Once There was a Sea
Theme: fantasy, love, bxb
The lake
Sinikap kong ibalik ang lahat nang ala ala ni Aries sa abot nang makakaya ko. Mailap si Aries sa akin. Ramdam ko ang pag aalangan niya sa akin. May pag dududa, may pagtataka.
Nabura na talaga ako sa buhay ni Aries. Maging ang nakaraan namin hindi na ito naalala.Gayun pa man, sapat na sa akin na kasama ko na muli ngayon ang taong Mahal ko. Kumakain kami ng pananghalian nang napansin nito ang kuwentas na suot ko.
"Parang nakita ko na ang suot mo na iyan." Pansin nito.
Nabuhayan agad ako nang loob.
"Saan? Saan mo nakita ito...may na aalala kaba dito Mahal?" Tanong ko.
"Hindi ko lang matandaan kung saan, pero parang nakita ko na iyan." Pilit nitong inaalala ang tungkol sa kuwentas.
Hinubad ko ang kuwentas at inabot ito kay Aries.
"Hawakan mo, subukan mong alalahanin ang kuwentas na ito. Hawakan mo, baka sakaling may ma alala ka."
"Sa panaginip, oo sa panaginip nga. Madalas ko itong nakikita sa panaginip ko. Suot suot ko ang kuwentas na ito sa panaginip ko." Nasabi ni Aries.
"Sa iyo talaga galing ang kuwentas na iyan mahal, bigay mo iyan sa akin bago tayo nagkahiwalay." Napaluha ako sa saya.
Napansin ko ang pag ilaw ng kuwentas habang hawak ito ni Aries. Matagal nang hindi ko iyon nakitang kuminang nang ganun ka liwanag. Biglang binitawan ni Aries ang kuwentas. Nakita ko ang pamumula ng kanyang palad na dinampian ng kuwentas. Nag taka ako.
"Bakit mahal? Ano ang nangyari?" Pag-aalala ko.
"Ang init, bigla na lang uminit ang kuwentas habang hawak ko." Sabi ni Aries.
Kinuha ko ang kuwentas, ngunit hindi naman ito mainit gaya nang sinabi ni Aries.
"Ilayo mo sa akin ang bagay na iyan." Biglang nagalit si Aries. Tumayo ito nilisan ang kanyang pagkain. Lumabas ito ng balkonahe.
Hindi ko naman pinansin pa ang mga pangyayari. Sinuot kong muli ang kuwentas. Naalala ko pa ang sinabi noon ni Aries tungkol sa kuwentas. Habang nasa akin ito, hindi ako iiwanan ni Aries. Mananatili siyang kasama ko.
Hindi ko narin na tapos ang pag kain ko. Habang nag liligpit ako ng pinagkainan namin. Nakarinig ako nang malakas na hampas ng tubig na nag mula sa labas, subrang lakas na para bang may malaking alon na tumama sa dingding ng bahay. Dali dali akong lumabas, at nagulat ako sa aking nakita. Gaya nang una kong napansin noon nang dumating ako sa bahay. May bakas ng tubig sa labas ng dingding at sa paligid ng sahig nito. Hinanap ko si Aries ngunit wala ito sa paligid.
Kinabahan ako, nagmadali akong suyurin sa paligid si Aries. Doon nakita ko muli ang bakas ng tubig na patungo na naman sa kakahuyan. Hindi ko alam kung ano ang nag hihintay sa akin doon , ngunit tila hinihila ako nang aking hinala na naroon si Aries.
Dala ang takot sa sarili, sinundan ko ang bakas. At tinumbok nga nito ang tagong lawa na nakakubli sa kakahuyan.
Tumigil ang bakas sa mga damuhan malapit sa gilid ng lawa. Hinanap ko si Aries doon, ngunit tanging Ang mga huni lang ng ibon at mga insekto ang sumsagot sa akin.
Lumapit pa ako sa may lawa nang may napansin akong bagay na lumulutang sa tubig. Dinampot ko ang bagay na iyon. Ball cap iyon ni Aries.
Suot niya ito noong pauwi na sana kami sa amin. Noong araw na nagkahiwalay kami. Paano na punta iyon doon? Tanong ko. Tinawag kung muli si Aries. Sinuyod ko ang paligid ng lawa. Ngunit wala, kahit anino man lang ni Aries.
BINABASA MO ANG
There was a sea(M2M)[completed]
FantasyAng storyang ito ay umiikot sa dalwang magkasalungat mundo at lahi isang tao at isang kataw(sereno) -A fabled marine creature with the head and upper body of a man and the tail of a fish. Na nahulog ang loob sa isat isa, the main character are: Arie...