Hell ang Bleeptest para sa karamihan and actually, personal hell rin ito kay Miyara kahit favorite PE activity niya ang running. Anyway, on the same day ginaganap ang Bleeptests ng lahat ng Monday-Thursday PE class; the next day naman yung mga Tuesday-Friday.
Mine-merge yung classes para madaling matapos and at some point sa university, nagiging place ito to show off. Sa mga babaeng nakaka-Level 8 pataas, nakakahanga yun! At sa mga boys namang nagiging Last Man Standing--Last Man Running, actually-- plus 1000 pogi points yun! Mahilig manood si Miyara ng mga Bleeptests kapag free time niya para i-cheer ang mga kakilala niya and habit na rin niyang maging crush for a day yung lalaking gumagawa ng record. By now siguro, meron na siyang mga 37 Bleeptest crushes.
Madali lang ang mechanics ng isang Bleeptest. May isang speaker amplifier na pakikinggan. Mga twenty meters ang dapat takbuhin each shuttle. Parang sa court ng basketball, may endlines. Kailangang ma-reach mo lang yung isang endline then go back to another, shuttles na yun. Yung speaker yung magsasabi kung dapat ka na bang magstart for another shuttle at kung pang-ilan na yung nagagawa mo. On average, may 8 shuttles per level. Sa una, mabagal pa lang kaya pwede pang maglakad or mag-jog pero bumibilis as level increases kaya mas mabilis mo na dapat na maabot yung endline. Takbo na ang gagawin mo dun if hindi pa sprint. Run as long as you can at out ka na kapag hindi ka nakatakbo sa other endline sa time na sinabi ng speaker.
Magulo ba? Actually, tumakbo ka lang ng pabalik-balik hanggat matuyo ang laway mo, makaramdam ng ngatog sa tuhod, hindi makahinga, at makakita ng stars sa ulo. Yun lang yung very essence ng Bleeptest -- ang pahirapan ka.
Naaalala nga ni Miyara noong freshman siya at unang sumabak sa Bleeptest. Level 2 lang naabot niya! At hindi na siya makagalaw nun ah! Pero natutunan naman niyang consistent training lang ang kailangan. Kapag nakondisyon ang katawan mo sa everyday jogging, mas tatagal ka pagdating ng Bleeptest. Actually nakaka-Level 7 din si Miyara minsan. Pero kapag nakakapag-prepare lang siya nun.
Pang-apat na Bleeptest na this sem at nangangatog pa rin sa kaba yung mga freshmen niyang kasama. Kinukuwento niya yung experience niya na literal na "Started from the bottom, now we're here" at nabubuhayan naman ang mga ito sa sweg niya.
Sinipat ni Miyara ang relo niya. 10:20AM. Wala siyang klase ng oras na ito kaya papanoorin niya sana si Gardo sa Bleeptest nito. Hindi naging clear yung deal nila kahapon pero nangako itong gagawin ang best anuman ang mangyari para sa kanya. Nambola pa.
"Baka naman hindi mo na 'ko crush kapag hindi ako ang naging winner."
Oo na. Lantad na ang pagiging Maria Clara niya. Pero at least gusto niya ang feeling na kinikilig siya ngayon. Okay na yun.
Nakipagkuwentuhan muna siya sa coach niya last sem na ka-close niya. Tutal maaga pa naman.
"Sus," sabi ni Coach Jam. "Peke lang naman 'yang benda mo."
Nakabenda pala ang paa niya. Kaya excuse siya sa Bleeptest ngayon. Bwahahahaha!
"Ay nako, Sir," sabi niya. "Honesto ako! Kung alam ko lang na effective pala ito sa inyo, sana ginawa ko na 'to dati."
"Eh ba't ka pa nandito?" tanong nito. "Hindi ka naman magbi-Bleeptest ah!"
"Papakasalan ko kasi yung Last Man Standing sa batch na 'to."
Tumawa ng malakas si Coach Jam. "Talaga?"
"Oo nga, Sir! Kahit magninong ka pa."
"Ikaw, ang Queen of Exorcism," sabi nito. "Wait, inaya ka ba?"
"Ang Bleeptest na ito ang magdedetermine ng oo ko." Nginitian niya ito. Ang sarap talaga makipagbiruan dito minsan. Syempre joke lang ang iniikot ng usapan nila. Hindi niya pakakasalan si Gardo. Ibibigay lang niya ang number niya.
BINABASA MO ANG
"Supposedly a Summer Love"
Teen FictionSummer 2013 ang dapat dabest summer para kay Miyara dahil sa wakas ay pinayagan na siyang mamundok ng mga magulang niya mag-isa. She has been a city girl all her life and she is really curious on what it is like to live in a province. Hindi naman si...