Page 7

114 11 0
                                    

Once There was a Sea
#PAGE7
Theme: fantasy, love, bxb

Beyond the Deep

Hindi ko na inabutan si Aries nang umalis ito. Alam kong may mali sa mga nangyayari. Pero ni hindi ko maipaliwanag kung ano.

Pabalik na ako sa taas ng bahay, nang sinalubong ako ng sampal ni Adreane. Nabigla ako. Nangingilid ang mga luha nito sa mata, at gigil na gigil sa galit.

"Kelan pa?! Kelan?! Matagal na ba? Totoo nga bang nawala ka lang noon? O baka naman sinadya mo talagang magtago dito kasama ng lalake mo?! Kaya naman pala aligaga kang bumalik dito at pumermi na. Dahil nandito pala ang hinahanap mo. Ang tanga ko lang at naniwala agad sa kwento mong hayop ka."

"Ano ba ang kasalanan ko babe, may nagawa ba ako sa iyong mali?"

"Huwag mo akong tatawaging babe,nasusuka ako. Bakit mo pa ako binalikan kung lalake rin naman pala ang gusto mo?! Ano? Para saktan ako? Para ipamukha sa akin na ako ang nang Iwan sa iyo noon at deserve ko na gaguhin nang ganito?! Ha ? Ganun ba?! Ok, congrats kasi nagtagumpay ka!"

Halos malusaw ako sa kinatatayuan ko sa mga sandaling iyon. Hindi ako makasagot kay Adreane. Hindi ko siya mapigil. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya sa bigat ng kanyang paratang.

"Nakita ko kayo, ang bababoy niyo. Hindi niyo man lang inisip na nandito ako. Na baka mahuli ko kayo sa mga landian niyo. O baka sinadya niyo talaga na doon gawin at ipakita sa akin. Masarap ba? Mas matamis ba ang laway niya? Mas magaling ba siya? "

"Babe sorry, let me explain."

"Tigilan mo na ang pagtawag sakin ng babe, nasusuka ako. Magsama kayong dalawa mga bakla!"

Iyon ang huling araw na nakausap ko si Adreane. Agad itong nakipaghiwalay sa akin na hindi man lang pinakinggan nito ang paliwanag ko. Pero bakit nga ba ako mag papaliwanag?

Nawala si Aries at iniwan naman ako ni Adreane. Gulong gulo ako sa mga sandaling iyon.  Minsan isang araw nagising na lang ako sa panibago na namang misteryong pangyayari sa Dapdap.

Nang araw na iyon nagulat na lang ako sa aking na diskubre, subrang tahimik ng buong paligid ng Dapdap. Wala doon ang lahat ng personnels ko. Walang tao sa aking floating resto, sarado ang aking bar at cafe , maging ang mga guest sa inn wala. Nakakabingi ang katahimikan sa paligid. 

Kagabi lang Puno pa ito ng mga ingay ng tao. Bakit ngayon tila inabandona na ang paligid. Kahit saan ko ibaling ang aking paningin wala talagang tao. Nag ikot ikot pa ako nang may napansin akong tao sa mga bangka malapit sa floating resto ko. Binilisan ko ang pag lakad para maabutan siya.

"Teka sandali!" Sigaw ko, at tumigil naman ito. Isa ito sa mga bangkero ko sa floating resto.

"Kuya, ano ba ang nangyayari? Bakit ang tahimik nasaan na ang mga tauhan dito? Ang mga guest?" Noong una hindi lang ako sinagot nito, at nakatingin lang sa akin. Ngunit naging matanong pa ako at makulit.

"Kuya,ano ba?... sagutin mo naman ako."

"Katapusan ng ugsad ngayon. At naroon ang lahat para sa pagtitipon. Kung wala ka nang tanong, mauuna na ako."

"Anong klaseng pagsagot iyan, hindi mo ba ako nakikilala? Ako ang may ari ng lahat dito sa Dapdap, at empleyado ka lang dito.  Ayusin mo ang tuno ng pananalita mo. At anong pag titipon? Ano ang ugsad?" Inis kong tanong.

"Marami ka pang hindi alam sa lugar na ito. Ikaw lang ang may ari ng mga bagay dito. Pero itong lugar na ito pagmamayari ng mas higit pa sa iyo." At tinalikuran lang ako ng bangkero. Sumampa ito ng bangka at pina andar ito.

"Ang bastos nito ah...hoy hintay saan ka pupunta?!" Mabilis itong tumulak pa laot. Naisipan kong sundan ito. Gamit pa ang isang bangka sinundan ko ang bangkero.

There was a sea(M2M)[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon