Once There was a Sea
Theme: fantasy, love, bxb
Aries to Tail
Nagising ako na humahangos. Parang kinapos ako ng hininga. Ramdam ko pa ang tubig ng dagat na lumukob sa akin habang nagpupumiglas ako para maka ahon.
Bumangon ako at naupo sa gilid ng aking tinutulugang papag. Agad ko na pansin na wala sa kanyang higaan si tatang. Madilim na sa labas, hindi ko namalayan na naka tulog pala ako.
Tumayo ako para hanapin si tatang, baka sakaling nag punta na naman ito sa may batuhan. Palabas na ako nang makasalubong ko si Aries.
"Hindi kapa pala naka uwi,"
"Hindi ko kasi maiwan si Lolo, gustong bumalik sa dagat. Kaya sinamahan ko muna baka ma pano. " Ang sagot ni Aries sa akin.
Hinanap ko sa kanya si tatang at sinamahan niya ako doon.
Tulad ng araw araw na eksena, nasa may mataas na bahagi ng batuhan parin si tatang, naka tayo sa malapad na bato at naka tingin lang sa deriksiyon ng dagat. Nag aabang at nag hihintay. Ang kina ibahan lang sa ngayon. Meron ng guhit ng ngiti sa kanyang mga mata at mukha.Nilapitan namin ni Aries si tatang at tumabi sa kanya. Napalingon ito sa amin, at ngumiti siya sa akin. "Nagpakita na sila sa akin, nakita ko na ang anak ko. At malapit na nila akong sunduin dito." May galak na pagkakakuwento ni tatang.
Nakaramdam ako nang pagka awa kay tatang, at bigla ko na lang nakita ang sarili ko sa kanya. At napapaisip ako, paano kong tatanda rin akong mag isa.
Naalala ko si Adreane, nakaramdam ako ng lungkot. Gusto ko siyang makita at mahagkan muli.
"Tara na lo, magpahinga na kayo. Mahamog na dito sa labas." Inakbayan ko si tatang para ihatid pabalik sa Kubo nito.
" Hindi ka naniniwala sa akin nuh? Hindi ako ulyanin. At hindi ako baliw. Matino ang pag iisip. Nakita ko na sila. At kina usap ako ng anak ko. Susunduin na nila ako." Sabi pa ni tatang, napayakap na lang ako sa kanya at napansin ko na lang ang pag patak ng luha sa aking mga mata.
Bumalik kaming tatlo sa Kubo ni tatang, at binabantayan ito habang natutulog na.
Lumabas ako at nag siga sa tapat. Naupo doon at nag mini muni. Lumabas din si Aries at umupo sa buhangin katabi ko. Nasa tapat kami ng ginawa kong siga.
"Napamahal na sa iyo si Lolo," paglapit ni Aries.
"Naalala ko lang kasi sa kanya ang tatang ko. Laki kasi ako sa Lolo." Ang kuwento ko.
"Alam mo naaawa na rin ako kay Lolo, matagal niya nang na mi-miss ang pamilya niya. Pero hindi pa ito ang oras".
Nabigla ako sa nasabi ni Aries, ngunit agad din niya itong nilinaw. " I mean malakas pa siya. Kung tutuusin nga, kaya pa niya sana makahanap pa ng iba. Kaso subrang mahal na mahal talaga ni Lolo ang kanyang asawa at anak".
"Ang lupet nga ni Lolo, siya na lang yata ang nakikilala kong loyal sa pag ibig. Ang iba kasi hindi kuntento sa kung ano lang meron sa iyo, nag hahanap agad ng iba." Sabi ko.
"May asawa ka na ba pare?" Tanong ni Aries.
"Wala pa, at hindi narin siguro ako iibig pang muli. Tama na iyong sakit na humagupit sa akin. Gagayahin ko na lang si tatang," tugon ko.
Napangiti si Aries sa sagot ko. Doon ko mas lalong na kilatis ang mukha nito nang malapitan. Ang gandang lalake talaga ni Aries, mula buhok, mata ,ilong , mukha, labi at katawan nito, tila inukit ng perpekto.
"Alam kong na miss mo na siya, bakit hindi ka pa bumalik sa inyo?" Natigilan ako sa tanong ni Aries. Bakit nga ba? Para tumakas? Para talikuran ang mga responsibilidad na dapat ginagawa ko? Dahil na duduwag ako? Maging ako hindi ko alam ang tumpak na dahilan ng pag stay ko doon kay tatang. Baka all of the above.
BINABASA MO ANG
There was a sea(M2M)[completed]
FantasyAng storyang ito ay umiikot sa dalwang magkasalungat mundo at lahi isang tao at isang kataw(sereno) -A fabled marine creature with the head and upper body of a man and the tail of a fish. Na nahulog ang loob sa isat isa, the main character are: Arie...