Page 11

95 9 0
                                    

Once There was a Sea

Theme: fantasy, love, bxb

Lost Part

Lumipas ang mga araw, naging buwan at hanggang sa taon na ang nag daan. Naglaho na lang na parang bula ang kuwento namin ni Aries.

Hindi ko pinapalampas ang mga araw na hindi napunta sa tabing dagat. Kahit saan ako mapunta, madalas nag hahanap ako ng malapit na dagat. At doon nag papalipas ng Oras. Nag babakasakaling masilayan ko doon si Aries. Ngunit wala na talaga

Sa paglipas ng mga araw, ang aming kuwento, ang aking karanasan sa mga kataw ay unti-unti nang naglalaho. Maging ang kuwentas na iniwan sa akin ni Aries ay nawawalan narin ng kinang.

Gusto ko nang sumuko. Ngunit habang natatanaw ko ang dagat , parang may bumubulong sa akin na kailangan ko pa mag hintay.

Ngunit kailangan ko ipag patuloy ang aking buhay.

Naisipan kong balikan ang lugar kung saan nag simula ang lahat. Binalikan ko ang Dapdap. Alam ko na sa sandaling bumalik ako roon, walang kasiguraduhan kung ano mangyayari sa akin.

Nag Plano agad ako. Nag handa at hinanda ang aking sarili.
Una kong binalikan ang dating bahay namin ni Aries. Balot na ito ng mga damong ligaw  at mataas na ang mga damu sa paligid. Tuklapan na rin ang mga pintura. Bakas na ang kalumaan ng bahay ,ngunit ang alaala sa bawat bahagi nito, ay parang kahapon lang.

Nagpatuloy ako sa bahay, nasa tapat ako ng pintuan nang may napansin akong kahinahinala. Basa ang door knob ng pintuan at may bakas ng tubig sa labas nito. Hindi pa tuyo ang bakas, na ibig sabihin bago pa lang iyon.

Pinihit ko ang door knob, at nagulat ako na hindi na ito naka lock. Kinabahan ako. Naisip ko bigla si Aries. Dali dali akong pumasok sa loob ng bahay at hinanap siya roon. Ngunit walang tao sa loob. 

Tinungo ko ang dati naming silid ,at lumakas ang kalabog ng dibdib ko sa aking nadatnan doon. Naka ayos ang lahat ng mga gamit namin sa loob. Ganitong ganito ito noong nandito pa kami ni Aries.

"Aries!" Pag tawag ko. Lumabas ako at tinungo ang kusina, ang lugar kung saan madalas kami nag ba-bonding noon.

Napa iyak na lang ako sa aking nakita. Maayos ang kitchen ,may nakasala pang takure sa lutuan na halatang kakagamiit lang. Lalong lumakas ang kutob ko na bumalik dito si Aries.

"Nandito si Aries" sabi ko sa sarili ko.

Sunod kong pinuntahan ang basement. Naka kalas na ang kandado roon. Hindi iyon binaklas, sadyang may nag tanggal talaga ng padlock, at kami lang ni Aries ang nakaka alam kung saan namin itinago ang susi bago kami umalis noon dito sa bahay. Kinakabahan ako sa maaring matagpuan ko roon, marahan kong inangat ang  pintuan.

Pagka baba ko pa lang ,naamoy ko na agad pamilyar na pabango. Lalong natuwa at nagalak ako. Ramdam ko ang presensiya ni Aries roon.

Napaka ayos ng loob, iyong alam mong may nakatira roon na nag aalaga ng silid. Lumapit ako sa kama namin. Bakas man ang kalumaan ng mga gamit pero alam mong may gumagamit nito.

Nang may napansin akong nakalabas sa ilalim ng unan. Kinuha ko iyon. Doon ko na kumperma na nandoon talaga si Aries, na bumalik siya roon.  Nandoon ang bracelet na ibinigay ko sa kanya noong unang anniversary namin na may naka ukit pang pangalan namin sa plate ng bracelet.

Nasa ganun akong tagpo nang may narinig akong kalabog sa taas. Agad akong bumalik sa taas. At doon nagulat at natigilan ako. Bumuhos na ang luha ko sa mata.

"Aries?" Nasabi ko nang makita ko itong nakatayo sa harapan ng basement at may hawak na palakol.

"Sino ka? Anong ginagawa mo sa silid ko? Tanong nito sa akin na tila hindi ako nakikilala.

There was a sea(M2M)[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon