Once There was a Sea
Theme: fantasy, love, bxb
The Cursed
Kung nakuha ni Neru si Adreane at nakilala ito. Hindi malayong mangyari na pati ang pamilya ko, malagay rin sa panganib.
Minahal ko Aries bilang isang tao at hindi ko tinitingnan ang kanyang pagiging kataw. Pinaliwanag na sa akin ni Aries ang maaring kahinatnan nito. Pero hindi ko alam na ganito pala ka delikado at mapanganib ang lahat.
Ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin. Wala na si Aries, hindi ko alam kung buhay pa siya o makakabalik pa ba siya sa akin. Ang tanging na sa isip ko lang ang kaligtasan ng aking pamilya.
Agad ako bumalik sa bahay,
"Pa , Ma mag impake na muna kayo. Doon muna kayo sa hotel pati ng mga kapatid ko." Pagmamadali ko. Nagulat sina papa sa agaran kong utos.
"Bakit nak,ano ba ang meron? Bakit ba tayo mag ho-hotel?" pag alala ni mama.
"Alam ko na ma, gusto siguro ni kuya na masolo itong bahay, kuya dito ba kayo mag ha-honey moon?" Sabat pa ng aking kapatid.
Sa totoo lang wala pang nakaka alam sa relasyon namin ni Aries sa pamilya ko. Dahil hindi ko alam kung kaya ba nilang tanggapin ang pinili kong deriksiyon. Ang alam lang nila may pinalit na ako kay Adreane. At babae ang dahilan kung bakit kami naghiwalay.
"Kung gayun, kayo na lang ng girlfriend mo ang mag hotel. Dito na lang kami. Duble gastos pa iyan. Ang dami kaya ng mga kapatid mo." Sabat pa ni papa.
"Sumunod na lang kayo pa, inaayos ko na ang lilipatan natin. Ibibenta na natin itong bahay. Sa ngayon sa hotel na muna kayo. Ako na bahala sa gastos." Sabi ko.
"Biglaan naman yata nak?, kakarating mo lang ah. Bukas na lang kami aalis, " may pag tataka na kay mama.
"Ngayon na po ma, nakatawag na ako sa hotel, na i-book ko na kayo." Pamimilit ko.
Napapayag ko rin ang pamilya ko na lumipat pansamantala. Natunton na ni Neru ang amin. Kaya alam kong, babalikan niya ako.
Hindi na ligtas ang mapalapit sa tubig. Malapit lang kasi ang bahay namin sa dagat, sa dagat kung saan ako tumalon noon para magpakamatay. Doon din ako unang nakita ni Aries. Ang hindi ko lang alam, kung alam ba ni Neru ang tungkol dito. Dahil kung alam niya bakit niya pa ako pinasunod sa lumang pantalan sa reclamation area na malayo sa amin.
Hawak hawak ko ang dalawang kuwentas na bigay ni Aries at Neru sa akin. Hindi na ito umiilaw gaya noong hinahabol ko si Neru. Hindi na rin ito umiinit sa aking mga palad.
Napapaisip ako noon kung bakit ibinigay ni Neru sa akin ang kuwentas. At bakit kaparehong kapareho ito sa kuwentas ni Aries. At kung bakit ba ito umiinit at umilaw.
Tangan ito, tinungo ko ang bangin na malapit sa dagat. Hindi ko rin alam kung ano ang ginagawa ko doon. Pero parang may kung anong bumubulong sa akin na pumunta roon.
Habang papalapit na naman ako sa may bangin nakaramdam na naman ako nang nakakapasong init mula sa kuwentas na bigay ni Aries sa akin. Maging ang isa pang kuwentas sa kamay ko ay nag sisimula na ring lumiwanag.
Tinanggal ko ang kuwentas sa leeg ko at isinilid sa lalagyan ng isa pa. Saka nag mamadaling tinungo ang bangin.
Tanaw ko na ang bangin at ang dagat. Nang bigla akong nakaramdam ng kaba.
Biglaan naman kumulimlim ang kalangitan at umihip ang napakalakas na hangin. Tanaw ko ang nag lalakihang mga alon sa ilalim na tila hinahalukay ng hangin.
Nakakatakot ang anyo ng mga alon sa ilalim na para bang mangangain ng sino mang mamalasing mahulog doon.
Nasa bingit ako ng bangin nang may nagsalita sa likod ko.
BINABASA MO ANG
There was a sea(M2M)[completed]
FantasyAng storyang ito ay umiikot sa dalwang magkasalungat mundo at lahi isang tao at isang kataw(sereno) -A fabled marine creature with the head and upper body of a man and the tail of a fish. Na nahulog ang loob sa isat isa, the main character are: Arie...