Chapter 22: If The Feeling Is Gone

4 1 0
                                    

"Bakit ba kailangan mong gawin yun, Gardo?"

Pinipilit magpakahinahon ni Miyara habang nilalagyan ng cold compress ang bahaging labi ni Gardo. Dapat galit siya rito lalo na ng nalaman niyang ito ang nagsimula ng away pero naaawa rin siya rito.

Nakausap niya saglit si Coach B para mapaliwanagan ng nangyari pagkatapos nilang ihatid sa clinic ang walang malay na si Asce. Break daw ng practice session nila sa basketball nang mag-one-on-one sila Asce at Gardo sa court. Nag-uusap daw ito habang naglalaro, parang nagpapayabangan ng kung ano.

Ang totoo, nagpupustahan pala ang dalawa na kung sino ang mananalo sa laro, siyang manliligaw kay Miyara. Ang matatalo, hindi na pwedeng makigulo.

Nang palapit na raw matapos ang time at mananalo na si Asce, bigla na lang daw nanuntok si Gardo at nauwi na nga sa madugong labanan. Wala raw makapag-awat hanggang pumagitna na nga si Coach.

Hindi siya natuwa sa nalaman niya. Sino ba ang matutuwa sa nangyaring iyon? Una, pinagpustahan siya. Pangalawa, nadungisan ang larong basketball ng basag-ulo. Pangatlo to infinity, pinagpustahan siya.

"Ako naman ang pipiliin mo, 'di ba?"

Napadiin ang hawak niya sa yelo. Napa-aray si Gardo.

"Ewan ko sa 'yo. Sa ginawa mo, mas lalong tumitindi  ng desisyon kong---"

"Bakit? Minahal mo ba talaga siya?"

Napanganga si Miyara sa tanong ni Gardo. Minahal? Bakit 'minahal' ang term nito? As in past tense?

"Ang sabi niya kasi sa akin, nagkakilala raw kayo one year ago," tila sagot ni Gardo sa tanong sa isip niya. "Summer love raw pero hindi natuloy."

Napakunot ang noo ni Miyara. Sasabihin ba talaga yun ni Asce sa kapwa lalaki?

Tumawa ng malakas si Gardo. "Ang bakla, 'di ba? Pero sa ginawa niyang iyon, masasabi ko na talagang seryosong karibal ko nga siya."

Nilapag ni Miyara ang cold compress at nagsimulang ligpitin iyon.

"Hindi kayo magkaribal. Hindi dapat kayo nag-aagawan."

Hinawakan ni Gardo ang kamay niya. Mabilis na binawi naman niya iyon.

"Hindi mo pa ako napapatawad?"

Napapikit si Miyara. Alam niyang masamang hindi magpatawad pero kapag wala siyang ginagawa, minsan sumisiksik sa isip niya kung paano siya inakusahang two-timer ni Gardo at ng buong EU. Wala na siyang maramdamang pagmamahal kay Gardo kahit konti. Naubos na.

Huminga siya ng malalim at tumayo na. Nakasunod agad sa kanya si Gardo. Hinarap niya ito at tinitigan sa mata. Malungkot na malungkot ang mga mata nito. Parang alam na nito ang mga sasabihin niya pero ayaw nito sanang makinig.

Hindi siya kailangan man magiging handa sa sitwasyong ito, pero mangyayari din naman ito eventually. Kailangan ding matapos eventually. Bakit hindi pa ngayon?

"Ang sa akin lang, Gardo. Tapos na tayo. Hindi noong isang linggo nung sinampal kita, hindi kahapon, hindi ngayon, kundi matagal na matagal na."

Hinawakan niya ang isang balikat nito. "Ito bang pakikipagsuntukan, makukuha mo ako pabalik? Kung nanalo ka sa pustahan, sinong nagsabi sa iyo na sasama ako sa iyo? Magbabago ba ang tingin ko sa iyo? Magiging masaya ba ako sa piling mo? Hindi, Gardo. Hindi na. Kaya please---"

"Pero mahal kita," hinawakan nito ang kamay niya sa balikay nito. "I love you, Miyara."

Tumalikod na si Miyara at nagsimula ng maglakad. Kapag nagtagal pa siya, lalo lang niyang sasaktan ito.

"Miyara, wait!" Narinig pa niyang sabi nito. "Totoo yun. Please give me another chance."

Napakagat sa labi si Miyara para pigilan ang mga luha niya. Hindi niya pwedeng tingnan ang mukha ni Gardo. Baka hindi niya kayanin.

"Mahal na mahal kita. Hindi ko na kinaya ng wala ka." Pilit kinukuha ni Gardo ang kamay niya pero inaalis niya iyon. Gumagaralgal na ang boses nito. Pareho na silang umiiyak sa maliit na bench sa labas ng EU.

"Kaya ako nakipagpustahan kasi wala na akong ibang maisip pang paraan kung paano makukuha ka ulit. Noong si Asce na ang mananalo, nasuntok ko siya. Hindi ko matatanggap na mananalo siya. Pwedeng sa basketball pero hindi sa'yo," pilit siyang pinapaharap nito.

Nakita na niya ang luhaang mata nito. Mas nagagalit siya sa sarili niya kasi hindi niya kayang gawin ang hinihingi nito. Kahit ayaw niyang saktan ito at ayaw na niyang umiyak ito ng ganito.

"Hindi sa 'yo, Miyara. Hindi ikaw ang isang tao dito sa mundo na pwede kong ipatalo. Sorry kung naging impulsive ako. Kung hindi ko na inisip ang dangal ng basketball pero makakapag-isip ka pa ba kung ang taong mahal mo na ang nakasalalay?"

Ayaw na niyang gumawa ng kahit anong action na maaaring ma-misinterpret ni Gardo pero lumapit siya rito at nag-abot ng tissue galing sa kit na hawak niya.

Umiling si Gardo. Tumingkayad na lang si Miyara at siya na ang nagpunas ng luha nito. Saka niyakap ito.

Naramdaman niyang tumigil na sa pag-iyak si Gardo sa ginawa niya. Pero for all it's worth, kailangan na niyang sabihin dito ang nararamdaman niya.

"Tama na, Gardo. May mahal na akong iba."







A/N: Sorry medyo maikli po!! Haha uy tapos na siyaaaa :)) Matatapos na po haha Kasi magpapasukan na sa June 15. So tatapusin ko na po siya ng hanging for now (mga 2 chapters na lang ayon sa notebook na sinusulatan ko haha ubos na siya huhu) Isipin nyo na lang tapos na ang (Note)Book 1 hahaha Ngii!! Comment kayo ah! Please!! Thank youuu!!

"Supposedly a Summer Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon