Page 4

144 13 0
                                    

Once There was a Sea

Theme: fantasy, love, bxb

Home

Matapos ang pag uusap namin noon ni Aries, napag isip isip ko tama ang lahat ng pinupunto niya. Nagpa alam ako kay tatang na bumalik na ng Guimahol. May pag aalinlangan man sa aking pagbabalik, buo na Ang pasya ko na harapin ang tinakasan ko at bumuo ng panibagong ako.

"Sana sa pag alis mo dito, hindi mo kami makakalimutan at sana isang panibagong Jim na ang makikilala ko sa muli nating pag kikita. Matapang at may pag asa." Kinamayan ako ni Aries at niyakap ng mahigpit.

Sa maikling sandali nang pagkakakilala ko sa kanya, naging magaan ang loob ko kay Aries. Mabigat sa damdamin ang lumisan doon pero may sariling buhay din akong kailangan ayusin.

"Salamat pare, ingatan mo dito si tatang, hayaan mo kapag nagkaluwag luwag ako dadalawin ko kayo dito. Pangako yan pare.  Malay natin pag balik ko dito may girlfriend ka nang kasama dito." Sabi ko.

"Hihintayin ka namin dito ni Lolo pare. At mag ingat ka doon. Kapag na miss mo kami tumingin ka lang sa dagat at isigaw mo lang pangalan namin, maririnig kana namin dito." At tumawa lang kami pareho.
Sinamahan ako ni Aries palabas ng highway. Napakalayo nga ng Dapdap sa highway. Naglakad pa kami ng ilang Oras at inakyat ang mataas na bangin bago narating ang labasan doon. Subrang hingal ko nang marating namin ang magubat na daan palabas.

"Kaya pa ba pare, ngayon alam mo na kung gaano ito kalayo? " Mukhang minani lang ni Aries ang dinaanan namin wala man lang bakas ng pagod o pawis sa kanyang mukha.

"Lang hiya, mukhang lumabas lang tayo sa ibang Mundo nito ah. Ang layo nga nito. Kaya siguro tuluyan ng inabandona ang bahaging ito. Pero pare bilib ako sa iyo mukhang hindi ka man lang na pagod."

"Nasanay na kasi ako dito, Tara doon pare nandoon ang kotse ko, may ilang damit ako doon. Magpalit ka muna bago ka bumalik sa inyo. Baka mapagkamalan kapang holdup per diyan sa ayos mo. Mag shave kana rin, makapal na masyado ang balbas mo."  Pagpuna pa sa akin ni Aries.

Damit pa ni tatang ang suot ko na bukod sa may kalumaan na naninigas narin dahil sa tubig alat. Hindi narin nga ako naka pag shave simula noong napadpad ako kay tatang.

Isang kotse nga ang nakaparada doon. Lumapit kami ni Aries. Doon pinakita sa akin ni Aries ang malaking bag nito na Puno ng damit at pantalon. May mga sapatos din doon.

Nagmistulang aparador ang likod na bahagi ng sasakyan sa dami ng damit na naroon.

"Ang dami mo pa lang gamit dito pare? Parang dinala mo na yata dito ang aparador mo ah."

"Pang emergency lang pare, halika ipipili kita ng maisusuot mo. Pagkatapos nito aahitin natin iyang balbas mo. Sungay na lang kulang sa iyo mukha ka ng kambing."

Si Aries ang nag ahit sa akin,gamit ang electric razor nito. Hinayaan ko lang ito sa gusto niyang gawin sa akin. Sa pag aayos sa akin siyempre.

"Hayan mukha kanang tao ulit pare, ang pogi mo na" ang sabi ni Aries nang matapos akong maahitan.

Na miss ko tuloy ang dati kong mukha. Natuwa ako at muli kong nasilayan ang akin kong gandang lalake.

"Hubad na kana pare" nabigla ako nang pinahubad ako ni Aries. Kinabahan ako sa sinabi nito.

"Huwag ka ngang ganyan pare, hindi kita aanuhin nuh,. Maghubad kana diyan para isuot itong damit na napili ko sa iyo." Agad na depensa ni Aries

Tatalikod pa sana ako para mag hubad nang tinulungan na ako ni Aries , inangat nito ang t-shirt na suot ko. Hindi naman ako tumutol at itinaas ng kusa ang mga kamay ko.

There was a sea(M2M)[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon