"Miyara, pwede ba tayong mag-usap?"
Napabalikwas si Miyara mula sa pagtitig sa altar ng university chapel nila. Hay, baka may na-weirdo-han na sa pagde-daydream niya. O pag-ooverthink ng mga pinag-usapan nila ni Delly. Hay, erase! Erase! Pagod na pagod na ang utak niya, nagsho-short circuit na. Hay. Baka may mga bagay talaga na kaya lang naman mabigat, dapat na niya kasing bitawan.
Napatingin siya sa tumawag sa kanya. Parang namumukhaan niya pero hindi niya matantiya. Maputi, maganda ang mata, makapal ang kilay...
"Valerie?"
Napatawa ang babae saka nilahad ang kamay. "Valens. Valens ang name ko."
Nakipagkamay naman si Miyara. "Ikaw yung girl sa parking lot 'di ba? Bakit ka nandito?" Parang nalaglag naman ang balikat ng babae. "Hindi, I mean. Bakit mo 'ko gustong makausap?"
Tumingin ito sa glass door ng simbahan. "Ahmm, pwedeng sa labas tayo mag-usap? Tapos ka na bang magdasal? Sorry to interrupt ah."
Tumango na lang si Miyara at nagsimula nang maglakad. Kung anuman ang pakay nito, maganda nang malaman na niya para matapos na agad. Mukha namang wala itong balak makipag-away. Sige, pagbigyan.
Naupo sila sa isang table laan para sa mga consultations, mentoring sessions or simpleng mga bagay na kailangan ng masinsinang usapan. Syempre hula lang iyon ni Miyara. Napatawa siya ng konti. Sa consultations, bawal mambagsak yung prof kasi makokonsensiya iyon. Kaharap si Lord habang possibly, humahagulgol yung estudyante. Hahaha. Baka bigla niyang kainin yung mga sinasabi niya. Napakatok tuloy siya sa kahoy na upuan.
Parang awkward pa rin sa kanya si Valens kaya si Miyara na ang nagsimula. "Hello. Formally, gusto kong magpakilala. Ako si Miyara. Second year, Mass Comm. I think magka-batch tayo. Well, anyway, if you don't mind, can we go straight to the point?"
Huminga ng malalim si Valens bago nagsalita. "Actually, Miyara, medyo personal itong mga itatanong ko. Okay lang ba sa 'yo na pag-usapan si..."
Tumaas ang kilay ni Miyara. Sino pa nga ba. "Si Asce?"
"Ahmm, oo." Nakikiming sagot ni Valens. Napaisip saglit si Miyara. Mag-oopen-up na naman siya tungkol kay Asce. Matagal niyang iniwasan ang mapunta sa puntong ito. Noong isang linggo, kay Delly. Ngayon, kay Valens na hindi naman niya halos kilala. On the other hand, what harm can it really cause? Baka naman kinakatakutan niya, hindi naman dapat.
"Sure. Ano bang gusto mong malaman?"
Tumingin sa mga mata niya si Valens.
"Gaano mo ba sinaktan si Asce?"
Nasamid yata si Miyara sa narinig niya. Wow, thank you for that very beautiful question. Keep it up! Natawa si Miyara. "Hindi ko yata masasagot iyang tanong mo. Meron pa bang iba?"
"Bakit hindi, Miyara?" Seryosong tanong ni Valens.
Napakunot naman ang noo si Miyara. Hindi niya makuha kung anong nais palabasin ng babaeng kaharap niya. Seryoso na rin siyang tumingin dito. "Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong mo. Hindi ko maintindihan."
Nakipagsukatan na ito ng tingin sa kanya. "Hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi mo masagot. Bakit ba hindi?"
Nagagalit na siya. "Bakit oo, Valens?" Matigas na ang bawat salita sa pagbigkas niya. "Nasusukat na ba ang feelings sa sentimetro? Sa litro? Sa kilometro? Paano ko masasagot kung gaano ko sinaktan si Asce! Kinakailangan ko bang sukatin? Kailangan mo ba ng statistical percentage?!"
Kalmang tumingin sa kanya si Valens. "Hindi, Miyara. Hindi ko intensiyong makipaglaban."
Tumingin si Miyara sa kawalan at hindi na sumagot. Mukhang wala ng patutunguhan ang usapang nilang ito.
BINABASA MO ANG
"Supposedly a Summer Love"
Teen FictionSummer 2013 ang dapat dabest summer para kay Miyara dahil sa wakas ay pinayagan na siyang mamundok ng mga magulang niya mag-isa. She has been a city girl all her life and she is really curious on what it is like to live in a province. Hindi naman si...