"Bitawan mo'ng girlfriend ko!"
4:30pm. Darating si Gardo. Paanong nakalimutan ni Miyara ang tunay na pakay niya? Tumayo siya at lumapit kay Asce na may dugo na sa gilid ng labi. Umawat siya sa mga ito.
"Gardo! Tama na!" Parang tangang awat niya. Kulang ang sigaw niya sa kapal ng tensiyon sa paligid.
Pinalibutan agad sila ng maraming tao. May humahawak na sa braso ni Gardo para hindi na uli ito makapanuntok. Galit na galit ang mga mata nito.
"Nagta-tryout yan, Gardo! Huwag mong patulan!" Isang lalaki.
"Baka kaibigan lang yan ni Nagaraya! O baka pinsan pa!" Isang lalaki.
"Malandi lang yang babae! Tipikal na two-timer!" Isang babae.
Tumingin ang tingin ni Miyara sa pinagsasabi ng mga tao. Wala siyang pakialam sa mga ito. May lumapit sa kanilang coach at pinaghiwa-hiwalay na ang lahat.
"O magsibalik na kayo! Magreresume na ang tryout!" announce ng coach. "Inocencio, mag-uusap tayo mamaya. O balik na lahat, sa bleachers, sa court! Move!"
Naglakad na si Asce papuntang court. Hindi na ito lumingon sa kanya. Nilapitan niya si Gardo. Marahas na hinawakan nito ang braso niya at kinaladkad siya palayo sa bleachers.
Nagpumiglas si Miyara. "Bitiwan mo ako, Gardo! Masakit yang ginagawa mo!"
Nakapunta sila sa part na malapit sa hagdan. Malayo sa court kaya walang tao. Nagsimula na ulit ang tryouts. Focused na, hopefully, ang mga tao sa basketball at hindi sa kanila.
Binitawan na nga ni Gardo ang braso niya. Pero matalim ang tingin nito sa kanya. "At alin ang hindi masakit? Yung pakikipag-PDA mo?"
Natigilan siya. Usapang feelings na naman. "Ano bang pakialam mo? Ha? Nagseselos ka ba?"
Biglang lumambot ang mukha ni Gardo. Putris, sabi na nga ba. Pero pasigaw pa rin itong sumagot sa kanya. "Oo. Lalo na at baguhan lang iyon!"
"Ano bang gusto mong palabasin ha?"
Napabuga sa hangin si Gardo. Akala nga niya, tatawa na ito. "Sa akin nga, hindi mo magawa yun."
Napakunot ng noo si Miyara. "I hug you when you need it."
Umiling ng parang bata si Gardo. "Oo, pero hindi sa harap ng maraming tao."
Ay nako, babysitter lang pala ng isang basketball player ang ending niya sa kwentong ito. "So ang gusto mo, PDA?" Nangingiti na ng konti si Miyara.
Nagpout si Gardo. "Ang gusto ko...akin ka lang."
Humakbang ng isa paatras si Miyara. Nawala na rin ang ngiti sa labi niya. "Gardo, nag-usap na tayo sa ganito. Hindi mo ako girlfriend. Hindi ako sa 'yo!"
Napipikon na siya rito. Bumalik sa isip niyang galit siya rito sa panununtok ng wala sa lugar.
Naningkit ang mga mata ni Gardo. "Bakit ba tinatapos mo na sa atin ang lahat?"
Napaatras ulit siya ng ilang hakbang. Ayan, pader na. "Gardo, tama na."
Nakakatakot na ang itsura nito. "Dahil ba may mahal ka ng iba? Siya ba?" Tumuto ito sa court. "Siya na ba?" Bakit pareho sila ng tanong ni Asce?
"Ganyan ka na rin ba kabilis magpalit?"
Sinampal niya ito. Hayup ito, anong karapatan nitong pagsalitaan siya ng ganyan?
"Huwag mong hintayin na isumbat ko sa 'yo lahat ng mali sa 'yo at mali sa relasyon nating dalawa!"
Pinahid niya ang mga luhang tumulo sa galit niya. "Kung anong meron sa amin ng baguhang sinasabi mo, mas malalim yun sa kung anumang pinagsamahan natin."
Nakita niyang napayuko ng konti si Gardo saka tumingin uli sa kanya. "Two-timer ba ang tingin mo sa akin ngayon? Eto ang tandaan mo, Gardo. Hindi kita hinusgahan hanggat hindi kita nakita ng mismong mga mata ko ang ebidensiya."
Lumapit siya rito para mas marinig nito ang sasabihin niya.
"Ni hindi mo nga alam kung bakit ko ginawa yun eh! Ako, hinusgahan mo na agad, nasaktan at inangkin ng parang isang laruan! Hindi ako sa 'yo, Gardo! Hindi ngayon, hindi kailanman!"
Sinampal niya ulit ito.
"Tapos na tayo."
☆
A/N: Aww Comment kayo guyss PLEASE if you're reading!! :)) Love youuu
BINABASA MO ANG
"Supposedly a Summer Love"
Novela JuvenilSummer 2013 ang dapat dabest summer para kay Miyara dahil sa wakas ay pinayagan na siyang mamundok ng mga magulang niya mag-isa. She has been a city girl all her life and she is really curious on what it is like to live in a province. Hindi naman si...