Once There was a Sea
#PAGE5
Theme: fantasy, love, bxbKataw
Lumipas ang ilang araw at buwan matapos ako bumalik ng Dapdap. Simula noon ginulo na nang lugar ang katahimikan ng aking isip.
Gabi noon nang maisipan kong buksan at tingnan ang kahon na pinaglagyan ko ng mga nakita kong perlas. Isang pag papasya ang nabuo sa akin. Gamit ang mga iyon isang Plano ang aking sinimulan.
"Seryuso ka na bang mag quit sa pag babanda? Paano na Ang career mo niyan?" Pag alala sa akin ni Adreane dahil sa biglaan kong desisyon.
"Ang pagbabanda lang naman ang iiwan ko. Tuloy parin naman ang pagiging kompositor ko. Hindi ko rin naman pababayaan ang studio. Business na natin iyon. At itong gagawin ko for the future din natin ito." Paliwanag ko sa kanya.
Naging supportive na partner si Adreane sa akin. Tingin ko noon, siya na ang perfect na babae na makakasama ko sa habang buhay. Dahil kay Adreane naging mas masipag at naging mas mature ang mga desisyon ko sa buhay.
Tinuloy ko ang Plano ko, sa akalang suportado parin ako ni Adreane. Bumalik ako sa Cebuclod na hindi kasama si Adreane. Binalikan ko ang Dapdap at sa tulong ng lokal na government doon nabili ko ang buong bahagi ng Dapdap. At doon nagpatayo ako ng rest house, nagbukas ng maliit na bar at cafe , floating restaurant at inn.
Binuhay ko ang dating Patay na lugar ng Dapdap. At hindi naman ako nabigo sa aking Plano. Sa maikling panahon muling nakilala ang Dapdap sa buong Cebuclod at karatig na mga bayan. Ngunit higit pa doon ang pinaka ugat na dahilan kung bakit ko ginawa iyon. Nais kong makarating ang lahat ng ito kay Aries. Dahil sabi ko, kung totoong taga doon si Aries malamang malalaman niya ang ginawa ko sa Dapdap.
"Hi babe, kamusta ka na diyan. Mukhang madalang ka nang tumatawag sa akin ah? Why not pumunta ka rito. Nang makita mo ang panibago nating baby. You know what babe ang saya saya dito sa Dapdap. Successful ang mga Plano ko. Kailan ka ba muling dadalaw dito?" Simula nang sinimulan ko ang pag develop ng Dapdap, madalang na ako nakaka uwi ng Guimahol. Hindi rin kami madalas nag kakasama ni Adreane. Sa loob ng dalawang taon buo ang tiwala ko sa kanya. Ganun din naman siya sa akin.
"Naku babe, busy din masyado dito sa studio. Hayaan mo maybe next month. Dadalawin kita diyan. Ingat ka. Sige na babe ,Mahal na itong long-distance call natin. Tatawagan na lang kita. I love you." Ganun madalas ang usapan namin dalawa, madalas nagmamadali. Hindi ko rin naman masisi si Adreane, mas madalas kasi kasi ako dito sa Dapdap.
Martes nang Gabi noon, habang nag lalakad lakad ako sa dalampasigan isang lalake ang napansin kong nakatingin sa may batuhan. Lumapit ako at nag simula siyang kausapin.
"Mawalang galang na sir, guest ka ba dito?" Pag bati ko.
"Ah eh oo, bakit?" Sagot nito
"Ako nga pala si Jim, may ari dito ng Dapdap." Sabi ko
"Sorry, magandang gabi sir...Lance nga pala" at nakipag kamay sa akin si Lance. Nakipag kamay narin ako sa kanya.
"Napansin ko kanina , subrang titig na titig ka sa may batuhan. May na. Pansin ka ba?" Tanong ko.
Nagka kuwentuhan kaming dalawa habang naglalakad-lakad.
"Nang malaman ko na muling binuksan ang Dapdap, agad akong pumunta dito. Dati ko nang sinumpa ang lugar na ito noon. Kinuha ng lugar na ito ang mag Ina ko." Kuwento pa ni Lance. Inilahad niya sa akin ang dahilan kung bakit.
"Naniniwala ka ba sa mga kataw?" Tanong nito sa akin.
Hindi ko alam kung mag o-oo ba ako o hindi, dahil sa totoo lang hindi pa naman ako sigurado kung totoo nga sila.
BINABASA MO ANG
There was a sea(M2M)[completed]
FantasyAng storyang ito ay umiikot sa dalwang magkasalungat mundo at lahi isang tao at isang kataw(sereno) -A fabled marine creature with the head and upper body of a man and the tail of a fish. Na nahulog ang loob sa isat isa, the main character are: Arie...