Mag-isang naglalakad si Miyara papuntang Sports Building. Halos isang linggo na rin mula noong tryouts slash eskandalo na inattendan niya sa building na ito.
Bukas, Sabado na. Ayan, makakapagpahinga na siya ng konti sa mga masasamang tingin ng mga tao sa kanya buong linggo.
Hindi pa rin niya naaayos ang problema niya sa school.
Hindi na ulit sila nagkita ni Gardo. Tinigilan na niya ang pag-aasikaso rito sa lunch. Wala rin silang klase together kaya naging madali para iwasan ito.
Hindi na rin sila nagkita ni Asce simula noon. Parang kabute lang naman itong sumusulpot sa university pero balita niya, nakapasok ito sa basketball team after ng tryouts.
Si Delly, hindi na rin niya nakakasama sa gym sa hindi malamang dahilan. Dati pa yun eh, kahit noong hinahatiran niya ng lunch si Gardo. Hindi minsang sumama ito sa kanya. Tinanggap niya iyon. Baka busy rin talaga.
"Huy, guys! Dali, may nagsusuntukan daw sa gym!"
"Basketball players yata, nagkainitan daw sa one-on-one!"
"Naku, parehas guwapo pa! Madali ka, bakla! Si Papa Gardo at Asce yun!"
Napalingon bigla si Miyara sa mga taong nagsasalita. Tumatakbo na ang iba at halos sumisigaw, aakalain mong relief goods sa nasalanta ang balita. Ano, naging Newsfeed na ba ang EU at ang bilis kumalat ng chismis? Akala mo naman may sunog---
"Hoy, Miyara! Ikaw yata ang dahilan ng suntukan!"
Halos madapa si Miyara sa biglang pagkaladkad sa kanya ni Delly habang tumatakbo at sinisigawan siya. Hinawakan nito ang braso niya at pilit siyang pinapatakbo. Tumatakbo na rin tuloy siya kahit hindi niya naiintindihan ang nangyayari.
"Hoy, Delly!" bumitiw ni Miyara sa hawak ni Delly sa braso niya nang nagslow down sila sa pagtakbo sa hagdan.
Aba, hingal na hingal na siya! "Ano bang meron at parang may paraffle ng NFA rice?"
Humihingal din si Delly. O ano, fun run pa more? "May nag-aaway nga sa taas."
Tumalikod na siya. "Eh wala naman palang kuwenta. Kailan pa naging chismosa ang buong EU?"
Hinila rin agad siya pabalik ni Delly. "Magtino ka nga, Miyara. Nandun si Asce mo at si Gardo ko!"
Nagulat si Miyara pero hindi na siya nakapagtanong sa paghila sa kanya ni Delly paakyat ng hagdan. Grabe, literal na siyang kaladkarin. Tumatakbo na rin siya para makasabay sa hype nito. Nag-e-Energen ba ito? Nasobrahan yata.
"...Asce mo at Gardo ko"
Bakit may possessive pronouns? Parang sure si Delly. Hindi sa kanya si Asce pero si Gardo ba kay Delly? Ano na.
"Kailan pa naging basag-ulo ang basketball? Magsitigil na kayo!"
Napabilis ang pagtakbo ni Miyara ng marinig ang boses na sumisigaw ng Coach ng basketball. Maingay na rin ang feel sa gym pero iba ang pressure sa boses ni Coach B. Kinabahan si Miyara. Ano bang nangyayari?
Pinilit ni Miyara makisiksik amidst sa grabeng kumpulan ng mga taong nakikiusyoso. Pero walang nagpapalusot sa kanya. Lahat gusto makakuha ng hot scoop.
"Nandito na po siya!" biglang sigaw ni Delly habang tinuturo siya. Parang natapat naman sa kanya ang spotlight at nagtinginan ang lahat ng tao. Napalunok siya sa tila riot na napasukan niya.
Binigyan niya ng nagtatanong na mukha si Delly. 'Anong gagawin ko, bruha ka?'
Ngumuso lang si Delly at itinuro ang gitna. Sa isang iglap, para siyang si Moses na nakakita ng paghati ng Dead Sea sa pagbigay sa kanya ng mga tao ng madadaanan. Nangangatog pa rin ang tuhod niya kaya kinailangan pa siyang itulak ni Delly para maglakad paabante.
'May nagsusuntukan daw sa gym!'
'Ikaw yata ang dahilan ng suntukan!'
'Si Asce mo at si Gardo ko!'
Parang kamerang nagflashback sa utak ni Miyara ang mga narinig niyang linya. Hala, ngayon lang na-process sa kanya ang lahat.
Si Asce at Gardo, nagsusuntukan sa gym. Kaya pala nagsitakbuhan ang mga tao. Kaya pala pilit siyang hinila ni Delly...
Sa naisip, napabilis ang lakad ni Miyara hanggang makarating siya sa gitna ng court. Nakita niyang sugatan pareho si Asce at Gardo habang may kanya-kanyang humahawak sa braso para umawat.
Hindi niya alam kung sinong lalapitan niya. Parehas galit ang mga mata nito. Pawis pa ang mga noo pero handa pa ring makipagsuntukan.
"Ikaw ba si Miyara?" Mariing tanong sa kanya ni Coach B. Mukhang galit din ito sa kanya. Hala...
Napatingin siya sa paligid. Walang humihinga sa mga tao. Lahat takot sa tono ni Coach. Marahang tumango siya. "Opo..."
"Lintik na yan!" Napakislot si Miyara sa murang natanggap. Binalingan ni Coach ang dalawang lalaki.
"Dahil ba sa isang babae, nagawa ninyong dumihan ang basketball? Bakit hindi na lang kayo naghintay matapos ang laro saka ninyo inatupag ang mga leche niyong relasyon?"
Nanginginig si Miyara sa bawat salitang binibitawan ni Coach.
"Magagaling kayong maglaro pero hindi niyo alam kung paano maging isang tunay na basketball player!" Tumalikod na si Coach. "Hindi ko kayo kailangan sa team ko!"
Napasinghap ang mga tao. Naluha na si Miyara. Hindi pwede! Sobrang halaga ng basketball para kay Gardo. Pangarap nitong maging Team Captain next year. Ganun din kay Asce. Ito ang star player kahit noong nandun pa sila sa Bicol.
"Coach!"
Hinarap siya ng coach at saglit na tiningnan. Parte siya ng galit nito at dapat sisihin sa nangyari. "At ikaw, Miyara..."
Baka may magagawa pa siya. "Coach, huwag nyo po silang tanggalin sa team, please..."
Umiling si Coach at napabuga lang sa hangin. "Mamili ka na. Para matapos na at ayaw ko ng maulit ito."
Napahawak siya sa bibig. Mamili? Ano, siya ba talaga ang issue dito? Ni hindi pa nga niya alam ang buong istorya kung bakit nagsuntukan si Asce at Gardo. Paano niya malalaman kung sino ang nasa katwiran at sino ang papanigan niya? Tibok na lang ba ng puso ang batayan?
Tiningnan niya si Asce. Nakatingin ito sa sahig.
Tumingin siya kay Gardo. Nakatingin ito sa kanya.
Binalik niya ang tingin sa coach. Mukhang seryoso ito. Ang pagpili niya ba ang sasagip sa mga slots nito sa team?
"Asce!"
Hindi pa siya nakakasagot ay nabingi na siya sa isang tili mula sa likuran.
"Si Asce! Si Asce, nahimatay!"
Sa isang iglap, wala ng malay si Asce sa sahig at nakapalibot na rito ang mga tao. Napatakbo si Miyara rito. Tinapik-tapik niya ito sa mukha pero wala. Naiiyak na siya. Napuruhan ba ito sa ulo? Hindi na ba nito nakaya ang sakit?
Nagulat siya ng biglang gumalaw ang kamay ni Asce at hinawakan ang kamay niya.
"Huwag mo 'kong iiwan, Miyara..."
☆
A/N: COMMENT naman po! Kahit isang tuldok lang!! :)))
BINABASA MO ANG
"Supposedly a Summer Love"
Teen FictionSummer 2013 ang dapat dabest summer para kay Miyara dahil sa wakas ay pinayagan na siyang mamundok ng mga magulang niya mag-isa. She has been a city girl all her life and she is really curious on what it is like to live in a province. Hindi naman si...