Page 13

105 11 0
                                    

Once There was a Sea

Theme: fantasy, love, bxb

Heart of the sea

Subrang sarap nang tulog, at maging kinabukasan nun, nakangiti parin akong gumising.

Napatingin ako sa gilid ko, wala naroon si Aries. Bumangon ako na subrang gaan nang pakiramdam. Agad ko hinanap si Aries, napadaan ako sa banyo para mag hilamos nang mapansin ko na wala na sa leeg ko ang kuwentas.

Bumalik ako sa kama para tingnan ito doon, baka kasi na tanggal noong nag lambingan kami ni Aries. Ngunit natingnan ko na lahat lahat pero wala. Hindi ko na nakita ang kuwentas.

Hinanap ko si Aries sa labas para tanungin sana tungkol dito. Ngunit na bigla ako sa aking dinatnan doon.

Sinalubong ako ni Aries nang may kakaibang saya sa kanyang mukha, agad niya ako binati at hinalikan sa nuo. Sabay Alok sa akin na mag breakfast.

Nakalatag na lahat sa mesa ang mga masasarap na pag kain, actually hindi siya pang breakfast. Lahat nang klase ng seafood nakahain na roon. Bigla tuloy nanumbalik sa akin ang dati noong nasa Dapdap pa kami.

"Halika na Mahal kumain na tayo, hinanda ko lahat ito para sa iyo." At sa muling pagkakataon narinig ko muli sa mga bibig ni Aries na tinawag niya akong Mahal.

Napatango lang ako. Hindi ako maka paniwala na nangyayari iyon sa amin. Ang pinapangarap ko. Nangyayari na ngayon. Bumalik na sa akin si Aries. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko si Aries at ganun din siya sa akin.

"Naaalala mo na Ang lahat Mahal?" Tanong ko.

"Sorry Mahal, wala parin akong naalala hanggang sa ngayon. Pero matapos ang nangyari sa atin kagabi. Parang gusto ko na pagsilbihan kita ngayon. Pinasaya mo ako buong gabi. At ngayon ko lang ito naranasan buong buhay ko. Ganito pala mag Mahal ang tulad mo. Ibang iba sa amin." Ang tugon ni Aries.

May mga hindi ako naiintindihan sa mga sinasabi niya pero lahat iyon binalewala ko. Ang mahalaga sa akin unti unti nang bumabalik sa akin ang aking mahal.

Masaya kaming nag haharutan sa harap ng pagkain, Nang may napansin ako sa gilid nang magkabilang tenga ni Aries.

"Mahal nag babago ang anyo mo, lumalabas ang hasang mo sa ilalim ng tenga mo." Pansin ko.

Kinapa iyon ni Aries at nakita ko sa mukha nito ang pagkabahala. Dali-dali itong tumayo at tinungo ang banyo.

Agad ko rin siyang sinundan sa pag aalala ko. Ngunit bigla na lang nito ni Lock ang pintuan.

"Mahal papasukin mo ako, ano ba ang nangyayari?" Sigaw ko.

"Umalis ka, pabayaan mo ako dito. Pakiusap." Rinig ko ang pag iba nang boses ni Aries, unti unti itong lumiit at papaos na .

Nang may napansin akong tubig na lumalabas mula sa siwang sa ilalim ng pintuan. Mula iyon sa loob, malakas ang agos ng tubig na lumalabas doon. Kinabahan ako, Lalo na nang hindi ko na naririnig si Aries sa loob.

Nasa loob ang lock ng banyo, kaya persahan ko na itong pinasok. Sinira ko ang knob ng pintuan at nang mabuksan ko iyon. Wala roon sa loob si Aries. Tanging bakas ng tubig ang naiwan sa loob at ang suot nito.

Takot, pangamba at pagtataka ang bumalot sa akin noon. Hindi ko alam kung saan ko hahagilapin si Aries. Bigla na lang pumasok sa aking isipan si Neru.

Tinungo ko ang lawa na malapit doon sa amin. Alam kong konektado ito doon sa mga nangyayari. Pagkarating ko sa gilid ng lawa agad ako sumigaw, hinahamon doon si Neru. Ngunit tahimik lang ang lawa. Para akong baliw na kinakausap ang lawa.

There was a sea(M2M)[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon