Chapter 13: Meet My Parents

11 2 0
                                    

"O anak, parang blooming ka ah."

Nangiti si Miyara sa sumalubong sa kanya pagbaba niya ng hagdan. Agad siyang tumakbo palapit dito at niyakap ito ng mahigpit.

"Mama!" Mangingiyak niyang sabi. "Nakauwi ka na!"

Inayos-ayos ng nanay niya ang buhok niya. "Dapat minsan hindi anti-dandruff shampoo ang ginagamit mo. Oo, anak, kaninang umaga lang. Halika, almusal na tayo!"

Sobrang saya ni Miyara. Sa wakas, nandito na ang mama niya. May pamilya na ulit sa kwento niya. Hindi puro school, friends at potential lovelife ang umiikot sa sirkulasyon niya. Professional make-up artist sa mga shooting ng pelikula ang mama niya. Ang huling trabaho nito, six months sa Baguio, Pangasinan at kung saan-saan. Stay-in ito ayon sa kontrata kaya hindi nakakauwi sa kanila. Muntikan na ngang maghiwalay ang mga magulang niya dahil tutol ang papa niya sa mga plano ng nanay niya.

"Good morning, sweetie!" Tumayo ang mama niya para salubungin ang inaantok pang Papa niya. Nagulat ito pero gumanti rin ng yakap kay Mama. Syempre, miss na miss nito ang isa't isa. Hinanda naman ni Miyara ang mesa para sa Papa niya.

"Salamat, Ara," sabi ng Papa niya pagkahain niya ng pagkain.

Nagsimula na silang kumain. Namiss niya rin ito. Yung may kasama sa pagkain sa bahay. Busy ang papa niya kaya madalas hindi rin sila nagkakakitaan sa bahay nitong nakaraang anim na buwan. Maaga itong umaalis tapos palagi ring overtime. Minsan, tinanong niya ito kung bakit at sabi nito, para raw makalimutang wala si Mama. Nalulungkot siya pero inintindi niya ang sitwasyon. Iniiwanan lang siya ng pera para mag-almusal sa labas, tanghalian at minsan, pati hapunan na rin.

Only child siya kaya dapat close siya sa mga magulang niya. Yun ang tipikal na setup ng isang small family. Kabaliktaran ang nangyari sa pamilya niya. Iisa lang siyang anak kaya siya na rin dapat ang bahalang bumuo sa sarili niya. Minsan, nakukuntento na rin siya. Yung iba nga, wala na talagang mga magulang.

"Ang sinasabi ko rito kay Ara," wika ng Mama niya sa Papa niya. "Blooming siya eh! May nalalaman ka bang boyfriend na nito?"

Nakangiting tumingin sa kanya ang Papa niya. Namiss din niya ang ngiting ganito ng Papa niya. "Wala namang nasasabi sa akin. Pero mukha ngang meron!"

"Wala po ah!" Nagpapanic niyang tanggi kahit natatawa. Six months ago, pinagtutulungan din siya sa boyfriend issue na ito. "Mabait na bata po ako!"

"Alam naman naming mabait ka, anak," sabi ng Mama niya. "Pero hindi rin masama ang kiligin sa edad mo. Mag-e-eighteen ka na. Dalaga na ang Madam Baby namin."

Napaisip si Miyara. Kung sa lovelife, dalawa lang ang na-involve sa buhay niya bukod kay Zac Efron at Liam Hemsworth. Isang A at isang G. Ano kayang ikukwento niya sa parents niya?

Tumingin siya sa mga ito. "Pwede na ba akong magboyfriend, 'Ma, 'Pa?"

Nagkatinginan ang parents niya. May spark talaga kahit nasa nearly forties na! Daig pa ang Kathniel at Jadine kung magpakilig! Si Mama niya ang nagsalita.

"Pwede, hanggat alam namin ang bawat detalye."

Hindi ba masyadong mabilis, 'Ma?" tanong ni Miyara habang nagbabalat ng patatas para sa menudong hapunan nila ngayon. "Parang nung isang araw lang kami nagkakilala."

Umiling ang Mama niya saka pinagpatuloy ang paghalo sa niluluto. "Hindi 'yan, anak. Alam mo, ganyan din kami ng tatay mo dati."

Nanlaki ang mata ni Miyara. "Hiningi rin po niya ang number niyo?"

"Hindi uso ang telepono noon," sabi ng Mama niya. "Kinuha niya kung saan ang school ko, section at course ko. Araw-araw niya akong pinuntahan."

Hindi nakwento ito ng Mama niya sa kanya. Pero kinikilig na agad siya! "Anong nangyari, 'Ma? Ang effort nun ah!"

"Effort talaga!" proud na sabi ng mama niya habang nagpiprito naman ng paboritong tilapia ng Papa nila. "Magkaiba kami ng university noon. Nagkakilala lang kami nung nag-Interschool ng basketball ang tatay mo sa university ko. Tapos nag-cheerleader ako."

Natawa si Miyara. "Ang cheesy naman ng story nyo, 'Ma! Posible pala yang mangyari. Parang once in a blue moon na 'yan ah."

Hinarap siya ng mama niya. "Ganun talaga ng hiwaga ng pag-ibig, anak. Sobrang lawak ng sakop, sobrang tindi ng epekto. Isipin mo, substitute player lang siya nun dahil nagtatae yung isa nilang player. Sobrang unexpected din na siya ang makakatuluyan ko kasi biruin mo, mga Ace player lang naman ang mga nanliligaw sa 'kin. Kaya dapat..."

"Dapat po ano?" tanong ni Miyara.

Ngumiti ang Mama niya sa kanya. "Hindi mo pinipigilang pumasok at manggulo sa buhay mo ang pag-ibig. Dapat pinapatuloy lang 'yan. Kahit kailan, hindi pagsasarhan ng pinto."

Ngumiti rin si Miyara. Pero naisip niya ang ultimate fear niya. "Paano po kapag nasaktan, 'Ma?"

Mabilis na umiling ang mama niya. "Kahit masaktan ka, kapag nagmahal ka ng buo at totoo, mapapatunayan mong ang pag-ibig pa rin ang pinakamagpapasaya at magbibigay ng kahulugan sa buhay mo. Alam mo, ako, sobrang bobo ko noon. Sobrang tamad pa."

Kumunot ang noo ni Miyara. Anong kinalaman? "Ho?"

Tumawa ang nanay ni Miyara. "Sa Physics subject ko noon, nangopya lang ako buong semester. Lahat---quizzes, seatworks, long tests, pati midterms at finals, kinopya ko lang 'yun!"

Hindi pa rin maintindihan ni Miyara. "Tapos po?"

"Yung tatay mo pala, student council sa university nila," napapalatak na sabi ng mama niya. "Against siya sa corruption, ganun, mga anomalya ng estudyante. Kasama ang cheating. Pinagbantaan akong isusuplong kung hindi raw ako magpapatutor sa kanya."

Ah. Parang nakukuha na niya. Hindi mapigilang mangiti ni Miyara. "Tapos po?"

"Ayun, naging required na magkita kami araw-araw." Hinahango na ng mama niya ang mga naprito. "Ginamit pa yung blackmail para lang mahulog ako sa kanya. Neknek niya kamo! Pero dahil dun, nainspire akong magbuklat ng libro ng Physics kahit konti. Nagkusa na akong magself-study para kapag nagkikita kami, proud siya sa akin."

Tiningnan ni Miyara ang Mama niya. Kumikinang ang mga mata nito habang nagkukwento. Sobrang ganda ng Mama niya. Lalo siguro kapag ganitong inlove ang aura nito.

"Noong sinagot ko siya," patuloy ng mama niya. "Parang ako pa yung mas masaya. Parang siya talaga yung blessing para makatres man lang ako sa mga subjects ko. Siya at ang pag-ibig niya ang nagturo sa aking maging pinakamabuting taong pwedeng maging ako. Nagkandaleche-leche pa rin ang ilang parte ng buhay ko noon," ngumiti ng matamis ang mama niya. "Pero nakuha kong tanggaping okay na, ayos na kung hindi perpekto lahat sa buhay ko. Kumpleto naman yung pumupuno ng puso ko."

"Ang ganda po pala ng istorya niyo, 'Ma," sabi ni Miyara.

"Basta yun lang ang tatandaan mo, Miyara," sabi ng mama niya. "Papasukin mo ang pag-ibig sa 'yo kasi walang ibang idudulot 'yan sa 'yo kundi ang mas maging mabuti kang tao. Huwag ka ng mag-isip kung masasaktan ka, kung hindi ka pa handa. Ang maganda, pagbigyan mo lang." Nagwink ang mama niya sa kanya. Teen Queen talaga! "Let's see what happens."

Tumango si Miyara. Mothers know best talaga. Niyakap niya ang Mama niya.

"Ano, teka. Pag-usapan nga natin si Gardo. Siya lang naman, 'di ba?"


A/N: Sorry guys, ngayon lang yung characterization ng family ni Miyara huhu Forgive me :((( COMMENT KAYO!!

"Supposedly a Summer Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon