Once There was a Sea
Theme: fantasy, love, bxb
Fear
Nagmadali ako sa aking rest house,at nag ligpit ng ilang mga gamit. Hindi ko alam kung bakit ako natataranta at nababahala. Hindi parin ako makapaniwala sa mga naranasan at nasaksihan ko sa araw na iyon. Ang noong mga eksena ay dati ko lang nababasa sa mga libro at napapanood sa pelikula. O di kaya naririnig sa mga kuwento ng mga matatanda.
Ngunit sa harapan ko mismo nangyari ang lahat. Totoo nga sila at hindi lang basta likha lang ng emahinasyon. At sa katauhan ni Aries, napatunayan ko na may mga kataw nga sa dagat.
Patapos na ako sa aking pag iimpaki nang muli ko narinig ang isang malakas na dagundong ng mga alon mula sa dalampasigan.
Napasilip ako sa bintana, at mula roon tanaw ko ang nangangalit na mga alon sa dagat na tila hinahalukay ang pinaka pusod nito. Unti unting natatakpan ng makakapal na usok ang paligid ng dalampasigan. At biglang kumulimlim ang kalangitan at paligid. Nagsimula na namang lumakas ang hangin.
Duble-duble na ang kaba ko sa mga Oras na iyon. At hindi alam kung ano ang gagawin ko.
Bigla na lang ako nakarinig ng mga kalabog mula sa pinto ng bahay sa baba. At pag tingin ko doon. Nasa tapat na ng bahay ang mga tauhan ko sa Dapdap. Nag kumpulan sila sa tapat ng aking pintuan at pinipilit na buksan ito.
Bitbit ang dala kong bag, tinungo ko ang likod na bahagi ng bahay at doon dumaan palabas ng Dapdap.
Walang lingon lingon. Tuloy lang ako sa pag takbo hanggang sa makarating ako sa mapunong bahagi ng Dapdap. Mula doon may kalayuan pa ang labasan pa highway.
Ngunit nakahinga na ako nang kaunti dahil malayo narin ako sa may dagat.
Biglang buhos naman ng ulan. Naalala ko ang nakaparada noong kotse ni Aries. Hindi ko na iyon ginalaw mula noong natagpuan ko iyon doon , kaya halos mabalot na ito ng lumot at kinain na ng kalawang. Doon ako sumilong. Sa pag mamadali kong tumakas hindi ko na nagawang sumakay sa kotse ko.
Patuloy ang pag buhos ng ulan at mas lumakas pa ito. Dumidilim na rin ang paligid gawa ng makapal na ulap at lakas ng ulan. Sa pagod naka idlip ako sa loob ng lumang kotse.
Hindi ko na namalayan na may paparating pala sa kinalalagyan ko.
"Jim gising, Jim..."
"Aries, ikaw?"
Ginising ako ni Aries. Na hubo't hubad ito at basang basa sa ulan. Inabot ko sa kanya ang damit at pantalon na dala ko para may mai-suot ito.
"Kailangan nating makalayo dito. Hinahanap tayo nila para tugisin at patayin." Biglang sabi ni Aries sa akin.
"Pero bakit pati ikaw?"
"Alam nila na nabigo ako sa iyo, at nilabag ko ang napakamahalagang batas ng lahi namin. At kamatayan ang kaparusahan sa ginawa kong pagtaksil sa kanila."
"Paanong naging taksil? Wala ka namang ginawang masama diba? "
"Marami kapang hindi alam tungkol sa amin Jim. Hindi ko lahat masasagot iyan ngayon."
"Ano ang gagawin natin ngayon?" Tanong ko.
"Hindi ko hahayaang may mangyari sa iyong masama Jim. Poprotektahan kita laban sa kanila." Hinawakan ni Aries ang pisngi ko at hinalikan ako nito sa aking labi.
"Itataya ko rin ang buhay ko para sa iyo. At salamat dahil niligtas mo ako." Gumanti ako ng halik kay Aries. Sandaling napawi ang pangamba at takot ko sa Oras na iyon.
Ang mga halik ni Aries sapat na para pakalmahin ang gulong gulo kong isipan.
Nang may narinig kaming mga tinig ng tao na papalapit sa kinaroroonan namin.
BINABASA MO ANG
There was a sea(M2M)[completed]
FantasyAng storyang ito ay umiikot sa dalwang magkasalungat mundo at lahi isang tao at isang kataw(sereno) -A fabled marine creature with the head and upper body of a man and the tail of a fish. Na nahulog ang loob sa isat isa, the main character are: Arie...