Page 15

107 11 0
                                    

Once There was a Sea

Theme: fantasy, love, bxb

Loop
Page 15

Hindi na mawari ang nangyayari sa buong paligid ng Dapdap. Sa nangyayaring labanan sa pagitan ng dalawa, naki sabay Ang panahon at ang mga alon sa dagat. Tila mayroong delubyo na magaganap sa lugar na iyon. Sa tindi at lakas ng kanilang mga pinapakawalang puwersa halos mawasak ang lahat ng naroon sa Dapdap maging ang bahay pahingahan ko, ang mga villa at ang floating restaurant nawasak. 

Hindi ako maka pag pagitna sa dalawa. Ako ang dahilan nang kanilang pag tutuos pero wala akong lakas para patigilin ang silakbo nang galit sa kanilang mga  puso.

Naroon lang ako sa sulok, nagkukubli sa malaking bato. Habang naka masid lang sa kanila.

May mga bahid na ng mga sugat ang katawan ng dalawa ngunit kailan man wala man lang sa kanila ang nag palit ng anyo. Magsa-kataw man lang para matukoy ko kung sino sa kanila ang totoong si Aries.

Dalawang Aries ang nagpapatayan sa harapan ko. At hirap na hirap ako sa pag tukoy kung sino sa kanila. Ang kuwentas na sana tanging basehan ko. Meron din silang dalawa.

Hindi nag bitiw ang dalawa sa kanilang nag uumpugang lakas. Nang biglang bumuhos ang napaka lakas na ulan. At napansin ko ang pag angat ng tubig sa dagat.  Dahan dahan itong naabot ang mataas na bahagi ng buhanginan kung saan naroon at nag lalaban ang dalawa.

Napahinto ang dalawa nang mapansin din ang biglaang pag taas ng tubig. Nakita ko ang takot sa mga mukha nila.  Napa atras ang dalawa. Natakot din ako sa mga susunod na mangyayari.

"Hindi aabot sa ganito ang lahat kung hinayaan mo na lang kami ni Jim. "  Sabi ng isang Aries na nasa kaliwa.

"Huwag ka magpapanggap pa, dahil kahit anong panlilinlang ang gagawin mo. Hindi kita hahayaang manalo sa labang ito. " Sagot naman ng isa.

"Ikaw Ang mapag balat kayo, sa simula pa lang manglilinlang kana! At hindi mo makukuha ang para nang sa akin. Kaya bumalik kana sa kanila. At hayaan na kami!" Sigaw ng isa

"Ikaw Ang bumalik na sa pinanggagalingan mo, ipakita mo ang totoong Ikaw at huwag ka mag tago sa mukha ko. Dahil hindi natatago nang pag babalat kayo mo ang kasamaan mo Neru!"  Tugon naman ng kabilang Aries.

"Ikaw si Neru at patutunayan ko yan! Argh aaahhhh" at nag pakawala nang isa pang lakas ang isang Aries gamit ang mga butil ng tubig na pinatulis nito.

Sinalag iyon ng isa pang Aries, kaya nagka sugat sugat muli ito sa kanyang mga braso sa katawan.

"Ikaw Ang ibabalik ko sa totoo mong anyo... Aaaargghhhhh!!!" Gumanti naman ang isa gamit ang tubig ng ulan na ginawang parang mga palaso at hinagis sa isa pa.

Nasalag din ng isa Ang mga patamang iyon. Kaya sugatan din ito.

Sa taglay nilang lakas batid ko na walang magpapatalo sa kanila. Kapwa ayaw kumawala sa kanilang karakter. Hirap na din ako sa kalagayan ko, habang nakikita na sinasaktan nila ang isa't isa bilang mga Aries. At alam ko na isa sa kanila ang mahal ko. Kaya alin man sa kanila ramdam ko ang sakit na kanilang nararamdaman.

Mula sa dagat, may mga naaninag akong naroon sa tubig. Subrang dami nila , mga kataw na naka masid lang pala sa labanan ng dalawa.

Nang mapansin ko ang mga kataw. Isang pag papasya ang biglaang nabuo sa isip ko para mahinto lang ang dalawa sa kanilang ginagawa. Wala man akong kapangyarihan gaya nila. Pero alam ko na sa gagawin ko. Isa sa kanila ang gagawa nang hakbang para patunayan kung talaga sa kanila ang tunay na Aries.

Lumabas ako sa pinag tataguan ko, at pumagitna sa dalawang Aries.

"Tumigil na kayo, hindi matatapos ang lahat kung walang mag paparaya. Sa akin nag simula ang hidwaan niyo. Sa akin rin matatapos ang labanan niyong ito. Kung sino man sa inyo si Neru. Humihingi ako nang kapatawaran sa pag pilas ko nang damdamin mo. Hindi ko sinasadyang mawala sa iyo si Aries. Masakit man sa akin na pakawalan ang mahal ko. Para sa kaligtasan niya at sa katahimikan mo. Ibabalik ko na siya sa iyo.  At Aries, Mahal ko ,huwag mong isiping binitawan na kita. Dahil kailan man hindi ko bibitawan ang pagmamahalan natin. Mananatili ka dito sa puso ko. Pero hindi ko kayang makita kang nasasaktan at nasusugatan. Ramdam ko ang hirap mo na ipaglaban ang para sa atin. Ngunit patawad, hindi kita kayang ipagtanggol. Mahinang tao lang ako. Mahal na Mahal. At kahit mawala man ako sa iyo. Huwag mong kakalimutang Ikaw Ang una at huling nilalang na minahal ko, mamahalin ko at paka mamahalin maging sa kabilang Mundo."  Umiiyak akong papa atras sa dagat.

There was a sea(M2M)[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon