"O trending topic ka na naman."
Nagpatuloy lang sa paglalakad si Miyara habang binabalewala ang mga babaeng biglang nagbulungan ng dumaan sila ni Delly. Kanina pa may kinukwento sa kanya si Delly na mga naririnig nito sa umpukan ng mga chismisan, but she is shrugging all of it off.
"Ikaw, Delya," sabi niya rito, "ang may sabing huwag ko silang pag-aksayahan ng laway, effort, panahon at ano pa nga yun isa?" tanong niya rito atsaka naalala ulit. "Anion! Ayun, mga positive ions! Yung sa Chemistry!"
Nagthumbs up sa kanya si Delly. "At si Gardo?" hirit nito.
Sumagot siya agad. Napag-usapan na nga nila ito, ang kulet. "Huwag pag-aksayahan ng tears."
"Tama!" ngiting-ngiti si Delly habang lantarang iniirapan ang ilang mga hipon na masama ang tingin sa kanila. Sinabayan pa ni Delly ng mga bulong na
"He's not worth it."
"Kulugo siya."
"Kulugong-kulugo."
Nangiti na rin si Miyara. After all, feeling niya hindi siya ang nawalan sa nangyari. Ibabato niya kay Gardo -- oops, bad word -- ang line ni Ai Ai Delas Alas:
IRAN, Gardo! IRAN! Ikaw Rin Ang Nawalan! Bwahahahaha!
Tapos na ang lovestory nila sa JAPAN Just Always Pray At Night o PARIS o FRANCE. Wala na siyang pakialam, hindi naman siya makakapunta sa mga lugar na yun. Sa Iran na lang, para feel na feel oa niya at dun siya magbibitter. Iran, Gag*!
Umupo sila ni Delly sa ledge ng EU Garden sa tapat ng Room 104 habang hinihintay matapos ang klase bago ang Math102 nila. Siniko siya ni Delly. "Uy pero okay ka na talaga?"
"Oo naman," sabi niya saka nagbasa ulit ng notes. Totoo yun. Mas maluwag na ang paghinga niya ngayon.
Napatango-tango si Delly. "Two weeks ago, kinantahan ka pa niya noh. Ngayon, break na kayo. Ang bipolar talaga ng love."
Tiningnan niya si Delly. Parang may ibang pinaghuhugutan ito pero hindi na siya nag-usisa pa. "O ikaw? Kamusta ka ba? Hindi tayo masyadong nagkita these past few weeks ah."
Nagkibit-balikat lang si Delly. Parang wala naman itong balak magpaliwanag sa pagiging MIA nito sa kanilang dalawa. "Naghahanap kasi ako ng lalaki. Wala pa ring swerte eh."
Hinagod niya ang likod nito ng pa-joke. "Tama na kasi, Delly. Hindi ka pa ba natututo sa mga experience ko sa lalaki? Enjoyin na lang natin ang pagiging single!"
Tinaas niya ang isang kamay para makapag-apir dito. Hindi ito nakipag-appear. Bagkus, tumingin lang ito ng seryoso sa kanya. "Tapos na ba talaga kayo ni Gardo?"
Tumawa siya ng pangbruhilda. "Oo naman! Tapos na tapos na!"
Hindi nakitawa si Delly sa kanya. Nagulat siya sa anyo nito. "So pwede ko na siyang mahalin?"
Wala sa loob na tumango si Miyara. Malamang bagong boylet material lang ni Delly. "Oo, pakisapak na rin ah. Alam mo naman kung gaano yun katarantado."
Doon umapir sa kanya si Delly. Hashtag medyo weird.
♡
"Bakit ba hindi mo 'ko makuhang sundin ngayon? Bakit aalis ka pa rin?"
Napatakbo si Miyara sa gate ng bahay nila. Hindi kalakihan ang bahay nila pero malayo pa lang siya, rinig na rinig na niya ang boses ng Papa niya. Galit. Sumisigaw. Nanginginig niyang pinipihit ang bukasan ng gate.
Saka niya narealize na wala siyang nagagawang matino kapag natataranta siya. Tumigil muna siya at huminga ng malalim. Pinunasan nanrin muna niya ang luha niya bago tumakbo sa sala. Nakita niyang umiiyak ang Mama niya.
Nilapitan niya agad ito. "Mama! Mama, anong nangyari? Ma!"
Hindi sumasagot ang mama niya. Umiiling lang ito habang umiiyak. Naiiyak na rin siya. Ngayon lang niya nakitang ganito ang estado ng nanay niya. Lagi itong masaya sa tuwing nakikita at nakakasama niya ito.
Hinanap niya ang papa niya.
"Ma? Nasa'n si Papa?" tanong niya rito at akma ng tumayo. Pero pinigil siya agad ng Mama niya at patuloy lang na umiling.
Pati Papa niya, ngayon lang niya narinig magtaas ng boses. Ngayon, mama niya pa ang sinigawan nito. Nag-aaway ang mga ito pero sa iisang dahilan lang at never pang ganito katindi.
Niyakap niya ang maa niya saka bumulong dito. "Ma, okay lang 'yan. Tama na, maaayos din natin ito. Tungkol lang naman ito sa trabaho mo, 'di ba? Maaayos din po agad 'to."
Medyo kumalma na ang mama niya at hinarap siya. "Ara, galit na galit ang papa mo. Hindi na ito simpleng away lang. Parang ayaw naniyang makinig sa akin."
Umiling si Miyara. Maaayos ang lahat, naniniwala siya. "Ma, bakit? Aalis ka na naman ba?"
Yumuko ang mama niya. "Kailangan kong gawin ito, anak. Hindi na lang ito basta trabaho."
Hinawakan ng mama niya ang kamay niya. Kahit paano, naiintindihan niya rin ito.
Tumingin sa kanya ang mama niya. "Buhay ko na 'to, anak. Parte ng buhay ko. Hindi ko na gugustuhing isakripisyo ulit." Naiiyak na naman ang mama niya.
"Mama," sabi niya rito, "hindi mo kailangang magsakripisyo. Mapagkakasunduan niyo iyan ni Papa."
"Ang gusto niya, tumigil na ako."
Natigilan si Miyara.
"Alam mo anak, pangarap ko na ito. Ngayon lang darating ang ganitong opportunity. First time ko lang namang mangingibang-bansa dahil nakuha ako ng sikat na talent agency sa Japan. Pero ayaw pumayag ng papa mo."
"Ano bang sabi niya, Ma?"
Malungkot ang mukha ng mama niya nang magsalita. "Natatakot pa rin siya hanggang ngayon, gaya ng mga takot niya seventeen years ago."
Napakunot ng noo si Miyara.
Seventeen.
Seventeen years ago.
Taon na ipinanganak siya.
"Ano pong mga takot niya?"
"Noong bago kita ipinagbuntis, anak, ginawa kong trabaho ang pinakagusto ko."
Huminga ng malalim ang mama niya. Lungkot na lungkot ito.
"Ang modeling. In demand na ako sa mga commercials noong mga panahon na iyon at noong ipinanganak kita, gusto kong ipagpatuloy iyon. Ayaw na ayaw na ng papa po iyon, kasi baka mabulag daw ako at ipagpalit siya bigla. Kasalanan ko rin kung nawala ang tiwala niya sa akin kasi nagkaroon ako ng isang fling noong once na napunta ako sa malayong lugar. Pero mahal ko ang papa mo,"
Tumutulo na ang luha ng mama niya. Awang-awa na siya rito.
"Hindi ko siya ipagpapalit kahit kanino. Kasal na ako sa kanya noon at para hindi kami maghiwalay, pinili ko na lang maging stylist. Pero ganun pa rin ang nature ng trabaho ko. Busy kaya hindi na ako nakapanganak ulit. Ngayon, may nag-alok sa aking magmodel sa isang sikat na fashion company at talent agency. One year contract sa Japan."
Isang taon. Halos isang buwan pa lang ang mama niya sa kanila, aalis na naman ito para sa panibagong isang taon.
Niyakap niya ang Mama niya. "Ma, mapag-uusapan niyo ito ni Papa. Kakausapin ko rin siya. Pero Ma," nagmamakaawang tumingin si Miyara sa mama niya.
Hindi niya pinagdududahang mahal sila ng mama niya. Pero baka kaya sila nitong ipagpalit sa pangarap nito.
"Hindi mo kami iiwan ah? Kami ni Papa. Mahal mo kami, 'di ba?"
Umiiyak na tumango ang mama niya. "Oo, anak. Mahal na mahal."
☆
A/N: Comment po kayo plss if you're reading!! Kahit isang tuldok lang hahahaha! And VOTE din po plss <3 :))) Thank youu po
BINABASA MO ANG
"Supposedly a Summer Love"
Teen FictionSummer 2013 ang dapat dabest summer para kay Miyara dahil sa wakas ay pinayagan na siyang mamundok ng mga magulang niya mag-isa. She has been a city girl all her life and she is really curious on what it is like to live in a province. Hindi naman si...