideya sa aking isipan. "Bat di kaya natin patunayan na inosente siya" sabi ko sa kanila.


"Nababaliw ka na ba? Eh halos lahat ng tao dito naniniwala na siya ang pumatay?" sabi sa kin ni Carlos.


"Tama siya Jessica. Mas mabuti siguro kung hindi na tayo makialam sa kanila." sabi rin ni Natasha sa kin.


"At ano hayaan na lang siya na masisi sa nangyari? Alam natin na wala siyang kasalanan. Isa pa, sa tingin nyo ba  makakabuti to sa tin? Ngayong wala na siya dito, hindi na natin magagawang makuha pa yung kwintas." mahaba kong paliwanag sa kanila.


"Oo na sige na." sabi ni Carlos habang nakataas ang dalawang kamay na para bang sundalong sumusuko sa laban. "Ililigtas na natin ang boyfriend mo. Pero pano natin gagawin yun?" sabi pa nya sa kin. Agad namang nag-init ang ulo ko. Ilang beses ko bang dapat sabihin na hindi ko siya type? Ang kulit nila ah!


"SABING HINDI KO NGA SIYA BOYFRIEND EH. ANONG AKALA NYO SA KIN , CHEAP? DI PORKET GWAPO SIYA EH MAY GUSTO NA KO SA KANYA." sigaw ko sa kanilang lahat sabay tayo sa kinauupuan ko. Agad namang tumahimik ang buong paligid. Napatakip naman ako sa bibig ko. Naku, nakalimutan kong nasa food court pala ako. Tumingin ako sa paligid at nakita ko silang lahat na nakatingin sa kin at nagbubulungan pa. Agad akong kinuha ang bag ko at dali-daling umalis sa lugar. Sumunod naman yung iba sa akin. Pagdating naman sa may hagdanan ay agad silang nagtawanan sa harap ko. Nakapameywang naman akong nakatingin sa kanila.


"HAHAHAHAHAH.. Grabe. Ang epic non. HAHAHAHAHA..." sabi ni Carlos sa kin habang tumatawa.

Crowned GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon