Nakaka-twenty three laps na siya ngayon sa Oval. Isang buwan na rin mula noong nagkasagutan sila ni Asce. At isang buwan din ang inabot bago siya makabalik sa building na ito. Sinubukan din niya nung mga sumunod na araw, pero naging napakahirap sa kanya. Nag-eecho ng paulit-ulit sa isip niya yung mga sinabi ni Asce.
"Bakit, Miyara? Anong alam mo sa pakiramdam ng nasasaktan?"
"Hindi ba ikaw ang nagsabing kalimutan kita kasi hindi ako bagay sa 'yo!"
"Pa'no mo nasasabing magsorry ako gayong hindi mo ibinigay yun sa 'kin dati?"
Ipinilig niya ang ulo. Mas sumasakit ang ulo niya sa pagko-connect the dots ng mga nangyari sa buhay niya kaysa sa mga binti niyang halos sumusuko na sa pagtakbo. Sa pag-iwas niya ng isang buwan na mabalikan ang insidente, ngayon kailangan niyang mag-cram para sa PE requirements niya. Tama. Dapat mag-focus muna siya. Sabi nga sa Broken Vow, there is more to life than only bitterness and lies.
"Uy!" sigaw sa kanya ni Delly mula sa malayo. "Bakit ka tumigil?"
Nabalik siya sa real world. Sumulyap siya sa timer niya. Nadagdagan ito ng ten minutes. "Pahinga lang konti!" sigaw niya pabalik kay Delly.
Naabutan siya ni Delly at sinabayan siya sa paglakad. "Alam mo, para kang lutang simula pa nung isang buwan."
Nagulat siya. Ganun na ba talaga siya ka-transparent? "Malapit na kasing mag-Finals week, Delly. Natural lang na lutang lahat."
Tumango-tango si Delly. "Tama ka dyan. Hmm."
Hay, salamat. Lusot na siya. Pero biglang humirit si Delly.
"Pero iba pa rin eh."
Tumigil muna si Miyara saka umupo at nagstretching. Sasabihin na ba talaga niya? Bahala na. "Naaalala mo yung kinuwento ko sa 'yong first love ko sa Bicol?"
Umupo na rin si Delly. At konting napapikit. "Wala akong maalala."
Hay. Baliw talaga itong si Delly minsan. "Yung kinuwento ko sa 'yo nung first year tayo! Yung guwapong-guwapo na nakilala ko for summer."
Mukha namang nakuha na ni Delly. "Ah! Si Summer Hubby! Yung super yummy?"
Tumango si Miyara.
"Yung hindi na kapani-paniwala sa kuwento mo kasi perfect dream guy ever! Napaka-gentleman, inalagaan ka, pinagtanggol ka, sinigurado lagi na masaya ka!" Nag-spark ang mata ni Delly. "Aba, oo! Naaalala ko siya! Para siyang si Superman na Prince Charming tapos bonus kasi tall, dark and muwa muwa pa! Hay, sana makakilala rin ako ng tulad niya!"
"Nandito siya," halos pabulong na sabi ni Miyara.
Bumaling sa kanya si Delly na nakakunot ang noo. "Ha? Anong sabi mo?"
Nagpatuloy na lang sa pagstretch ng hamstring niya si Miyara. "Nandito siya ngayon. Pwede mo siyang makilala."
"Hala, nasaan?" Umikot ang mata ni Delly sa Oval. "Tayo lang naman nandito ah."
Napatawa si Miyara. Muntik na niya itong batukan. "I mean, nandito siya sa University."
"Ah, okay," simpleng sagot ni Delly.
"Anong okay?" tanong ni Miyara. "Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung sino?"
Hinarap siya ng kaibigan. "Alam mo, pabebe ka eh. Malaki ka na, ikaw na dapat ang kusang magsabi. Hindi yung paligoy-ligoy ka pa dyan---"
"Si Asce." Parang bombang binagsak ni Miyara ang pangalan ng pinag-uusapan nila. Napanganga naman si Delly. Tsaka umiling-iling.
"Hindi ako naniniwala," natatawa pa nitong sabi. "Baka may gusto ka lang dun."
Parang napahiya naman siya ng konti. "Maniwala ka, Madam D. Si Summer Hubby at si Asce ay iisa."
Tumaas ang kilay ni Delly. "Bakit hindi tayo pinapansin?"
"Kasi sabi ko, kalimutan na niya ako."
"Bakit?"
"Kasi kailangan ko siyang hiwalayan."
"Bakit?"
"Kasi mahihirapan kaming pareho."
"Bakit?"
"Kasi taga-Maynila ako at taga-Bicol."
"Bakit?"
"Kasi doon kami pinanganak?" Nakukunot ng sagot ni Miyara. "Hindi ko na alam. Para kasing meant to be kami na hindi. Parang tinadhana na hindi rin."
"Bakit?"
"Kasi minahal ko siya."
"Bakit?"
"Kasi minahal niya ako."
"Bakit?"
"Kasi sabi niya, binago ko raw ang depinisyon ng summer niya. Kasi marami raw nirereto at lumalapit na babae sa kanya pero baka raw kaya hindi niya tinanggap kasi hinihintay niya raw ako. Ako raw yung soulmate niya. Yung takip sa kaldero, yung puto sa dinuguan, yung perfect match sa kanya."
"Bakit?"
Napabuntong-hininga si Miyara. "Hindi ko rin alam eh. Parang ang hirap nga paniwalaan kasi saglit pa lang naman kami nagkakilala pero ang sabi niya noon, hindi raw siya naging mas masaya pa sa buhay maliban kapag kasama niya ako. Akala ko nambobola lang siya noon at nagamit na niya yun sa iba pang babae. Pero nung umalis ako," malungkot na tumingin si Miyara sa kawalan. "Parang dun ko lang napatunayan na dapat pala nag-stay ako."
Tinapik ni Delly ng mahina ang likod ni Miyara. Pero nagpatuloy pa rin. "Bakit?"
"Kasi tulad ng sabi niya nun, hindi naman daw lahat ng nangyayari sa summer, natatapos lang sa summer."
"Bakit?"
"Gagawan daw niya ng paraan. Magsasakripisyo siya."
"Bakit?"
"Kasi naniniwala raw siya na may point na lumaban."
Tumingin sa kanya si Delly. Seryoso. "Nagkamali siya noh?"
Si Miyara naman ang nagtanong. "Bakit?"
"Kasi pinatunayan mo na walang point. Alam mo, okay lang naman talaga lumaban eh. Pero mahirap kapag mag-isa lang." Ngumiti ng malungkot si Delly. "Habang pilit na lumalaban si Asce, inihagis mo na ang puting tela at ipinatalo ang laban. Sana lang Miyara sa ginawa mong pagsuko, nalaman mo ring tinapos mo na ang sa inyo ni Asce. Na hindi mababalikan kasi hindi na rin worth pa ng isang rematch."
☆
BINABASA MO ANG
"Supposedly a Summer Love"
Ficção AdolescenteSummer 2013 ang dapat dabest summer para kay Miyara dahil sa wakas ay pinayagan na siyang mamundok ng mga magulang niya mag-isa. She has been a city girl all her life and she is really curious on what it is like to live in a province. Hindi naman si...